"Hindi ka pa uuwi?" Tanong niya nang matulungan ko siya sa pagbitbit ng mga binili niya papunta sa sakayan ng tricycle. Umiling ako. "May bibilhin pa ako sa Nat'l Bookstore," sagot ko. Nagpaalam na ako sa kaniya na tinanguan lang naman niya bago ako pumasok ulit sa loob ng Mall kung saan malapit ang Nat'l Bookstore.Nang makapasok na sa loob ng Nat'l Bookstore ay agad akong nag-ikot at nagtingin-tingin ng mga librong pwede kong bilhin upang basahin sa bahay. Nauubusan na kasi akong ng babasahing libro kaya ako narito. Nang makita ang complete book set ng The Selection Series na isinulat ni Kiera Cass ay agad ko iyon kinuha at inilagay sa bitbit kong basket. Hindi lang naman kasi libro ang bibilhin ko kundi pati na rin mga ballpen at highlighter dahil nauubusan na naman ako kakakuha ng mga lalaking kaklase ko. Hihiramin lang raw tapos hindi na pala ibabalik.Natapos na ako sa pagp
Huling Na-update : 2020-09-30 Magbasa pa