LOGINI fell in love with Chase Chavez when I was only 15. Lahat na nang uri ng pagpapapansin ay ginawa ko na but still, hindi niya ako nakilala o tiningnan man lang. Until I heard someone talking about a love spell na nabasa niya lang raw sa internet. Ginawa niya raw iyon at gumana sa crush niya. I got excited dahil sa narinig ko at agad na sinearch iyon sa internet na kaagad ko rin namang nahanap. Hindi na ako nagdalawang-isip at ginawa ko nga iyon para mahulog na nang tuluyan si Chase sa akin. I waited for 3 days dahil iyon ang nakasulat sa nabasa ko pero ilang buwan na ang lumipas ay wala pa ring Chase Chavez na lumalapit at nagtatapat ng pag-ibig sa akin. That's when I say, "tama na,". Now I'm eighteen, isa nang ganap na dalagang Jayda Valledez. Malay ko ba namang ngayon lang eepekto ang gayuma! Eh, 'di sana nakapaghintay pa ako ng kaunti. Ngayon lang siya umamin kung kailan magkaka-boyfriend na ako.
View More"Grabe. Ang bilis ng panahon 'no?" Pagdadaldal ni Diane sa tabi ko habang nagsusulat kami ng notes na pinapakopya sa amin. Hindi na ako sumagot dahil busy ako sa pangongopya.Pero totoo ang sinabi niya. Talaga ngang mabilis lumipas ang panahon. Parang noong nakaraang buwan lang ay nag-si-celebrate kami ng Nutrition Month at nag-first runner up si Chase sa Cooking Contest habang ang ibang kaklase naman namin na kalahok sa iba pang activity ay hindi pinalad sa mga sinalihan nila pero masaya pa rin kami. Lahat kami ay nakakain rin ng iniluto ni Chase na ikinasaya pa namin lalo. Ngayon naman ay August na at isa lang ang ibig sabihin nito---Buwan ng Wika at tiyak na magkakaroon ng Lakan at Lakambini.August 1 pa lang naman ngayon kaya hindi pa namin alam ang iba pang activities na may kinalaman sa pag-si-celebrate ng Buwan ng Wika pero nag-ri-ready na kami. Lalo na't sinabi ni Sir Fabrosso na may Lakan at Lakambini nga raw talaga
"Hindi ka pa uuwi?" Tanong niya nang matulungan ko siya sa pagbitbit ng mga binili niya papunta sa sakayan ng tricycle. Umiling ako. "May bibilhin pa ako sa Nat'l Bookstore," sagot ko. Nagpaalam na ako sa kaniya na tinanguan lang naman niya bago ako pumasok ulit sa loob ng Mall kung saan malapit ang Nat'l Bookstore.Nang makapasok na sa loob ng Nat'l Bookstore ay agad akong nag-ikot at nagtingin-tingin ng mga librong pwede kong bilhin upang basahin sa bahay. Nauubusan na kasi akong ng babasahing libro kaya ako narito. Nang makita ang complete book set ng The Selection Series na isinulat ni Kiera Cass ay agad ko iyon kinuha at inilagay sa bitbit kong basket. Hindi lang naman kasi libro ang bibilhin ko kundi pati na rin mga ballpen at highlighter dahil nauubusan na naman ako kakakuha ng mga lalaking kaklase ko. Hihiramin lang raw tapos hindi na pala ibabalik.Natapos na ako sa pagp
"Class dismissed," anunsyo ni Ma'am Tahlia sa amin---ang teacher namin sa last subject---dahilan para mag-ingay sa katuwaan ang mga kaklase ko. First time mag-dismissed ng klase? Bago pa muna siya lumabas ay nag-iwan muna siya ng isang takdang-aralin na siya namang kinopya namin."Valledez!" Tawag sa akin ni Paul. Naramdaman ko ang presensya niyang papalapit sa gawi ko kaya naman hinarap ko siya. "Bakit?""Wala ka bang sasalihan?" Pagtatanong nito sa akin. Napaisip naman ako at iniling ang ulo ko ng ilang beses. "Next Month na lang siguro, President," nakangiting sagot ko sa kaniya. Tumango-tango naman siya at nagpaalam na rin. Susunduin niya pa raw ang girlfriend niyang si Mica sa kabilang section. Sana lahat sinusundo.Nang matapos sa pagtulong sa paglilinis ng room ay pinatay ko na ang ilaw at sinarado ang pintuan bago
"Pass the paper to the front in the count of One,"Grabe. Isang buwan na pala ang nakalilipas mula nang magsimula ang pasukan namin. Kabilaan ang activities at assignments namin kaya naman naging busy ang lahat. "Two..." Ang ibang guro namin ay nagsabi na rin ng mga magiging projects namin kahit na hindi pa naman nagtatapos ang First Quarter ng First Semester namin. Hays. Napakarami pala talagang ginagawa ng isang Graduating Student, 'no?"Three...""Jayda, pahabol naman, dali!" Bulong ni Diane sa akin. Ipinasa ko naman ng mabilis sa mga kalapit kong upuan ang papel niya and luckily, umabot pa. She mouthed 'salamat' kaya naman nginitian ko siya ng pagkatamis-tamis. Sumenyas na ang guro namin na magsibalikan na sa mga upuan namin bago niya bitbitin ang mga gamit at lumabas na nga ng room.Tingin ko naman ay close