LOGIN("I'm sorry, Mr. Alonzo but I am Alex Mendoza and what I want is what I get.") Alex Mendoza, lumaking nasusunod lahat ng gusto niya. Hindi nakaranas ng rejection sa buhay. Mahilig mag bar hopping kasama ang bestfriend niyang si Shane del Valle. Dahil sa pagbabar-hopping ay makikilala niya ang lalaking gigising sa natutulog niyang puso, si Timothy Rodriguez. Ang lalaking ito ang magpaparanas sa kanya ng pinakauna niyang rejection. Tatanggapin na lang kaya niya ang rejection ng binata? O makikipaglaro siya sa tadhana upang makaganti lamang dito?
View MoreAlex's Point of View"Daddy? Who's daddy?" Parang tanga niyang tanong habang nakapikit pa rin. Nakalimutan niya atang natulog siya sa ibang bahay.Pinagpatuloy ko ang pagyugyog sa kaniya at ilang segundo pa'y parang binuhusan naman siya ng malamig na tubig at agad na bumangon.Umayos siya ng tayo at kinakabahang tumingin kay Daddy."S-sorry po, sir. It's just. . ."Mag-eexplain pa sana siya ngunit pinutol na siya ni Daddy."I don't need an explanation. Panindigan mo ang anak ko."Wtf! Napamura ako sa isip ko.Napatayo na rin ako at tumabi kay Timothy.Tumingin siya sa akin ngunit umiwas naman ako ng tingin.I'm afraid that if I met his eyes, I would lie to my parents about what happened and force him to marry me.'Di ko naman alam kung bakit nasa baba na rin ako eh.
Alex's Point of ViewHapon na nang magising ulit ako. Tila may sariling buhay ang mata ko na automatic na naglibot ang paningin nito sa buong kwarto upang hanapin si Timothy.Nakaramdam ako ng pagkadismaya nang wala akong Timothy na nakita. What do you expect from him, Alex? Hayyyy.Baka umalis na siya. Sino nga ba naman ako para iprioritize niya? Tsk. May pasabi-sabi pa siya kaninang "you're my responsibility" pero iiwan din lang naman pala ako.Maingat akong bumangon sa kama. May nakita akong nakaprepare na tubig sa bedside table kaya uminom muna ako. Pampakalma ng sarili. Pakiramdam ko kasi'y bigla na lang akong mawawalan ng malay dito dahil sa lakas ng kabog ng dibdib ko. Medyo nahihirapan din ako huminga. Hindi ko alam kung dahil ba sa sipon at sakit ng ulo ko 'to o dahil sa galit at pagkadismaya kay Timothy. Yung blood pressure ko tumataas ata.Napahawak ako sa di
Alex's Point of ViewIt's already 10am when I woke up. Parang tuyong-tuyo ang aking lalamunan at sinisipon ako. Gosh! Masyado ata akong nahamugan kagabi. Ang sama din ng pakiramdam ko. Hayyst!Dahan-dahan akong tumayo at pasuray-suray na naglakad patungo sa kusina.Pababa pa lang ako ng hagdan ay naririnig ko na ang kalansingan ng mga kaldero at kaserola. May tao. May nagluluto.For sure si Shane 'yan dahil may exam si Timothy--este si Darren. Marahan kong pinukpok ang ulo ko. Umayos ka nga, Alex! Tandaan mo ang ginawa niya sa 'yo kagabi. Ni hindi ka nga niya mapasakay sa kotse niya eh. Gano'n ka niya kaayaw. Huwag ka nang umasa, masasaktan ka lang.Gusto ko mang magalit at ayawan na siya ngunit bakit parang may pumipigil sa akin?Patuloy kong pinapagalitan ang sarili ko sa aking isip hanggang sa makarating ako sa kusina.Pagpasok ko sa kusina'y hi
Alex's Point of View7:30pm na pero wala pa rin 'yung hinihintay namin. My goodness! Kung kanina'y 5 minutes lang akong late ay parang leon nang mananakmal si Timothy, paano na lang kapag dumating na siya? Goodluck na lang sa kaniya. Hahaha! Evil grin.Napalingon ako kay Timothy nang bigla siyang magsalita. Sa loob ng tatlumpong minuto, ngayon lang niya 'ko kakausapin. Ang saya, 'di ba?"You can eat, Ms. Mendoza."Biglang nag-init ang mga pisngi ko. Halata ba sa mukha kong gutom na gutom na ako o naririnig niya ang pag-aalburoto ng tiyan ko? Hindi ko na kasi naisingit ang pagkain ng meryenda at tanghalian kanina dahil sa gusto kong matapos lahat ng mga babasahin ko na proposals."Ahm. . .s-sige," nahihiya kong sagot. Gusto ko talagang tumanggi pero mas nakakahiya kung patuloy na tutunog 'yung tiyan ko.Naglagay ako ng steak and vegetable salad sa aking plato. I'm o