LOGINNakilala ni Dalisay si Zach sa isang 'dating match' na pakulo ng Islet Craze restaurant sa isang mall. Napadpad doon si Isay sa pagtakas sa isang training ng napasukang trabaho samantalang si Zach naman ay naroon kasama ng nobya nito. Pitong araw ang itinakda upang magkasama si Zach at Isay sa iisang lugar na kung tawagin ay Isla Puting Buhangin. Pitong araw na puno ng magagandang alaala sa pagitan ng dalawang taong may malaking agwat sa edad at pag – iisip. May pag – asa kayang lumalim ang pagkakakilala ng dalawang taong pinagtiyap lamang ng isang biro ng tadhana? Magsilbi kayang tuldok sa pagitan nilang dalawa ang pagtatapos ng pitong araw na pamamalagi sa liblib na isla o ito pa lamang ang simula ng isang matamis na pangako ng pag – ibig?
View MoreHINDI AGAD nakahuma ang direktor at saglit na nagkaroon ng tensiyon sa pagitan ng mga ito. Lumapit si Zach sa kaniya at walang anumang binuhat siya palabas ng aquarium. Matapos ay inabutan siya nito ng malaking tuwalya. Tatanggi sana siya subalit tila nagbabadya ng apoy ang mga mata ng lalaki. Bukod doon ay binulungan pa siya nito ng 'try me' kaya naman wala siyang nagawa at hinayaan na lamang sa ginagawa si Zach."Mr. Avellana, we're not yet fin...""To hell with your business, Castro! To which magazine are you planning to feature Isay?""Aba, teka, bakit ka nagagalit? Dati na naman niyang ginagawa iyan. Saka bakit ganyan na lamang ang reaksiyon mo, Sir? Hindi ka naman ganyan kanina nang kuhanan si Ms. Cortez prior this shoot. And by the way, I'm just doing my job here. Kontrata ito ng mama mo at alam naman niya ang concept ng pictorial na ito.""I don't care! Kumuha kayo ng ibang modelo na puwede niyong ibenta ang katawan sa pu
Ciao ragazzi! Good to see you here! Thank you for following :) Happy reading and God bless!NANG DUMATING siya sa kubo ay ilang sandali rin silang nagkuwentuhan ni Rafa. Kahit madalas sila nitong magka-chat sa laptop na regalo niya dito ay hindi pa rin iyon sapat sa dami ng ibig niyang ikuwento sa kaibigan. Hindi pa niya naikukuwento rito ang tungkol kay Zach nang mula sa kung saan ay sumulpot ang lalaking laman ng isip niya. Saglit siyang nabigla subalit agad din naman niyang naibalik sa normal ang sarili. Matapos magpaalam at bumaba ni Rafa ng kubo ay agad niya itong sinita."Ano ang ginagawa mo rito?"Hindi agad sumagot si Zach at walang pagmamadaling naupo ito sa kawayang bangko na nasa harap niya. Kung sa ibang pagkakataon ay bibiruin niya ito dahil hindi ito halos magkasya sa upuan."Marami akong dapat ipakipag – usap sa'yo, Isay. At sa tingin ko ay dapat kong simulan sa pangungumpisal."
HINDI NIYA mapaniwalaang doon nakatira si Zach. Sa tulong ng Islet Craze ay nagawa niyang alamin ang bahay kung saan nakatira ang lalaki. Noong una kasi ay work location lang ang ibinigay ng mga ito at iyon nga ay ang gusali kung saan nag – oopisina ang kapatid nito. At halos sampung minuto na siya roon ay hindi pa niya tapos na libutin ng paningin ang kabuuan ng paligid.Ayon sa katulong ay hindi maaaring gisingin si Zach dahil na rin sa bilin nito ng nagdaang gabi kaya naman kahit kaibigan ang pakilala niya rito ay pinaghintay pa rin siya nito sa living room. Hihintayin niya ito hanggang sa magising. Kailangan niyang makausap ang lalaki at matiyak dito kung ano talaga ang damdamin nito para sa kaniya. Nakakatawa pero nararamdaman niya kasing mahalaga pa rin siya dito.Tumayo siya at tiningala ang mga lumang larawan na nakasabit sa dingding. Hangang – hanga siya sa pagkakapinta ng mga iyon. Marahil ay mga sinaunang miyembro ng pamilya ni Z
"ZACH..."Kitang – kita niya kung paanong nalukot ang maaliwalas na mukha ni Zach nang makita siya. Muli niya itong pinuntahan sa opisina ng kapatid nito. Wala siyang pakialam kung mainis ito dahil sa kasusunod niya. Ang mahalaga ay makipag – usap ito nang masinsinan. Hindi niya kasi matanggap na bigla na lamang magbabago ng ganoon si Zach. Tila ba hindi ito ang lalaking nakasama niya sa isla."What is it this time?""Zach please, mag – usap tayo. Kung kinakailangang hintayin kita hanggang mamayang gabi sa pag – uwi mo, kausapin mo lang ako ay gagawin ko..."Napatingin siya sa paligid. Unti – unti nang napapatingin ang mga nagdaraan sa kanila ng binata. At kitang – kita rin niyang ikinahihiya ni Zach ang pagpunta niya roon. Tila pa nga iritado ito nang makita siya."Wala na tayong kailangang pag – usapan pa..." paanas na wika nito sabay hawak sa balikat niya at marahan siyang iginiya palaba