HINDI makapaniwala si Laurice ng makita niya si Anthony na nakatayo sa harapan ng bahay habang nakatingin sa kanilang gawi. Hindi niya maipaliwanag ang nararamdaman na ngayong nakita niya ang lalakeng una niyang minahal. "Laurice, lapitan na natin si Anthony," ani Vernon ng mapansin niya ang pagkatulala ng kaibigan. "Ha!" gulat na sambit ni Laurice. Hindi niya alam kung paano haharapin si Anthony. "Ano ka ba besty, para kang nakakita ng multo ah." "Vern, kinakabahan kasi ako. Pakiramdam ko mayroong mangyayari na hindi maganda. Ang lakas ng kaba sa dibdib ko." "Nandito na tayo kaya harapin mo na siAnthony. Halika na besty, para makapag-usap na kayong dalawa," ani Vernon saka hinila ang
Última actualización : 2020-08-20 Leer más