author-banner
@Filtheia
@Filtheia
Author

Romances de @Filtheia

The Love Spell

The Love Spell

I fell in love with Chase Chavez when I was only 15. Lahat na nang uri ng pagpapapansin ay ginawa ko na but still, hindi niya ako nakilala o tiningnan man lang. Until I heard someone talking about a love spell na nabasa niya lang raw sa internet. Ginawa niya raw iyon at gumana sa crush niya. I got excited dahil sa narinig ko at agad na sinearch iyon sa internet na kaagad ko rin namang nahanap. Hindi na ako nagdalawang-isip at ginawa ko nga iyon para mahulog na nang tuluyan si Chase sa akin. I waited for 3 days dahil iyon ang nakasulat sa nabasa ko pero ilang buwan na ang lumipas ay wala pa ring Chase Chavez na lumalapit at nagtatapat ng pag-ibig sa akin. That's when I say, "tama na,". Now I'm eighteen, isa nang ganap na dalagang Jayda Valledez. Malay ko ba namang ngayon lang eepekto ang gayuma! Eh, 'di sana nakapaghintay pa ako ng kaunti. Ngayon lang siya umamin kung kailan magkaka-boyfriend na ako.
Ler
Chapter: Chapter Ten (1/2)
"Grabe. Ang bilis ng panahon 'no?" Pagdadaldal ni Diane sa tabi ko habang nagsusulat kami ng notes na pinapakopya sa amin. Hindi na ako sumagot dahil busy ako sa pangongopya.Pero totoo ang sinabi niya. Talaga ngang mabilis lumipas ang panahon. Parang noong nakaraang buwan lang ay nag-si-celebrate kami ng Nutrition Month at nag-first runner up si Chase sa Cooking Contest habang ang ibang kaklase naman namin na kalahok sa iba pang activity ay hindi pinalad sa mga sinalihan nila pero masaya pa rin kami. Lahat kami ay nakakain rin ng iniluto ni Chase na ikinasaya pa namin lalo. Ngayon naman ay August na at isa lang ang ibig sabihin nito---Buwan ng Wika at tiyak na magkakaroon ng Lakan at Lakambini.August 1 pa lang naman ngayon kaya hindi pa namin alam ang iba pang activities na may kinalaman sa pag-si-celebrate ng Buwan ng Wika pero nag-ri-ready na kami. Lalo na't sinabi ni Sir Fabrosso na may Lakan at Lakambini nga raw talaga
Última atualização: 2020-10-21
Chapter: Chapter Nine (2/2)
"Hindi ka pa uuwi?" Tanong niya nang matulungan ko siya sa pagbitbit ng mga binili niya papunta sa sakayan ng tricycle. Umiling ako. "May bibilhin pa ako sa Nat'l Bookstore," sagot ko. Nagpaalam na ako sa kaniya na tinanguan lang naman niya bago ako pumasok ulit sa loob ng Mall kung saan malapit ang Nat'l Bookstore.Nang makapasok na sa loob ng Nat'l Bookstore ay agad akong nag-ikot at nagtingin-tingin ng mga librong pwede kong bilhin upang basahin sa bahay. Nauubusan na kasi akong ng babasahing libro kaya ako narito. Nang makita ang complete book set ng The Selection Series na isinulat ni Kiera Cass ay agad ko iyon kinuha at inilagay sa bitbit kong basket. Hindi lang naman kasi libro ang bibilhin ko kundi pati na rin mga ballpen at highlighter dahil nauubusan na naman ako kakakuha ng mga lalaking kaklase ko. Hihiramin lang raw tapos hindi na pala ibabalik.Natapos na ako sa pagp
Última atualização: 2020-09-30
Chapter: Chapter Nine (1/2)
"Class dismissed," anunsyo ni Ma'am Tahlia sa amin---ang teacher namin sa last subject---dahilan para mag-ingay sa katuwaan ang mga kaklase ko. First time mag-dismissed ng klase? Bago pa muna siya lumabas ay nag-iwan muna siya ng isang takdang-aralin na siya namang kinopya namin."Valledez!" Tawag sa akin ni Paul. Naramdaman ko ang presensya niyang papalapit sa gawi ko kaya naman hinarap ko siya. "Bakit?""Wala ka bang sasalihan?" Pagtatanong nito sa akin. Napaisip naman ako at iniling ang ulo ko ng ilang beses. "Next Month na lang siguro, President," nakangiting sagot ko sa kaniya. Tumango-tango naman siya at nagpaalam na rin. Susunduin niya pa raw ang girlfriend niyang si Mica sa kabilang section. Sana lahat sinusundo.Nang matapos sa pagtulong sa paglilinis ng room ay pinatay ko na ang ilaw at sinarado ang pintuan bago
