LOGINArtemisIlang oras na akong nakakulong sa Del dahil sa ginawa kong pagnanakaw ng Water of Reviving ngunit, mabuti na lamang at nakuha na sa akin ni Hermes ang bagay na 'yon kaya wala silang makukuha sa akin.“Artemis, it's now your turn,” wika ng isang nagbabantay habang dala dala ang gintong susi at hinihintay ko itong mabilisan para makatakas ako ngunit, bigla s'yang tumawa ng malakas.“Ay mali pala, iba nga pala ang susi sa kulungan ng mga Goddess,” sambit nya na ikinatapik ko sa noo. Ano ba naman itong matanda na 're? “Keys!” sigaw ko habang napunta naman sa kamay ko ang susi at ako na ang nagbukas. Masyado s'yang babagal-bagal, tatakbo na sana ako ngunit, biglang namanhid ang sugat ko na ikinatumba ko.“Oh ano ka ngayon, kaya walang nakakalabas dito na nakakulong dahil sinusugatan namin sila dahil dito once na umapak ka sa labas ng selda mo kikirot ang sugat mo kaya gumagamit pa kami ng wheelchair,” wika nya ha
ArtemisHingal na hingal ako habang tinatahak ang daan palabas sa Gate of the Underworld, kaba ang unang namayani sa buong katawan ko habang mabilis na tumatakbo.May sugat ako sa bandang hita na nadaplisan ni Persephone habang sinusubukan kong tumakas sa loob ng Underworld, sa mga oras na 'yon ay hindi ko magamit ang kapangyarihan ko dahil sa isa sa katangian ng Underworld na mapanatiling hindi ito mapapasok ng ibang mga Gods na ginamitan ko ng isang teknik- upang makapasok ay nag-offer ako ng mga coat kay Persephone.Ngunit, alam ko sa oras na malaman ni Zeus ang tungkol dito ay may kaparusahan akong matatanggap na triple sa ginawa kong pagtaksil sa Hari ng Underworld na si Hades.Hawak hawak ko sa kanang kamay ko ang Water of Reviving na ninakaw ko sa mismong ilalim ng Ocean of Death habang kasabwat ko si Orpheus upang patulugin ang three-headed dog na si Cerberus at ginamitan ko ng mahika si Charon upang patulug