“Hindi nga ako nagtatampo,” muling sambit ko nang ulitin ni Antoinette ang kaniyang tanong kung nagtatampo ba raw ako. Nauna kasi siyang makapag-enroll gayong ang usapan namin ay sabay kami. Pero hindi naman talaga ako nagtatampo. Naiintindihan ko naman siya dahil atat na atat talaga si Tita na makapag-enroll siya para hindi makalimutan at nang makatulong rin siya sa tindahan nila. Samantalang mayroon naman akong sakit kung kaya’t ngayon lamang ako nakapag-enroll.Last enrollment na ngayon at hindi naman ganoon karami ang estudyanteng late na kung magpa-enroll. Marahil siguro ay tulad ko rin sila na may sakit noong mga nakaraang araw o ‘di kaya ay mga tinatamad pang mag-enroll.“Ililibre na lang kita sa Mcdo,”“Oh, sige. Anyway, I have to hang up now. Ipapasa ko na lang naman itong requirements ko, eh,” saad ko nang makita na ang hinahan
Huling Na-update : 2020-09-04 Magbasa pa