Se connecterShe was raped and blackmailed to marry her rapis "Pakakasalan Kita," Walang emosyong mababakas sa boses nito. Sa tono nito ay hindi nagtatanong kundi nagsasabi lang na para bang utang na loob niya pa at dapat siyang matuwa. Napatigil siya sa pag-iyak. Marahas na nag-angat siya ng tingin dito. Nababaliw na ito kung iniisip nitong papayag siya sa gusto nitong mangyari. Hindi sa lalaking bumaboy sa kanya. Mapait siyang natawa "Hinding hindi ako magpapakasal sa demonyong katulad mo!" Puno ng pagkamuhi na sigaw niya dito. Ngunit wala siyang nagawa ng kaladkarin siya nito papunta sa isang judge para magpakasal. At mas lalong wala siyang nagawa ng unti-unting nahulog ang loob niya dito at matutunan itong mahalin sa kabila ng mga nangyari.
Voir plus- Angela - NAPANGITI ng makita ang resulta. Inilapag niya ang hawak niya sa ibabaw ng sink, kung saan alam niyang agad na makikita ni Mael. Lumabas siya ng banyo at nakasalubong niya pa si Mael sa may pintuan hawak ang tungkod nito."Morning... " Anito saka siya hinapit sa baywang at hinalikan siya sa mga labi. Agad siyang tumugon sa halik nito at ikinawit ang kamay sa leeg ni Mael."Morning," Aniya ng maghiwalay ang mga labi nila. "Ligo na, malapit ng dumating ang mga bisita." Aniya saka bumitaw dito at itinulak na ito papasok sa banyo."They can wait, Hon." Tutol nito."No. Take a shower now, Hon." Natatawang aniya. Umungol lang ito saka pumasok na sa loob ng banyo.Naupo naman siya sa kama at napapangiti. Nakarinig siya ng bumagsak sa sahig pagkatapos ay malakas na bumulas ang pinto ng banyo. Nanlalaki ang mga mata ni Mael na nakatingin sa kanya habang
- Angela - KINABUKASAN bumyahe sila pabalik ng San Ignacio. Dumeretso sila sa bahay nila para kamustahan ang Itay niya. Umiyak ang Itay niya pagkakita sa kanya kaya hindi niya na rin napigil ang mapaiyak.Pinaliwanag niya dito ang sitwasyon nilang mag-asawa at ang tungkol kay Julianna. Tanggap naman ng mga ito si Julianna at nangakong ililihim ang tunay na pagkatao ng bata. Giliw na giliw ang Itay niya at lola kay Julianna kaya naman hinayaan niya na muna ang mga ito.Nilapitan niya si Juancho at Mael na nag-iinuman sa labas ng bahay nila. Agad na napangiti si Mael ng makita siyang papalapit sa mga ito."Mukhang masinsinan ang pinaguusapan niyo ah?" Aniya ng makalapit sa mga ito. Naupo siya sa tabi ni Mael."Tungkol sa Almendra." Sagot ni Juancho. Ito na kasi ang tumatayong COO sa kompanya ng lolo nila. Isinalin na rin ni Mael sa pangalan niya ang share na nakuha nito ng
- Angela - PAGKATAPOS nilang mag-usap ni Mael pinuntahan niya si Julianna sa kwarto nito. Alam niyang nagtatampo ito kanina. Binuksan niya ang kwarto nito na parang kwarto ng isang prinsesa. Hindi na siya magtataka dahil alam niyang may pagka-spoiler si Mael.Nakita niyang nakaupo ito sa tapat ng isang malaking dollhouse. Mag-isa lang itong naglalaro. Saglit na sinulyapan siya nito pero agad ding ibinalik ang tingin sa nilalaro."Hi, " Bati niya dito pero hindi ito umimik. "Anong nilalaro mo?" Tanong niya ulit. Naupo siya sa tabi nito. "Pwede ba akong sumali?"Tumingin sa kanya si Julianna na may nagbabadyang luha sa mga mata. Hinaplos niya ang pisngi nito. "Nagtatampo ka ba kay mama?" Malambing na aniya dito. Nanlaki naman ang mga mata nito. "Sorry ha... Hindi ka kasi agad nakilala ni mama kanina. Ganito ka lang kaliit nung huli kitang makita, " Ipinakita niya dito ang hintuturo at hinla
- Mael -AYAW niyang sumbatan ito pero hindi na niya mapigil ang sama ng loob niya. Masakit at parang sasabog na siya."Kung nasaktan ka ng mawala ang anak natin mas nasaktan ako. Mas masakit sakin dahil wala akong ibang masisi kung di ang sarili ko. Takot na takot ako, dahil hindi lang ako nawalan ng anak. Nawala din yung isang bagay na pinanghahawakan ko sa'yo." Pasabunot na sinuklay niya ang kamay sa buhok. "Pinagdasal ko yun e, hiniling ko na magkaroon tayo ng anak. Hindi lang dahil gusto kong magka-anak tayo pero dahil alam kong kapag nagka-anak tayo mananatili ka sa tabi ko."Tumawa siya ng mapait. "Alam ko kasi kung gaano mo pinahahalagahan ang pamilya. At magiging pamilya tayo kung magkaka-anak tayo. Umasam ako na kapag nakita mong isa tayong pamilya baka sakali pahalagahan mo din ako... Na mahalin mo rin ako sa kabila ng mga kasalanang ginawa ko sayo." Huminga siya ng malalim para