CHAINED (Tagalog)

CHAINED (Tagalog)

last updateZuletzt aktualisiert : 12.10.2020
Von:  Blu BerryLaufend
Sprache: Filipino
goodnovel18goodnovel
9.9
0 Bewertungen. 0 Rezensionen
39Kapitel
3.3KAufrufe
Lesen
Zur Bibliothek hinzufügen

Teilen:  

Melden
Übersicht
Katalog
CODE SCANNEN, UM IN DER APP ZU LESEN

Zusammenfassung

Walang ibang pinangarap si Sabrina kung hindi makapagtapos ang kanyang mga kapatid sa pag-aaral at hindi maranasan ang hirap ng buhay na dinanas niya. Hindi basta-bastang nagtitiwala si Lance lalo na sa mga babae dahil sa madilim niyang nakaraan na hindi niya magawang bitawan. Pero paano kung magkita sila sa hindi inaasahang pagkakataon? Posible bang titibok ang puso nila sa isa't isa? Magagawa bang alisin ni Sabrina ang poot at galit ns nasa puso ni Lance? Tatanggapin ba niya ang alok ni Lance kapalit sa katuparan ng kanyang pangarap?

Mehr anzeigen

Kapitel 1

PROLOGUE

SA isang probinsiya gaya ng San Felipe mga piling tao lang ang nabibigyan ng pagkakataong magkaroon ng magandang buhay.

Iilan sa mga piling taong ito kung hindi galing sa pamilya ng mga haciendero nagmula naman sa angkan ng mga pulitiko.

Ang karaniwang mamamayan ang mga tagapagsilbi nila o mas kilala bilang mga utosan o katulong. Tinitingala ang mga mayayaman sa probinsiyang ito. Ginto ang kanilang mga oras. Langit kung sila'y pangarapin.

Sa kanila lamang nakalaan ang hustisya at minsan maging ang edukasyon.

Kaming mga itinuring na mahihirap tumatanda na lang, nananatili pa ring tagapagsilbi.

Iyon ang pilit kung binabago na buhay ng mga kapatid ko. Naniniwala ako na kahit mahirap may karapatan pa rin kaming umangat sa buhay. Hindi man maging kasing yaman nila pero kahit kaunting pag-angat lang sa buhay ayos na iyon sa akin.

Hindi ko alintana ang mga lait at panghahamak ng ibang tao mapag-aral ko lang ang aking mga kapatid. Kung kailangan kung gumapang sa putik gagawin ko maibigay ko lang sa kanila ang dati na ring pinagkait sa akin, ang makapagtapos ng pag-aaral.

Nakasanayan ko ng gumising ng madaling araw para magtrabaho.

Alas-kuwatro pa lang at medyo madilim pa ang paligid. Lumabas na ako ng bahay at nagsimula ng maglakad papunta sa pinakamalapit na hacienda sa amin, ang Hacienda Catalina.

Pag-aari ito ng isa sa pinakamayamang pamilya ng probinsiya San Felipe, ang mga Natividad at dahil sa lawak ng kanilang lupain halos isang bayan ang pagmamay-ari nila, ang bayan ng San Jose.

Makapangyarihan din ang angkan na ito dahil isang membro ng pamilya nila ay minsang naging gobernador ng probinsiya, si Ernesto Natividad. Ngunit hindi ito nakatapos sa kanyang termino dahil may trahedyang nangyari sa kanilang pamilya na ikinamatay mismo ng gobernador at ng kanyang asawa.

Mula sa araw na iyon naglahong bigla ang impluwensiya ng pamilyang Natividad. Napilitang mangibang bansa ang nag-iisang anak ng gobernador at simula noon hindi na siya ulit nakita pa.

May ibang parte ng kanilang mga lupa ang napabayaan. May ilang nakuha na ng bangko pero may ilan ding negosyo na hanggang ngayon pinagtatiyagaan ng ibang mga tauhan para mapakinabangan. Isa na rito ang mga palaisdaan na hanggang ngayon ay kumikita pa rin.

Doon ako pumupunta araw-araw. Palihim akong dumadaan sa mga sirang bakod para makakuha ng mga isda at ibinibenta ito sa labas ng bayan kung saan walang magtatanong at magtataka kung saan galing ang mga iyon.

Hindi rin naman siguro matatawag na nagnanakaw ako kagaya ng paratang sa'kin ng mga tao. Nagpapaalam ako sa isa sa mga tagabantay ng mga palaisdaan na si Mang Tasyo. Matanda na siya pero pinili pa ring magtrabaho dahil sa kahirapan. Noong una kung tinangkang kumuha ng isda muntik na niya akong mabaril. Naki-usap ako sa kanya na kahit noong araw na iyon lang niya ako pagbigyan dahil may sakit ang bunso kong kapatid na si Kikoy. Siguro dahil sa awa hindi lang sa araw na iyon niya ako pinagbigyan. Pati na rin sa mga sumunod pang araw at hanggang ngayon malaya akong nakakakuha ng mga isda.

