Chapter: KABANATA 17Iniuwi ko sina Cassiel sa pamamagitan ng aking paglipad gamit ang itim kong pakpak. Nang una ay nagpupumiglas siya at ayaw niyang sumama sa akin pero sa huli ay napapayag ko rin siya.Nanatili lang ang tingin niya sa akin. Hindi ako makapagsalita, walang kahit ano ang lumalabas sa bibig ko. Parang tinabunan ng napakaraming lupa ang bunganga ko.Nililipad ang bistidang suot niya at gano'n na rin ang mahaba at kulot niyang buhok. Nakatayo kami sa harapan ng maliwanag na buwan ngayong gabi habang napupupuno ng katahimikan ang paligid. Para kaming nasa ibang planeta ngayon, walang mga nilalang maliban lang sa aming dalawa.Rinig na rinig ko ang mga himig ng mga ibong nagkakantahan sa madilim na gabi. Napakasarap sa tainga ng kanilang mga naggagandahang tinig."Ano sa tingin mo 'yong ginawa mo kanina?" Nawasak ang katahimikan dahil sa pagsasalita niya. Tila nagulat ako sa tanong niya, ang akal
Last Updated: 2020-08-17
Chapter: KABANATA 16Nakarating na kami rito sa siyudad at nagagalak ako dahil nakikita ko na naman ang mga taong papaslangin ko. Marami-rami sila at uunahin ko ang mga magkakarelasyon na sobrang saya, hindi sila maaaring magsaya.Magdurusa sila hanggang naririto ako, hindi ako papayag na may magsilabasan na halakhak sa kanilang bibig."Tara na!" Hinatak ako ni Cassiel at napasunod naman ang dalawa kong paa. Nagsisiksikan ang mga tao sa lugar na 'to, maiihalintulad ko na rin ito sa impyerno dahil sa labis na kainitan ngunit wala pa rin makatatalo sa nagliliyab na lugar ng mga kaluluwang makasalanan.May biglang natapilok sa harapan ko na babae, puno ng kolorete ang kaniyang mukha at kitang-kita ang taas ng dibdib niya dahil sa sando na suot. Hinawakan niya ang braso ko at hinaplos niya 'yon pababa kasabay ng pagkagat niya sa kaniyang labi. Iba ang kaniyang mga tinginan at sa aking palagay ay may gusto siyang gawin na kakaiba. Kin
Last Updated: 2020-08-14
Chapter: KABANATA 15"Gising na! Sasamahan mo ako ngayon!" Naalimpungatan ako nang marinig ko ang malakas na pagsigaw ni Cassiel. Ang aga-aga, bibig niya kaagad ang sumalubong sa akin.Tinakpan ko ng unan ang aking tainga at mukha nang sa gano'n ay hindi ko marinig ang nakaririndi niyang boses. Tumatagos ito sa tainga ko na para bang may bubog at paulit-ulit na nababasag."Huwag ka nang magtakip ng tainga mo! Samahan mo ako sa siyudad!" sigaw niya pang ulit at pilit niyang tinatanggal ang unan na nakatakip sa tainga ko. Nakikipag-agawan siya sa akin at hindi naman ako nagpapatalo sa kaniya. Nang malakas na ang paghatak niya sa unan ay nilakasan ko rin ang paghatak dito dahilan ng pagtumba niya sa akin.Tumama ang naglalakihang dibdib niya sa aking braso at napunta sa likuran ko ang mukha niya. Nabigla ako sa pangyayari kaya agad-agad ko siyang itinulak at umayos ako ng upo."Aray!" Nakita ko siyan
Last Updated: 2020-08-09
Chapter: KABANATA 14"Saan ka ba pumunta?" ani Cassiel sa akin habang inaayos ko ang mga pinggan sa lamesa. Naisip ko na baka masyado na akong nagiging pabigat sa kanila at baka isipin ni Cassiel na nagpapakasarap lang ako. Ayaw kong gano'n ang isipin sa akin ng isang babae. Hindi ko alam kung bakit ko 'to ginagawa, nagluto rin ako ng makakain namin."Ang bango naman niyan, ano ba 'yan?" nakangiting tanong niya. May kung ano sa kalamnan ko na kumakalikot nang sabihin niya 'yon. Ano ba ang nangyayari sa akin? Ito na ba ang bunga ng mga ginawa ko sa kaniya? Ito na ba 'yong karma ko dahil sa ginawa kong pambabastos?Hindi ako makalingon-lingon sa kaniya at nakapako lang ang aking atensyon sa mga kagamitang-pangkain."Kinakausap kita. Ang tahimik mo na naman. Alam mo, para akong nagsasalita sa hangin, wala ka bang sasabihin?" sabi niya. Nilakasan niya ang pagsasalita at umikot-ikot siya sa akin. Tuluyan na akong napatingin sa kaniya at nak
Last Updated: 2020-08-09
