Share

Chapter 6

Author: Yesha Lee
last update publish date: 2020-09-10 06:10:45
Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • Believe Me When I Say I Love You   Chapter 10

    HINDI AGAD nakahuma ang direktor at saglit na nagkaroon ng tensiyon sa pagitan ng mga ito. Lumapit si Zach sa kaniya at walang anumang binuhat siya palabas ng aquarium. Matapos ay inabutan siya nito ng malaking tuwalya. Tatanggi sana siya subalit tila nagbabadya ng apoy ang mga mata ng lalaki. Bukod doon ay binulungan pa siya nito ng 'try me' kaya naman wala siyang nagawa at hinayaan na lamang sa ginagawa si Zach."Mr. Avellana, we're not yet fin...""To hell with your business, Castro! To which magazine are you planning to feature Isay?""Aba, teka, bakit ka nagagalit? Dati na naman niyang ginagawa iyan. Saka bakit ganyan na lamang ang reaksiyon mo, Sir? Hindi ka naman ganyan kanina nang kuhanan si Ms. Cortez prior this shoot. And by the way, I'm just doing my job here. Kontrata ito ng mama mo at alam naman niya ang concept ng pictorial na ito.""I don't care! Kumuha kayo ng ibang modelo na puwede niyong ibenta ang katawan sa pu

  • Believe Me When I Say I Love You   Chapter 9

    Ciao ragazzi! Good to see you here! Thank you for following :) Happy reading and God bless!NANG DUMATING siya sa kubo ay ilang sandali rin silang nagkuwentuhan ni Rafa. Kahit madalas sila nitong magka-chat sa laptop na regalo niya dito ay hindi pa rin iyon sapat sa dami ng ibig niyang ikuwento sa kaibigan. Hindi pa niya naikukuwento rito ang tungkol kay Zach nang mula sa kung saan ay sumulpot ang lalaking laman ng isip niya. Saglit siyang nabigla subalit agad din naman niyang naibalik sa normal ang sarili. Matapos magpaalam at bumaba ni Rafa ng kubo ay agad niya itong sinita."Ano ang ginagawa mo rito?"Hindi agad sumagot si Zach at walang pagmamadaling naupo ito sa kawayang bangko na nasa harap niya. Kung sa ibang pagkakataon ay bibiruin niya ito dahil hindi ito halos magkasya sa upuan."Marami akong dapat ipakipag – usap sa'yo, Isay. At sa tingin ko ay dapat kong simulan sa pangungumpisal."

  • Believe Me When I Say I Love You   Chapter 8

    HINDI NIYA mapaniwalaang doon nakatira si Zach. Sa tulong ng Islet Craze ay nagawa niyang alamin ang bahay kung saan nakatira ang lalaki. Noong una kasi ay work location lang ang ibinigay ng mga ito at iyon nga ay ang gusali kung saan nag – oopisina ang kapatid nito. At halos sampung minuto na siya roon ay hindi pa niya tapos na libutin ng paningin ang kabuuan ng paligid.Ayon sa katulong ay hindi maaaring gisingin si Zach dahil na rin sa bilin nito ng nagdaang gabi kaya naman kahit kaibigan ang pakilala niya rito ay pinaghintay pa rin siya nito sa living room. Hihintayin niya ito hanggang sa magising. Kailangan niyang makausap ang lalaki at matiyak dito kung ano talaga ang damdamin nito para sa kaniya. Nakakatawa pero nararamdaman niya kasing mahalaga pa rin siya dito.Tumayo siya at tiningala ang mga lumang larawan na nakasabit sa dingding. Hangang – hanga siya sa pagkakapinta ng mga iyon. Marahil ay mga sinaunang miyembro ng pamilya ni Z

  • Believe Me When I Say I Love You   Chapter 7

    "ZACH..."Kitang – kita niya kung paanong nalukot ang maaliwalas na mukha ni Zach nang makita siya. Muli niya itong pinuntahan sa opisina ng kapatid nito. Wala siyang pakialam kung mainis ito dahil sa kasusunod niya. Ang mahalaga ay makipag – usap ito nang masinsinan. Hindi niya kasi matanggap na bigla na lamang magbabago ng ganoon si Zach. Tila ba hindi ito ang lalaking nakasama niya sa isla."What is it this time?""Zach please, mag – usap tayo. Kung kinakailangang hintayin kita hanggang mamayang gabi sa pag – uwi mo, kausapin mo lang ako ay gagawin ko..."Napatingin siya sa paligid. Unti – unti nang napapatingin ang mga nagdaraan sa kanila ng binata. At kitang – kita rin niyang ikinahihiya ni Zach ang pagpunta niya roon. Tila pa nga iritado ito nang makita siya."Wala na tayong kailangang pag – usapan pa..." paanas na wika nito sabay hawak sa balikat niya at marahan siyang iginiya palaba

  • Believe Me When I Say I Love You   Chapter 6

    MALAMIG ang tubig at dapat sana ay nagiginaw siya. Pero paano niya iyon madarama gayung nakahantad sa kaniya ang napakagandang katawan ni Isay? Nagising lang ang kaniyang diwa mula sa pagkakatitig sa dalaga nang maramdaman ang pagsasaboy nito ng tubig sa kaniya. Nang lingunin niya ito ay tumatakbo na ito palayo sa dalampasigan.Sumigaw siya at sinabi ritong huwag lumayo dahil madilim na at sila na lamang ang naliligo subalit patuloy pa rin ito sa pagtakbo. Payapa ang dagat pero nangangahulugan iyon na higit itong malalim kaysa nang hapon na maligo sila. At hindi niya alam kung alam iyon ni Isay. Agad niyang naisip na hindi ito marunong lumangoy. Bukod doon ay may alkohol sa katawan ang dalaga. Dahil doon ay mabilis na rin siyang napatakbo at agad na sumunod dito.Hindi pa siya nakalalapit ay narinig na niya ang tawag ni Isay. Unti – unti na pala itong lumulubog at marahil ay hindi na maabot ang buhanginan. Nakaramdam siya ng matinding takot sa di

  • Believe Me When I Say I Love You   Chapter 5

    NAPATALON SIYA sa matinding pagkabigla nang marinig ang tinig na iyon sa kaniyang likuran. Hindi niya namalayan ang paglapit ni Zach sa kubo. Napatitig siya sa kabuuan ng binata. Tumutulo ang tubig sa katawan nito at nababasa ang cottage niya pero hindi iyon ang nakakuha ng kaniyang atensiyon kung hindi ang malaking pangangatawan nito at ang... so sexy!"Sino ang sinisilip mo?" ulit nito. Bigla ay tila nanigas siya sa pagkakatayo."Ang dagat! Ang ganda ng dagat noh? Nakita mo ba?" Nagkakandautal siya sa pagsagot dito. Alangan namang aminin niyang ito nga ang sinisilip niya?"Why don't you join me?" Napalunok siya sa narinig. At napailing."Hindi na. Ayos lang ako dito. Tumawag si Mr. Hipolito, 'yung manager ng resort na ito. Bandang hapon daw darating ang team para i – cover tayo. Mahirap nang mangitim." Sinundan pa niya ng tawa ang sinabi upang makumbinsi ito.Tumang- tango si Zach at humarap sa dagat."What do they h

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status