Mag-log inSi Zach mismo ang nag-umpisa ng laro sa pagitan nilang tatlo. Siya mismo ang nagpahamak sa sarili. Ang akala niya'y sa pamamagitan ni Zayra ay maibabalik niya sa kaniyang piling ang pinakamamahal niyang babae na si Mageline. Nang una'y umayon ang lahat sa plano ngunit 'di nagtagal, bigla na lamang lumihis ang lahat sa ibang direksyon. Marami siyang nalaman na katotohanan na alam niyang magiging dahilan ng pagkasira nilang lahat. Alam niyang kapag ipinagpatuloy niya pa ang pakikipaglaro kay Zayra ay siya lang din ang mahihirapan. Handa niya pa rin bang sabayan ang laro kahit na alam niyang sakit lang sa puso ang dulot nito? O titigil na lamang siya? Dahil sa patibong na ginawa niya'y siya mismo ang nahulog dito.
view moreZach's POV"Where are you?" Bliz asked me. Nasa kabilang linya siya at hindi ko rin alam kung bakit niya ba ako tinawagan. Gusto niya raw makipagkita sa akin at may sasabihin daw siya."Pumunta ka na lang dito sa bahay," ani ko pagkatapos ay pinatay ko na ang tawag. Hindi ko alam kung anong sasabihin niya pero interisado akong malaman 'yon.Palakad-lakad lang ako at kung ano-ano ang pumapasok sa isipan ko. Hindi ako mapakali, hanggang ngayon ay iniisip ko pa rin kung bakit ko nararamdaman ito. Hindi ako makapaniwalang mararamdaman ko muli ito.Wala akong ideya kung anong nangyayari sa akin pero mukhang nagtagumpay sila sa plano nila.Ilang minuto pa ay nakarating na rin si Bliz dito sa bahay. Pagkapasok niya pa lang ay uminit na ang dugo ko. Noon ay masaya ako kapag nandito siya dahil pumupunta rito sina mama at papa, pero ngayon, nang malaman ko na kaya lang pa
Naglalakad ako ngayon papunta sa market dahil may pinabili si Mageline sa akin. Ayaw ko na siya pa ang pumunta rito at baka mabinat siya. Grabe ang paglilihi niya nitong mga nakaraang araw, mas lalong lumolobo na rin ang kaniyang tiyan. Hanggang ngayon hindi niya pa rin sinasabi kung sino ang ama ng kaniyang dinadala at mukhang wala na siyang balak pang sabihin sa akin 'yon.Nang makarating na ako ay agad kong hinanap ang mga pagkain na nakalista rito sa papel na binigay sa akin ni Mageline. Isa-isa ko 'yong hinanap at konti pa lang ang nailalagay ko sa lalagyanan na hawak ko."Hi, Zayra. You're here." Lumingon ako sa lalaking nagsalita sa gilid ko at napairap na lang ako nang makita ko kung sino 'yon."Ang sungit mo naman pero pagdating sa kapatid ko, ano bang meron kay Zach na wala ako?" Hindi ko siya pinansin at nagpatuloy lang ako sa pagpili ng mga pagkain."Gusto mo nga p
"Anong ginagawa mo rito?! Tumayo ka nga! Bakit ka natutulog na nakaupo?!" Nagising ako sa malakas na pagsigaw ni Zach sa akin kaya dahan-dahan kong iminulat ang mga mata ko."Ano bang problema?" tanong ko sa kaniya. Hinatak niya ako patayo pero hindi ako tumatayo, antok na antok pa ako."Tumayo ka! Huwag ka nga d'yan matulog!" Nakakarindi na ang sigaw niya, ang sakit sa tainga. Hindi ko siya pinansin at ipinikit kong muli ang mga mata ko."Aba! Parang wala kang naririnig, ahhh. Hindi pa tayo okay! Huwag kang umasta na parang maayos na tayo kasi hindi! Hindi tayo okay kaya lumayas ka rito, huwag ka rito matulog!" Kung makapagpalayas naman siya, para naman akong asong maraming garapata."Paki mo? Lasing ka kaya, inalagaan lang kita," ani ko sa kaniya. Maya-maya pa'y nanahimik siya at lumakad siya palayo mula sa akin.Inayos ko ang upo ko dahil nanganga
“NASAAN si Zach?” tanong ko sa lalaking nakatayo sa gate at nagbabantay sa bahay ni Zach. “Nasa taas po ata, Ma'am,” aniya kaya dire-diretso lang akong pumasok. Kilala na ako ng mga katulong at mga taga-bantay ni Zach kaya hinahayaan na lang nila ako na makatuloy. Rinig na rinig ko ang malakas na pagtunog ng sapatos ko habang umaakyat ako sa hagdan. Lumakad ako palapit sa kuwarto niya at nang tuluyan na akong makalapit ay dahan-dahan kong binuksan ang pintuhan pero hindi ko siya nakita. Nakapagtataka dahil madalas lang naman siyang nandito sa kuwarto niya sa pagkakaalam ko. Bumaba ulit ako at inikot ko na ang buong bahay niya pero hindi ko pa rin siya nakikita.