Chapter: KABANATA 13"Ano ang ginagawa mo rito?" bungad ni Satanas sa akin kaya napangiti ako nang malapad. Hindi ba siya magtatanong kung bakit nawala ako ng ilang araw?"Hindi mo ba ako gustong makita?" pabalik kong tanong sa kaniya. Tumawa siya nang malakas, para siyang isang ulol na aso na tuwang-tuwa sa amo dahil pinapakain siya ng napakaraming buto."Saan ka ba nanggaling at ano ang kailangan mo? Magpapakita ka lang naman sa akin kapag may kailangan ka o kaya naman ay magyayabang ka na matatalo mo ako, sa tingin mo ba ay mapapaslang mo ako?" Nainis ako dahil sa sinabi niya pero sa halip na ipakita ang inis ko sa kaniya ay mas lalo ko pang naisipan na magyabang at asarin siya. Kapag ipinakita kong apektado ako, parang sinabi ko na rin na panalo na siya."Malapit na nga at alam ko naman na nanginginig ka na sa takot. Mag-ingat ka at baka maihi ka riyan," natatawa kong sabi. Kitang-kita sa kaniyang mukha ang pagkainis kaya mas
Last Updated: 2020-08-09
Chapter: KABANATA 12Nagising ako nang maramdaman kong may nagpupunas ng ulo ko. Mahinahon na idinadampi ni Cassiel ang tuwalyang may tubig sa katawan ko.Sana'y hindi na lang ako nagising. Mas gugustuhin kong ulit-ulitin ang pangyayaring 'yon kahit na masakit. Mas pipiliin kong manatili sa panaginip na 'yon, dahil kasama ko siya at nakikita ko ang maamo niyang mukha hindi tulad ngayon, ilang taon ko nang hindi nasisilayan ang mga berde niyang mga mata.Sana ay patuloy na lang akong nanatili mula sa aming nakaraan at hindi na dumako pa sa kasalukuyan, kung kaya ko lang iatras ang panahon kung saan maligaya pa kami noon. Kung sana lang ay pinagkatiwalaan niya ako, hindi sana ako naging ganito. Wala sigurong buhay na nasisira.Tumigil si Cassiel sa pagpupunas ng katawan ko at may kinuhang baso na may laman na kung ano."Cassian, inumin mo 'to. Gamot daw ito sabi ni Manang." Hawak-hawak niya ang baso na ma
Last Updated: 2020-08-09
Chapter: Chapter Twenty-fourZach's POV"Where are you?" Bliz asked me. Nasa kabilang linya siya at hindi ko rin alam kung bakit niya ba ako tinawagan. Gusto niya raw makipagkita sa akin at may sasabihin daw siya."Pumunta ka na lang dito sa bahay," ani ko pagkatapos ay pinatay ko na ang tawag. Hindi ko alam kung anong sasabihin niya pero interisado akong malaman 'yon.Palakad-lakad lang ako at kung ano-ano ang pumapasok sa isipan ko. Hindi ako mapakali, hanggang ngayon ay iniisip ko pa rin kung bakit ko nararamdaman ito. Hindi ako makapaniwalang mararamdaman ko muli ito.Wala akong ideya kung anong nangyayari sa akin pero mukhang nagtagumpay sila sa plano nila.Ilang minuto pa ay nakarating na rin si Bliz dito sa bahay. Pagkapasok niya pa lang ay uminit na ang dugo ko. Noon ay masaya ako kapag nandito siya dahil pumupunta rito sina mama at papa, pero ngayon, nang malaman ko na kaya lang pa
Last Updated: 2020-08-22
Chapter: Chapter Twenty-threeNaglalakad ako ngayon papunta sa market dahil may pinabili si Mageline sa akin. Ayaw ko na siya pa ang pumunta rito at baka mabinat siya. Grabe ang paglilihi niya nitong mga nakaraang araw, mas lalong lumolobo na rin ang kaniyang tiyan. Hanggang ngayon hindi niya pa rin sinasabi kung sino ang ama ng kaniyang dinadala at mukhang wala na siyang balak pang sabihin sa akin 'yon.Nang makarating na ako ay agad kong hinanap ang mga pagkain na nakalista rito sa papel na binigay sa akin ni Mageline. Isa-isa ko 'yong hinanap at konti pa lang ang nailalagay ko sa lalagyanan na hawak ko."Hi, Zayra. You're here." Lumingon ako sa lalaking nagsalita sa gilid ko at napairap na lang ako nang makita ko kung sino 'yon."Ang sungit mo naman pero pagdating sa kapatid ko, ano bang meron kay Zach na wala ako?" Hindi ko siya pinansin at nagpatuloy lang ako sa pagpili ng mga pagkain."Gusto mo nga p
Last Updated: 2020-08-21
