LOGINDalawang pusong nag-ibigan sa unang pagkakataon ng masilayan ang bawat isa. Ika nga nila, love at first sight. Pag-ibig na siyang magdadala ng ibayong pagdurusa sa puso ng isang nilalang. Kung kailan makakalimot na ang pusong sugatan ay saka naman babalik ang nakaraan para guluhin ang kasalukuyan. Pwede pa kayang dugtungan ang kahapon? Magpaparaya kaya ang kasalukuyan? Totoo nga ba ang kasabihan na, love is lovelier the second time around?
View MoreNAPASIMANGOT si Laurice ng makita ang taong sakay ng kotse. Nagtataka siya kungano ang sadya nito sa kanilang mansyon. Napatitig siya dito habang naglalakad palapit sa harapan ng kanilang bahay. Nakaramdam siya ng tuwa na muling masilayan ang gwapong mukha ng binata. Bigla niyang ibinaling sa ibang direksiyon ang paningin ng makita niyang nakatingin din sa kanya ang lalake."Bahala ka sa buhay mo. Mas mabuti nghindi kita pansinin para hindi ako masaktan," aniya sa sarili."Kawawa naman ang bulaklak napinagbubuntunan mo ng inis Miss Villezca," ani Terrence na ikinagulat ni Laurice.Hindi niya namalayan ang paglapit nito sakanyang kinaroroonan. Hindi niya inaasahan na kakausapin at lalapitan siya nito."Nasa loob ng bahay sina Papa at Hiesa. Pumasok ka na lang sa loob Attorney Villafuerte," balewalang sabi ni Laurice na hindi man lang sinulyapan si Terrence."Ang sungit-sun
PAGPASOK ni Don Harold sa loob ng kuwarto ay nagsalubong ang kanilang paningin ni Terrence. Gusto niyang magalit sa binata dahil alam niyang ito ang dahilan kung bakit nandito ngayon sa hospital si Laurice."Mabuti naman at dumating ka na DonHarold. Don't worry, okay na silang mag-ina. Kailangan lang nila na manatili dito para masiguro ang kanilang kaligtasan. I have to go," ani Terrence."Pwede ba tayong mag-usap hijo?" sabi niDon Harold."Sige po," sang-ayon ni Terrence. Nakakahiya naman kung hindi niya ito pagbibigyan. Wala namang kasalanan sa kanya ang matandang Don."Regor, iwanan mo muna kami ni Terrence. Mag-uusap lang kaming dalawa," sabi ng Don."Okay Sir. Excuse me!" paalam ni Mang Regor saka lumabas ng kuwarto."Hindi kita sisisihin sa nangyayari sa anakko dahil alam ko ang lahat ng nangyari sapagitan ninyong dalawa. Ang pakiusap kolang
HINDI alam ni Laurice kung ano ang sasabihin sa harap ng pamilya Villafuerte. Napasulyap siya kay Terrence at nakita niya ang pagtagis ng bagang nito."Napaka-kapal ng mukha mong magpakitapa sa amin Laurice. Wala ka talagang hiya. Pagkatapos mong lokohin at paglaruan ang damdamin ng mga anak ko ay meron ka pang mukhang ipakita sa amin, ha? Umalis ka sa aking harapan ngayon din kung ayaw mong kaladkarin kita palabas ng kompanya!" galit na sabi ni Donya Margarita."Sorry po Donya Margarita. Gusto ko langkausapin si Terrence. Hindi ko ginusto angnangyari. Mahal na mahal ko si Terrence kaya hindi ko magagawang lokohin siya," aniya."Hindi mo siya minahal Laurice. Kung mahal mo ang isang tao ay hindi mo magagawang sirain ang buhay niya. Itigil mo na ang pagkukunwari.""Alam ko galit na galit kayo sa akin dahilpinahiya ko ang inyong pamilya. Sa totoo lang po ay nagpunta ako noon sa simbahan par
KINABUKASAN nagtaka si Don Harold ng makita niyang nakabihis si Laurice habang pababa ito ng hagdanan. Napangiti siya ng makita niyang bagay na bagay dito ang magbuntis. Ang cute nitong tingnan lalo na kapag ngumingiti ang dalaga."Good morning Papa," nakangiting bati ni Laurice sa ama ng makalapit ito sa sala."Same to you anak. May lakad ka yata ah?" anang Don."Pupunta po ako sa clinic para magpacheck-up Papa. Hiramin ko muna si Mang Roger para ipagmaneho ako.""Sure, no problem hija. Mag-iingat ka, okay?""Opo. Sige po aalis na ako Papa," paalam niya saka humalik sa pisngi ng ama.Naiwan si Don Harold sa sala. Umaasa siya na darating ang araw na magiging masaya si Laurice. Naaawa siya sa dalaga dahil sa mga pinagdaanan nito mula pa ng ipinagbubuntis ng ina. Naranasan nito ang hirap ng buhay at higit sa lahat salat sa pagmamahal ng magulang.Samantala maagang pum