Home / Lahat / Alluring Red / Chapter 1

Share

Chapter 1

Author: Margaretzzzz
last update Petsa ng paglalathala: 2020-08-20 18:05:28

Chapter 1

Dancing

I'm currently walking on the street when someone grabbed my right hand and he interwind our hands. I looked up to him and he just shrugged his shoulders, my smile kept on my face I can't hide it I'm happy right now because he's with me.

We continue walking pupunta kami ngayon sa studio I'm gonna attend a dance workshop. Dapat ako lang hindi dapat kasama si Vhone ngayon dahil may pupuntahan daw siya. But look he's with me isang malaking talkshit ang lalaki na 'to.

"Akala ko ba hindi ka sasama?" may ngiti sa labi kong tanong, tunog nang aasar iyon. Hindi daw sasama, utot!

"Sinamahan na kita kawawa ka walang kasama," Aba!

"Buti may awa ka pa!" singhal ko sakanya.

"Actually, doon talaga ako pupunta." tinignan ko siya ng masaka at hinawi ang kamay niyang nakahawak sa 'kin.

"Ayaw pang umamin, saan ka nga pupunta?!" sabi ko at tinulak siyang bahagya para lumayo sa 'kin ng kaonti lumapit kasi siya ng itulak ko.

"Oo nga ayaw maniwala," sabi niya at tinignan niya din ako ng masama. Natawa ako sa itsura niya para siyang mukhang bakla pa ganoon.

"Ako pa niloko mo!" singhal ko uli sakanya. Hindi niya ako madadaan sa paganyan- ganyan niya.

"Bahala ka diyan," nagtatampo niyang sabi at nauna siyang pumasok sa building kung saan ang studio. Agad ko naman tinakbo ang distansya namin at tumango lang ako kay manong guard kilala na naman niya ako dahil halos isang taon na ako dito.

Nang makalapit ako sakanya ay agad kong pinulupot ang braso ko sa braso niya. Napatingin siya sa 'kin at kinaltukan niya ang noo ko. Napahawak naman ako doon dahil sa kaonting sakit na naramdaman.

Naghintay kami sag lit na magbukas any elevator kits naming any sarili naming sa pinto ng elevator. We looks good together, I can imagine us together in the future. Sana nga, wala naman masamang umaasa.

Bumukas ito at may iilang lumabas na galing siguro sa gym sa taas ng studio namin. Nauna akong pumasok bago sumunod si Vhone. Pinindot niya ang tamang palapag kung saan ang tungo namin.

I saw again our reflection in the elevator's door. He's tall perl hang gang ilong niya ako kaya hindi masyado napapaghalataan na maliit ako pagkasama siya. May matangos siyang ilong, malalalim na mag mata at mapulang labi and he has a fair skin. Samantalang ako tams lang any tangos ng ilong at taming laki din ng mata that perfectly match with my curved eye brows, my lips is pinkish perl minsan hindi maiiwasan any pagiging maputla nito hindi katulad ng kay Vhone na parang nakaliplint sa pula.

Pagbukas ng pinto ay lumabas na kami konting lakad lang ay studio a namin samantalang Ang kila Vhone ay sa medyo dulo pa ng palapag na ito. Yes, we have a different dancing studio dahil simula palang high school ay naka enroll na siya doon at mostly sa member ay puro lalaki. Hindi katulad nang samin ay puro mga baguhan na galing sa school na pinapasukan namin.

"Anong oras ng tapos niyo?" tanong niya nang nasa tapat na kami ng dance studio ng sinasalihan kong workshop.

"Hindi ko pa alam, late na nga ata ako," sabi ko at sinilip ang loob na naghahanda na ang mag kasamahan ko.

"Daanan nalang kita dito saglit lang naman kami ngayon," sabi niya.

"Sige," nakangiti kong sabi sakanya. Napangisi naman siya at kinaltukan na naman niya ang noo ko bago siya umalis. Napahawak ako sa noo ko, nakadalawa na siya ha! Kamot kamot ko ang noo ko nang pumasok ako ng studio.

Pagpasok ko ay sumalubong na agad ang kasamahan ko na si Emma sa 'kin. Kaklase ko din siya dapat ay sakanya ako sasabay papunta dito pero may ginawa pa ako kaya pinauna ko na siya.

"Kaya pala matagal ka sakabay mo si Vhone!" sabi niya sa 'kin ng lumapit siya.