Chapter: Chapter Twenty-two"Anong ginagawa mo rito?! Tumayo ka nga! Bakit ka natutulog na nakaupo?!" Nagising ako sa malakas na pagsigaw ni Zach sa akin kaya dahan-dahan kong iminulat ang mga mata ko."Ano bang problema?" tanong ko sa kaniya. Hinatak niya ako patayo pero hindi ako tumatayo, antok na antok pa ako."Tumayo ka! Huwag ka nga d'yan matulog!" Nakakarindi na ang sigaw niya, ang sakit sa tainga. Hindi ko siya pinansin at ipinikit kong muli ang mga mata ko."Aba! Parang wala kang naririnig, ahhh. Hindi pa tayo okay! Huwag kang umasta na parang maayos na tayo kasi hindi! Hindi tayo okay kaya lumayas ka rito, huwag ka rito matulog!" Kung makapagpalayas naman siya, para naman akong asong maraming garapata."Paki mo? Lasing ka kaya, inalagaan lang kita," ani ko sa kaniya. Maya-maya pa'y nanahimik siya at lumakad siya palayo mula sa akin.Inayos ko ang upo ko dahil nanganga
Last Updated: 2020-08-20
Chapter: Chapter Twenty-one: Like a Flower “NASAAN si Zach?” tanong ko sa lalaking nakatayo sa gate at nagbabantay sa bahay ni Zach. “Nasa taas po ata, Ma'am,” aniya kaya dire-diretso lang akong pumasok. Kilala na ako ng mga katulong at mga taga-bantay ni Zach kaya hinahayaan na lang nila ako na makatuloy. Rinig na rinig ko ang malakas na pagtunog ng sapatos ko habang umaakyat ako sa hagdan. Lumakad ako palapit sa kuwarto niya at nang tuluyan na akong makalapit ay dahan-dahan kong binuksan ang pintuhan pero hindi ko siya nakita. Nakapagtataka dahil madalas lang naman siyang nandito sa kuwarto niya sa pagkakaalam ko. Bumaba ulit ako at inikot ko na ang buong bahay niya pero hindi ko pa rin siya nakikita.
Last Updated: 2020-08-17
Chapter: Chapter Twenty: His Mother SUSUNDAN ko sana si Bliz ngunit hindi maaari sapagkat may napag-usapan kami ng mama niya at ni Zach at kailangan ko iyong tuparin. Nakarating na ako sa lugar na 'to at hinihintay ko na lang siya na dumating. Mayamaya pa'y may nakita akong isang kulay itim na kotse, pamilyar iyon at tama ang aking hula. Huminto sa harapan ko ang kotse na 'yon. Lumabas ang mama ni Zach at agad akong nagmano simbolo ng pagrespeto. “Gumanda kang lalo,” bati niya sa akin. Napangiti naman ako at hindi ko maiwasan ang humanga sa kagandahang taglay niya. Nakasuot siya ng isang pulang mahabang bistida na bumagay sa maputi niyang kulay. Napakaganda niya at bata pa ako nang nakita ko siya. Malamang ay nasa pitong taong gulang pa lamang ak
Last Updated: 2020-08-14
Chapter: Chapter Nineteen: Since We MetZayra's POV “TARA nga! Bakit kayo magkasama ni Bliz?” tanong ko kay Mageline. Nasa bahay nila ako ngayon dahil pinuntahan ko siya at gusto ko siyang makausap. “Bumili kasi kami ng vitamins,” aniya. Umupo kaming pareho sa sofa at kinuha ko ang baso na may tubig sa katapat naming lamesa. “Bumili ng vitamins?! Huwag mong sabihin ang Bliz na 'yon ang ama niyan!” Itinuro ko ang tiyan niyang medyo lumolobo na. “Hindi atsaka hindi mo na kailangan pang malaman,” aniya. Tinaasan ko siya ng isa kong kilay. “Huwag mong sabihing si Zach?” mahinahong tanong k
Last Updated: 2020-08-12
Chapter: Prologue"I've never thought that this will happen. Having you is the best thing that ever happened to my life," Shania said and smiled to Giovann.She noticed that Giovann seems to be quiet. She tried to catch his eyes but Giovann tried so hard just to avoid her gaze."What's the problem?" Shaina confusingly asked.Giovann stand-still without even spiting any words. Everything seems so dark between them. From a sunshine to a nightmare. How funny could love is."Is there a problem?" Shania asked in second time around.Finally, Giovann looked at her but this time, it seems that his eyes turns to a nothing but a plain eye."Let's stop this."Shania stopped when she heard what Giovann said. She feels like her eyes was about to rain. She doesn't know what's the reason of Giovann.She was confused but as she remembers everything, she knew from that moment, maybe, this is the end of their love story.
Last Updated: 2020-11-06