The Aces: This Is War
Si Gabreil ay isang basagulerong estudyante ng Damien High School. Lagi siyang laman ng mga balita sa kanilang paaralan dahil sa mga kalokohan niya. Ngunit isa siya sa mga hinahangaan sapagkat nilalaban niya ang kaniyang karapatan, hindi nga lamang siya isang magandang halimbawa sa nakararami.
Ganito lamang ang buhay ni Gabreil hanggang sa isang araw nag-iba ang kaniyang mundong ginagalawan at isa siya sa mga sumagot sa tawag ng kapalaran. Kasama ang ilang mga kaibigan at ibang taong asal hayop, kanilang haharapin ang mapait na tadhanang kailangan nilang sumabak sa giyerang hindi nila alam kung mananalo sila.
Sasalungatin ang kapalaran, lalabanan ang propesiya at susuungin ang hinaharap na hindi alam kung ano ang idudulot.
Siya si Gabreil Yrven Yatsui, at ito ang kaniyang kwento.