LOGINMemories would flow back. Spells would be casted. The dead would be resurrected. A war would ensue. And a change in the atmosphere... the wicked ones became good and the good ones became wicked. The Chosen Twelve were destined to protect the mages of Ataraxia from formidable black creatures, in accordance to the prophecy of the Phoenix Empress. They were the Celestial Zodiacs, the most powerful twelve beings. They were the keepers of peace and order. The chosen ones who will soon retrieve Ataraxia from its ashes.
View MoreAgad akong niyakap ni Caya nang makalapit siya sa akin. Mainit sa pakiramdam ang yakap na ito. Wala akong nararamdamang anumang kaplastikan.“Mabuti naman at nakabalik ka na. May masakit ba sa iyo?” alalang saad sa akin ni Caya, matapos kumalas sa pagkakayakap. Tumagal nang ilang segundo bago ako tumugon sa kaniya.“Ayos lang ako. Don't bother. I'm just tired,” sambit ko sa kaniya.“I think we should take a rest here for at least an hour. You can sleep on my shoulder,” malasakit sa akin ni Caya.“Thank you, Cay,” tanging tugon ko na lamang sa kaniya.Ngumiti siya sa akin at gano'n din ako sa kaniya. Tama. Wala akong dapat pagdudahan s
Walang anumang ingay na maririnig sa lugar na kinaroroonan namin kundi mga malalakas na pagsabog lamang. Lahat na yata ng mga malalakas naming spell ay nagawa na naming pakawalan. Ngunit, humihinga pa rin ang mga kalaban.Nahuli ko ang pagngisi sa akin ni Livea. Kahit nangangatog ang aking mga tuhod dahil sa sobrang pagod, nanatili akong nakatayo habang matapang na nakaharap sa kaniya. Maaaring kawangis niya ang aking Ina, ngunit hindi ako naaapektuhan. Hindi ko naman kasi nakasama ang tunay kong Ina nang matagal. Sanggol pa lamang ako nang namatay siya.Hindi ko nga alam kung dapat ba akong maging masaya ngayon dahil hindi siya naging kahinaan ko sa labang ito, o maging mlungkot dahil hindi ko man lang naramdaman ang kaniyang pagiging Ina sa akin. Ngunit sa sitwasyon ngayon, kailangan ko munang isipin na kalaban ang turing namin sa isa't-isa. Katawan lan
Wala akong ibang makita kundi kadiliman lamang. Hindi ko maihakbang ang aking mga paa dahil hindi ko alam kung saan ako patutungo. Kanina pa ako sumisigaw ngunit walang sumasagot sa akin.“Aaack!” Napadaing ako nang biglang may humampas ng matigas na bagay sa aking mga binti. Narinig ko ang malutong na pagkabali ng aking mga buto dito. Mabilis akong napaupo at nagsisigaw dahil sa sakit.“Aaahhh!” muling pagdaing ko nang may humagupit na latigo sa aking likod, ramdam ko ang pagkapunit ng aking damit. Napaiyak na lamang ako dahil sa sobrang hapdi. Napakagat ako sa aking labi habang iniinda ang sakit.Hindi ako makatayo dahil sa aking nabaling binti. Sinubukan kong gamitin ang aking mahika para pagalingin ito ngunit bigo ako. Hindi gumagana ang aking mahika. Anong klasen
Matapos naming mag-alay ng dasal para sa kaluluwa nina Mama Arianna at Ira, bigla na lamang bumukas ang lagusan patungo sa susunod na palapag. Isang palapag na lang at mararating na namin ang pinakatuktok ng tore. Hindi namin alam kung paano ngunit nabawasan ng tatlong palapag ang tore at naging pito na lamang ito.“Hintayin na lang muna natin dito ang iba pa nating mga kasama. Mas mabuti kung sama-sama tayong lahat. Nasa ikalimang palapag tayo at nasa ibaba natin sila. Siguradong dadaan sila dito bago tumungo sa susunod na palapag,” suhestiyon naman ni Raid sa amin.Tanging pagtango lamang ang isinagot namin sa kaniya. Tama nga naman siya, mas maigi kung magkakasama naming harapin ang mga kalaban. Tumabi ako kay Deborah na nakasandal ngayon sa pader habang nakaupo sa sahig. Yakap-yakap niya ang kaniyang mga tuhod at kanina pa walang kibo.“Deb--” Agad akong napatigil sa pagsasalita nang bigla siyang tumayo. Mariin niyan