Última atualização: 2020-09-17
Chapter: Chapter Eight
"Pass the paper to the front in the count of One,"Grabe. Isang buwan na pala ang nakalilipas mula nang magsimula ang pasukan namin. Kabilaan ang activities at assignments namin kaya naman naging busy ang lahat. "Two..." Ang ibang guro namin ay nagsabi na rin ng mga magiging projects namin kahit na hindi pa naman nagtatapos ang First Quarter ng First Semester namin. Hays. Napakarami pala talagang ginagawa ng isang Graduating Student, 'no?"Three...""Jayda, pahabol naman, dali!" Bulong ni Diane sa akin. Ipinasa ko naman ng mabilis sa mga kalapit kong upuan ang papel niya and luckily, umabot pa. She mouthed 'salamat' kaya naman nginitian ko siya ng pagkatamis-tamis. Sumenyas na ang guro namin na magsibalikan na sa mga upuan namin bago niya bitbitin ang mga gamit at lumabas na nga ng room.Tingin ko naman ay close
Última atualização: 2020-09-16
Chapter: Chapter Seven
"Huwag ka ng malungkot. Atleast magkatabi lang rooms natin," pagpapalakas ko ng loob kay Antoinette. Heto siya't naglalabas ng sama ng loob dahil hindi na naman kami magkaklase. "Tch. Palibhasa kaklase mo na naman si Mccoy kaya okay ka lang." Pag-aalburuto niya. Natawa naman ako. "Sabay na lang tayo ulit mag-lunch. 'Yon naman ginagawa natin 'di ba?" Suhestiyon ko. Tumango-tango naman siya at pumayag na rin sa sinabi ko. Sabay kaming papasok, kakain at uuwi. Hindi raw niya kilala ang iba pa niyang kaklase at ayaw niya rin daw na makipag-close sa mga ito. Pakiramdam niya raw ay mga plastik."Saan na nga pala si Mccoy?""Nandito na 'ko! Hi, Antoinette. Hello, Jayjay," biglang sulpot ni Mccoy na nakangiti as always. Si Mccoy Clemente ay ang nabanggit kong Isang taon ko nang manliligaw. Mabait, maingay at palagi siyang nakangiti. May itsura rin at matalino. May i
Última atualização: 2020-09-11
Chapter: Chapter Six
Sa nakalipas na tatlong taon ay wala na akong narinig na balita patungkol kay Chase. Pinutol ko na ang lahat ng nakaugnay sa kaniya para makalimot na sa kahibangan ko noon. Nang tumuntong ako sa Grade 10 ay lumipat ako ng School dahil na rin sa pagbabago ng workplace ni Papa. Hindi kasi kaya ni Papa na malayo kami sa kaniya kaya napagdesisyunan niya na ilipat na lamang ako ng paaralang pinapasukan at nang magkaroon raw ako ng mga bagong kaibigan. Noong una ay labag sa kalooban ko ngunit nang maisip kong makakatulong iyon sa paglimot ko kay Chase ay pumayag na rin ako. Nahirapan ako noong una ngunit nang magtagal ay nasanay na rin. Ganoon rin si Mama na ngayo'y bumalik na sa pagtitinda niya ng mga ulam.Naalala ko noong sinabi ko kay Antoinette na lilipat na ako ng School ay hindi niya ako pinansin ng isang buong linggo ngunit bago ang araw ng pag-alis namin ay pinuntahan niya ako at niyakap ng mahigpit. "Ang epal mo!" Naalala kong sambit n
Última atualização: 2020-09-07
Explore e leia bons romances gratuitamente
Acesso gratuito a um vasto número de bons romances no app GoodNovel. Baixe os livros que você gosta e leia em qualquer lugar e a qualquer hora.
Leia livros gratuitamente no app
ESCANEIE O CÓDIGO PARA LER NO APP
DMCA.com Protection Status