LOGINShanaya was a cheerful and positive fourth-year college student. She was clever and kind yet didn't have anyone whom she can call a friend. What she thought as an ordinary day became her worst nightmare. She was just walking to school as usual, when she noticed that the people around her were crying and shouting in fear. A few others were running like mad dogs and attacked anyone nearby. It occurred to her by then: a zombie apocalypse was threatening the city. She soon found herself running for her life. Even the bad boys in town, whom everyone feared before, were fleeing from the swarm of undead that rapidly infects the citizens one by one. While struggling for their lives, she found what was really important in life: the true meaning of friendship and love... and what it means to be human.
View More“Gutom na ‘ko.” Rinig kong reklamo ni David. Isang araw na ang lumipas. Uhaw, gutom at puyat ang tinitiis namin habang nakatago kami sa maliit na eskinitang ito. Hindi kami makaalis, sa kadahilanang maraming ulol ang pagala-gala sa labas. Ang ulan ang tanging pag-asa’t hinihintay namin. Makulimlim mula kahapon pero hindi pa rin bumabagsak ang ulan. Kulang na lang ay gumawa kami ng ritwal para bumagsak ang ulan.“Ba’t ba hindi pa bumabagsak ‘yang ulan?” Inis na tanong ni James habang nakatingala. Lahat kami ay isa lang ang gustong mangyari. Ang umulan.“Hindi ko alam na gugustuhin ko rin palang umulan.” Napalingon ako kay Math dahil sa sinabi niya. Maging ako rin. Hindi ko akalaing, mas gugustuhin ko ang tag-ulan. Naalala ko noon, tamad akong m
“Naloko na.” Malakas na tawa ni Math ang nangibabaw saka siya napaluhod sa lupa. Nanghihina kong ibinaba si Shein. Napaupo rin kami sa lupa, katabi ni Math.“Paanong...”“Iniwan nila tayo.” Napalingon ako kay Rhea. Malayo ang tingin niya. Sa isang iglap, lahat kami ay biglang nanghina.“Mga gago ang kaibigan mo.” Walang pakundangan na sinugod ni Kulas ng suntok si Math. Napahiga ito sa lupa.“Bakit? Tingnan mo nga at iniwan nila kami kasama ka. Hindi pa ba panggagago ‘yon?!” Giit nito. Akmang susuntukin ulit siya ni Kulas pero agad na akong pumagitna sa kanila.“Tama na. ‘Wag kayong mag-away, please.” Masamang tingin ang ipinukol sa ‘kin ni Kulas kaya nag-iwas ako ng tingin at inalalayan paupo si Math.“Nakikita kayo ng bata, at isa pa. May rason kung bakit nila nagawa ‘yon. Ang isipin na lang natin ay ligtas sila. Mga kaibigan natin sila ‘di ba?” Tining
“Nasaan na ba tayo?” Tanong ni Clarrence habang ‘di magkandamayaw sa pagdungaw sa labas ng bus.“Ang sakit na ng katawan ko. Mas gusto ko pang maglakad maghapon grabe!” Madramang saad naman ni Math habang inihihilamos ang palad sa mukha niya.“Edi bumaba ka at maglakad ka na lang. Tingin ko ilang buwan pa ang aabutin mo—”Sinamaan niya ng tingin si Ahl saka nag-usal ng malutong na mura. “Ahl ang seryoso mo naman.” Inirapan lang siya nito at tinalikuran. Hindi ko talaga matukoy kung pa’no naging magkaibigan ang dalawang ‘to.“Rhea nasa’n na ba tayo? Halos magdadalawang araw na tayong nakaupo dito’t nagbi-biyahe. Pagod na rin naman sina Kulas at James kamamaneho!” Mahabang litanya ni David. Napayuko na lang si Rhea.“Sorry po.”“Sigurado ka ba talagang ito ang daan?”“Sandali naman, David. Kalma ka nga, tinatakot mo ang bata eh.” Sabat naman ni Klara. Gan’yan lagi ang
Napabuntong hininga na lang ako habang nakasandal ang ulo sa bintana. Nakahiga naman sa upuan si Shein habang ang ulo niya ay nakapatong sa lap ko. Malapit na yatang maghating gabi, mabuti na lang at hindi na umuulan. Kanina ay nahikayat namin ang grupong naabutan namin sa Bus na ito na pumuntang Sorsogon dahil sa sinabi ni Rhea. Pumayag naman sila at agad na sumang-ayon nang malaman nilang ligtas kami sa Sorsogon.Napalingon ako sa bandang likuran ng bus nang makarinig ako ng impit na tili.“Klara?” Tawag ko kaya agad silang napalingon sa ‘kin at sa pwesto kung saan ako nakatingin. Agad bumukas ang patay na ilaw ng bus saka lang namin nakita ang isang lalaking tahimik lang kanina. Yakap niya si Klara habang nakatutok sa leeg nito ang isang balisong na hawak.“Anong ginagawa mo?” Mahinahong tanong ni James habang naglalakad papalapit sa kinaroroonan nila.“H’wag kang lalapit. Gigilitan ko ‘to ng leeg.” Napabuntong h





