LOGIN
"Reigh, bilisan mo na 'dyan at male-late na kayo sa school" sigaw ni tita Sam."Opo tita, pababa na po ako!" sigaw ko pabalik sa kanya. Dali-dali kong kinuha ang aking bag mula sa pagkakasakbit sa likuran ng pinto at tinahak ang pasilya ng kanilang tahanan. Bago ako tuluyang bumaba ay sinilip ko muna ang silid ni Jazh at nakita kong nakaharap pa ito sa kaniyang salamin at wari ko'y gwapong gwapo na naman sa sarili."Hoy bilisan mo na 'dyan!" matapos kong banggitin ang mga katagang iyon lumingon siya sa akin suot ang kaniyang magandang ngiti na ang tunay na intensyon ay ipagmayabang lamang ang kanyang mga biloy sa pisngi.Hindi ko na siya hinintay at nauna na akong bumaba sa kusina para kumain."Jazh bilisan mo riyan at kumain kana. Kuhanan mo ng tubig itong si Reigh" utos ni tito Joseph sa anak.Si tito Joseph at tita Sam ang mga magulang nina Jazheel at Jazh Kien. Si tito ay isang manager sa isang f