Nilagay ko sa upuan ang bag ko at tinangal ang ID ko. Mamay na ako magpapalit ng damit, naka PE naman ako ngayon kaya ayos lang na ganito. Nilabas ko sa bag ko ang maliit ko na towel para mamaya pag pinawisan ako pati na din ang tubig ko. Tuwing may workshop talaga ay laging malaking bag ang gamit ko para kasya ang mga gamit ko.

Weekdays ngayon at may pasok kaya malaking bag pack lang, kapag weekends ay 'young duffel bag any dala ko kasi kalimitan nakikipag-showdown kami sa iba kaya halos isang a raw din. Kapag weekdays dalawang a raw lang kami may workshops Lunes at Biyernes sa weekends naman ay Sabado lang. Bale tatlong araw sa isang linggo. Hindi naman saying any pinapambayad namin suit naman ang turo ni Teacher Ainna.

Afford ng lahat ang fee lalo na at galing kami sa public school.

"Hindi ko alam na sasabay 'yon," sabi ko nang matapos na akong mag ayos.

"Sus, tanggi ka pa," mapang asar niyang sabi. Nginisian ko lang siya at pumunta na ako kung nasaan inaayos ang audio na gagamitin namin.

"Anong kanta natin ngayon?" tanong ko kay Amiel na nag aayos ng audio namin.

"Medyo iba ngayon, nitong nakaraan ay lagi nalang tayong hip hop." may point siya doon.

"Ikaw nag remix ng kanta?" tanong ko pa na agad naman siyang tumango.

"Pero si Teacher Ainna nagsabi ng kanta." 

"Hmm, I see." sabi ko at naupo sa bakanteng upuan doon.

Maya maya ay dumating na si Teacher Ainna. Pumwesto na kami kung saan namin gusto konti lang ang umattend ngayon kaya siguro wala kaming by group na performance pag nabuo na ang sayaw. Minsan kasi nagkakaroon kaming ng final performance hahatiin kami sa apat na grupo.

The choreo is so hard. Hindi ko agad makuha. Hindi ko forte ang ganitong genre ng sayaw. Mas komportable ako sa mga mabibilis. Well, kaya nga ako nandito para matuto.

Sinunod ko nalang ang mga pinagagawang steps at pinaulit-ulit ko para makuha ko ng tama.

Nang maturo na sa'min lahat ng steps ay nagkaroon ng isang pasada bago kami magkaroon ng solo. Solo ang gagawin namin. Sana magawa ko ng tama mamaya. 

Nag break muna kami, uminom lang ako ng tubig bago nag ensayong muli. Nakatingin ako sa salamin para makita ko ang reflection ko. Habang ginagawa ko ang routine ay biglang dumating si Vhone nakatingin ito sa'kin. Nginisian ko lang siya habang patuloy lang ako sa aking ginagawa.

Nauna nga talaga silang matapos huh? 

Naiilang ako sa mga titig niya kay hindi ko na napigilang lumapit sakanya. Inabot niya sa'kin ang panyo ko. Kinuha ko naman agad iyon.

"Hirap na hirap?" mapang-asar niyang sabi. Tinignan ko siya ng masama at hinampas sakanya ang panyo ko. Napaiwas naman agad siya dito.

"Yabang mo ha!" singhal ko sakanya at naupo sa tabi niya.

"Alam ko kasing hindi mo forte iyon." mataman niyang sabi. Tama nga naman siya.

Hinilig ko ang ulo ko sa balikat niya pero bago iyon ay pinatong ko muna ang panyo para hindi siya mabasa ng pawis ko.

"Anong oras na ba?" tanong ko. Hindi ko suot ang relo ko pag nagsasayaw. 

Tinaas niyang bahagya ang kaliwang kamay niya hindi ko iyon makita ng malinaw.

"6:32 na," sabi niya. Agad naman akong napaayos ng upo.

Tinignan ko si Ems na nakaupo malapit sa pwesto namin. Abala sa pagpapaypay sa sarili niya.

"Ems!" tawag ko dito. Lumingon siya at tinaasan niya ako ng kilay.

"Bakit?" lumapit pa siya sa'min habang patuloy sa ginagawa niya.

"Pwede kayang hindi na muna ako mag solo? Kailangan ko ng umuwi," sabi ko.

Hindi na ako mapakali. kung ano-ano na naman ang tumatakbo sa utak ko. Paniguradong papagalitan na naman ako kapag ginabi ako ng uwi.

"Magpaalam ka nalang kay teacher Ainna," sabi niya. Sakto  naman ay dumating ay pumasok na si teacher Ainna sa loob ng studio. 

