HINDI mawala ang kaligayahan sa puso ni Laurice magmula ng magkaintindihan sila ni Terrence. Hindi niya mailarawan ang sobrang pagmamahal na ipinapakita sa kanya ng binata. Isinasama siya nito kapag mayroong ka-meeting na mga negosyante. Hindi na lingid ang kanilang relasyon kina Aling Sonia at Maria. Tuwang-tuwa ang mga ito dahil nagmamahalan na sila ni Terrence. "Terrence, bumangon ka na diyan kasi ma-late ka na sa meeting mo," tawag ni Laurice sa natutulog na nobyo. "Hmmmp, antok pa ako, sweetheart," mahinang sabi ni Terrence sabay hila kay Laurice na nakaupo sa kanyang tabi. Napahiga ang dalaga sa kanyang tabi kaya niyakap niya ito. Nakaunan si Laurice sa dibdib ni Terrence habang nakayakap ang isa nitong braso sa baywang ng nobyo. "Maaga pa, kaya
Last Updated : 2020-08-07 Read more