LOGINSi Gabreil ay isang basagulerong estudyante ng Damien High School. Lagi siyang laman ng mga balita sa kanilang paaralan dahil sa mga kalokohan niya. Ngunit isa siya sa mga hinahangaan sapagkat nilalaban niya ang kaniyang karapatan, hindi nga lamang siya isang magandang halimbawa sa nakararami. Ganito lamang ang buhay ni Gabreil hanggang sa isang araw nag-iba ang kaniyang mundong ginagalawan at isa siya sa mga sumagot sa tawag ng kapalaran. Kasama ang ilang mga kaibigan at ibang taong asal hayop, kanilang haharapin ang mapait na tadhanang kailangan nilang sumabak sa giyerang hindi nila alam kung mananalo sila. Sasalungatin ang kapalaran, lalabanan ang propesiya at susuungin ang hinaharap na hindi alam kung ano ang idudulot. Siya si Gabreil Yrven Yatsui, at ito ang kaniyang kwento.
View MoreReilPauwi na ako ng bahay namin at nang makarating ay napansin ko na agad na wala yung pickup truck kaya alam kong walang tao doon. Madalas kasi na wala si lolo ng mga oras na to dahil marami siyang inaasikaso sa mga iniimbento niyang mga gamit. Madalas niya ring inaayos yung mga ginagawa kong medyo palpak.
"Kung may isang bagay ka na dapat gawin sa buhay mo bago ka mamatay, ano ito?" Someone asked me while I was sleeping in my desk. And the next thing I know ay hinampas pala ng diyaryo ang desk ko. Hindi naman ako nagulat sa pangyayaring iyon pero dahil sa mabait ako, umayos ako ng upo at kinusot ang mga mata ko."What do you think you are doing Mister Brosas?" Tanong ni Ma'am Camille. The Beautiful Ma'am Camille. Nag-unat ako sabay bati ng good morning kay Ma'am Camille.