Agad namana kong lumapit at sinabi ang dahilan ko.

"Huh? o sige bawi ka nalang sa susunod," sabi nia.

"Opo, salamat po," pagkasabi ko ay agad ko ng inayos ang gamit ko. 

Takang taka naman si Vhone sa inaasal ko ngayon.

"Bakit ka ba nagmamadali?" tanong niya.

Bahagya akong tumigil sa pagliligpit at tinignan siya.

"May usapan kami ni Daddy, bawal na akong gabihin sa pag uwi. Lalo na't lagi akong commute." dahilan ko nalang sakanya. 

Dadalhin ko na sana ang bag ko ng kunin iyon sa'kin ni Vhone. Hinayaan ko nalang siya dahil gawain naman niya talaga sa'kin iyon.

Nagpaalam na ako sa mga kasamahan ko. Buti nalang at hindi sila nagalit dahil mauuna akong uuwi. Unfair iyon sa part nila.

Nagmamadali akong lumabas ng studio at hinanap ang public cr para makapagbihis. Hinarap ko si Vhone na naka-kunot ang noo sa'kin.

"I want to have a dinner with you tonight pero may pupuntahan ka pala," sabi niya at inabot ang bag ko sa'kin.

"Next time nalang, baka kasi magalit si Daddy pag ginabi na naman ako ng uwi," ngiti kong sabi sakanya para makumbinsi siya.

"I understand," he sincerely answered. 

Tumango ako sakanya, "I know," sabi ko bago tuluyang pumasok sa cr.

Alam kong maiintindihan niya iyon. Sa aming dalawa ay nasisigurado kong siya ang may pinakamahabang pasensiya sa'min.

Madali lang ako nagbihis at agad ding lumabas. Muntik na akong mapaatras dahil sa gulat ko. Hindi ko namalayan na nasa harap ko na pala siya.

"Let's go," yaya ko sakanya na agad namang sumunod.

Hinatid niya ako sa sakayan ng jeep. Hindi na kami sabay dahil may sarili siyang sundo. 

"Sigurado ka hindi ka na magpapahatid?" tanong niya pa. Agad akong umiling sakanya.

"Hindi na malapit lang bahay namin, maiipit lang kayo sa traffic," paninigurado ko pa sakanya.

"If that's what you want, okay." ngiti niyang sabi.

"Babye," kaway ko pa sakanya bago ako tuluyang sumakay ng jeep.

Buti nalang at medyo mabilis pa ang usad ng mga sasakyan. Pagkababa ko agad ng jeep ay agad kong tinakbo ang papasok sa subdivision namin. Binati ko lang si manong gaurd at nagpatuloy sa pagtakbo. Malapit lang din ang bahay namin sa gate.

Agad akong dinapuan ng kaba ng makita kong naka-park na ang sasakyan ni Daddy. Dahan dahan kong binuksan gate para hindi gumawa ng ingay.

"Bakit ngayon ka lang?" napatalon ako sa gulat ng biglang bumukas ang pinto. Naka-kunot ang noo ni Daddy'ng sumalubong sa'kin

"Traffic po e," pagdadahilan ko kahit na hindi naman masyadong traffic. I'm sorry, I lied.

"Hindi ako naniniwala, siguraduhin mo lang na sa susunod ay hindi ka na gagabihin ng uwi dahil sa pagsasayaw mo!" medyo lumukas ang boses niya kaya bumagsak ang tingin ko sa semento.

Tumango ako.

"Pumasok ka na at naghanda na ng pagkain ang Mommy mo," sabi niya at pumasok na uli sa loob ng bahay.

Nagpakawala ako ng buntong hininga bago sumunod sakanya. One day, magiging proud din siya sa pagiging mananyaw ko. I promise that.

Patuloy na basahin ang aklat na ito nang libre
I-scan ang code upang i-download ang App

Pinakabagong kabanata

  • Alluring Red   Chapter 1

    Chapter 1Dancing

  • Alluring Red   Prologue

    "Red, I said stop that nonsence dance workshop it will ruin your studies!" Sigaw sakin ni Daddy. Hinintay niya ako sa sala. Kakauwi ko lang galing sa dance workshop na sinalihan ko. Mag iisang taon na akong sumali workshop at na eenjoy ko nalang.

Higit pang Kabanata
Galugarin at basahin ang magagandang nobela
Libreng basahin ang magagandang nobela sa GoodNovel app. I-download ang mga librong gusto mo at basahin kahit saan at anumang oras.
Libreng basahin ang mga aklat sa app
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status