NAGTATAKA si Terrence kung bakit nitong mga nakaraang araw ay naging malungkutin si Laurice. Nahuhuli niya itong nakatingala sa kalangitan na parang mayroong malalim na iniisip. Minsan nakikita niya itong palihim na umiiyak. Kapag tinatanong niya ito, ang laging sagot ay tears of joy kasi malapit na silang ikasal.Tulad ngayon, nadatnan niyang umiiyak si Laurice habang nakatanaw sa labas ng bintana sa loob ng kanilang kuwarto."Sweetheart, meron ka bang problema? Tell me kung ano ang bumabagabag sa iyong isipan. Makikinig ako sa sasabihin mo mahal ko," aniya kay Laurice.Nagulat ang dalaga sa biglang pagsasalita ni Terrence mula sa kanyang likuran. Hindi niya ito namalayan na pumasok sa loob ng kanilang kuwarto. Abala ang kanyang diwa sa pag-iisip kaya hindi niya napansin ang binata."Dumating ka na pala sweetheart. Pasensiya na, hindi kita napansin kaagad mahal ko," nakangiting sabi ni Laurice habang pinapahid ang
Last Updated : 2020-11-12 Read more