Isang normal na araw na naman upang pumasok sa pinagtatrabuhan kong hotel. Ako si Sima at isa akong font desk clerk sa Le Miénde Hotel.Payapa akong naglalakad patungo doon, ilang metro lang kasi ang layo nito mula sa inuupahan kong apartment. Maganda ang mood ko dahil araw ng sahod iyon, dahil kahit hindi kalakihan ang sweldo ay sumasapat na iyon sa mga pangangailangan at kagustuhan ko. Mag isa lang kasi ako sa buhay—mali, meron pala akong karelasyon, si Evoh.Natatanaw ko na ang hotel noong may bigla kong makita sa di kalayuan, isang babae. Isang matangkad, maganda at balingkinitan na dalaga. Si Elena.Agad na nagsalubong ang aming mga mata, dahilan upang gupuin ng kaba ang aking dibdib. Hindi ito maaari, hindi niya ako dapat makita. Hindi...."Sima!" sigaw niyaWalang pagdadalawang isip akong kumaripas ng takbo sa abot ng makakaya ng mga paa ko. Walang eksaktong direksiyon,
Last Updated : 2020-08-17 Read more