Mag aalas-kuwatro y media na ng marating ko ang aking sekretong daanan papunta sa palaisdaan. Mula sa maliit na daan na tinatahak unti-unti ko ng nakikita ang mataas na bubong ng mansiyon ng mga Natividad. Simbolo ng kanilang makapangyarihang angkan mula pa sa panahon ng mga kastila. Pero kung titingnan ngayon ang mansiyon halata na ang kalumaan nito. Bakas ang kalungkutan sa lugar dahil na rin siguro sa dating may ari na biglang nawalan ng pangalan.

Tahimik ang umaga. Samahan pa ng lamig dahil sa medyo makapal na mga ambon. Walang Mang Tasyo na sumalubong sa akin pagdating ko sa mga nakahilerang palaisdaan. Baka nilalamig at hindi pa bumabangon. Ito ang unang beses na hindi kami nagkita rito.

Nagpatuloy ako sa pagkuha ng mga isda gamit ang net na may hawakang kawayan at nilalagay ito sa timbang dala. Maya-maya pa ay may naririnig ako. Kung hindi ako nagkakamali mga yabag ito ng tumatakbong kabayo at papunta ito sa aking kinaroroonan.

Bigla akong kinabahan dahil alam kong hindi si Mang Tasyo 'yon. Hindi na nito kayang mangabayo dahil may edad na.

Kahit hindi pa sapat ang mga nahuli tumakbo na ako paalis sa lugar na iyon. Ngunit sadyang mas mabilis ang takbo ng kabayo dahil sa isang iglap lang nasa likuran ko na ito at kung sino man ang nakasakay nito'y tiyak nakita na ako.

"Tigil!" sigaw ng lalaking nakasakay sa kabayo.

Pero wala akong balak tumigil at itinuloy lang ang pagtakbo.

Isang putok ng baril sa ere ang kusang nagpatigil sa akin. Dahil sa nanginginig na kamay nabitawan ko ang timba na hawak kaya tumilapon ang iilang mga tilapiang aking nahuli.

Bumaba ang lalaki mula sa sinasakyang kabayo base sa tunog ng kanyang suot na bota.

"Sino ka at anong ginagawa mo sa lupain ko?" diretsong tanong sa akin.

Hindi pa rin ako makagalaw at hindi makasagot. Ni hindi ko nga magawang umikot at tumingin sa kanya dahil sa takot.

"Ano? Wala kang balak magsalita?" tanong ulit nito at kasunod no'n ay ang pagkasa ng baril. Kahit nakatalikod ako sa kanya,alam kong sa akin nakatutok 'yon.

Nanginginig ang aking tuhod. Hindi ko alam kong normal pa ba ang tibok ng aking dibdib. Nanunuyo ang lalamunan ko dahil sa matinding kaba. Ang dami-daming pumasok sa aking isipan . Anumang oras kung gugustuhin niya pwede niya akong barilin. Lihim akong nagdasal na sana hindi pumasok sa isipan niya iyon.

Sa kabila ng malamig na paligid ga-butil pa rin ang pawis na namumuo sa aking noo.

"Bakit 'di ka humarap sa'kin?" anang lalaki na nawawalan na ng pasensiya.

"Harap!" ma-awtoridad na sigaw nito. Halos mapatalon pa ako sa gulat at unti unting pumihit paharap sa kanya.

Unti unti kong inangat ang mata sa mukha niya. May katangkaran siya kaya kailangan pang tingalain para matingnan siyang maigi.

Na sana hindi ko na ginawa.

Iyon na siguro ang pinakanakakatakot at pinakamalungkotna mga matang nakita ko. Madilim ang mukha niyang nakatingin sa akin.

Pero kahit hindi mababakasan ng kahit na anong kabaitan ang mukha niya hindi pa rin nababawasan ang kanyang kakisigan.

Unti-unti niyang binaba ang nakatutok sa'king shotgun.

Kasabay ng pagbaba ng baril ang pagpakawala ko sa kanina pa pinipigil na hininga.

Maraming tanong ang nag-uunahan sa aking isip. Paano na ngayon na may nakahuli sa akin na nagnanakaw ng mga isda? Makakaya ko kaya itong lusutan? Madadala kaya ang lalaking ito sa aking pakiusap at pagmamakaawa gaya ni Mang Tasyo? Hindi ko pa naman kilala ang gwapo at istriktong lalaki na kaharap ngayon.

Erweitern
Nächstes Kapitel
Herunterladen

Aktuellstes Kapitel

Weitere Kapitel
Keine Kommentare
39 Kapitel
Entdecke und lies gute Romane kostenlos
Kostenloser Zugriff auf zahlreiche Romane in der GoodNovel-App. Lade deine Lieblingsbücher herunter und lies jederzeit und überall.
Bücher in der App kostenlos lesen
CODE SCANNEN, UM IN DER APP ZU LESEN
DMCA.com Protection Status