Share

Owning Her (tagalog)
Owning Her (tagalog)
Author: Rawra

Chapter 1

Author: Rawra
last update publish date: 2020-07-27 01:49:36
Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • Owning Her (tagalog)    Finale

    - Angela - NAPANGITI ng makita ang resulta. Inilapag niya ang hawak niya sa ibabaw ng sink, kung saan alam niyang agad na makikita ni Mael. Lumabas siya ng banyo at nakasalubong niya pa si Mael sa may pintuan hawak ang tungkod nito."Morning... " Anito saka siya hinapit sa baywang at hinalikan siya sa mga labi. Agad siyang tumugon sa halik nito at ikinawit ang kamay sa leeg ni Mael."Morning," Aniya ng maghiwalay ang mga labi nila. "Ligo na, malapit ng dumating ang mga bisita." Aniya saka bumitaw dito at itinulak na ito papasok sa banyo."They can wait, Hon." Tutol nito."No. Take a shower now, Hon." Natatawang aniya. Umungol lang ito saka pumasok na sa loob ng banyo.Naupo naman siya sa kama at napapangiti. Nakarinig siya ng bumagsak sa sahig pagkatapos ay malakas na bumulas ang pinto ng banyo. Nanlalaki ang mga mata ni Mael na nakatingin sa kanya habang

  • Owning Her (tagalog)    Chapter 23

    - Angela - KINABUKASAN bumyahe sila pabalik ng San Ignacio. Dumeretso sila sa bahay nila para kamustahan ang Itay niya. Umiyak ang Itay niya pagkakita sa kanya kaya hindi niya na rin napigil ang mapaiyak.Pinaliwanag niya dito ang sitwasyon nilang mag-asawa at ang tungkol kay Julianna. Tanggap naman ng mga ito si Julianna at nangakong ililihim ang tunay na pagkatao ng bata. Giliw na giliw ang Itay niya at lola kay Julianna kaya naman hinayaan niya na muna ang mga ito.Nilapitan niya si Juancho at Mael na nag-iinuman sa labas ng bahay nila. Agad na napangiti si Mael ng makita siyang papalapit sa mga ito."Mukhang masinsinan ang pinaguusapan niyo ah?" Aniya ng makalapit sa mga ito. Naupo siya sa tabi ni Mael."Tungkol sa Almendra." Sagot ni Juancho. Ito na kasi ang tumatayong COO sa kompanya ng lolo nila. Isinalin na rin ni Mael sa pangalan niya ang share na nakuha nito ng

  • Owning Her (tagalog)    Chapter 22

    - Angela - PAGKATAPOS nilang mag-usap ni Mael pinuntahan niya si Julianna sa kwarto nito. Alam niyang nagtatampo ito kanina. Binuksan niya ang kwarto nito na parang kwarto ng isang prinsesa. Hindi na siya magtataka dahil alam niyang may pagka-spoiler si Mael.Nakita niyang nakaupo ito sa tapat ng isang malaking dollhouse. Mag-isa lang itong naglalaro. Saglit na sinulyapan siya nito pero agad ding ibinalik ang tingin sa nilalaro."Hi, " Bati niya dito pero hindi ito umimik. "Anong nilalaro mo?" Tanong niya ulit. Naupo siya sa tabi nito. "Pwede ba akong sumali?"Tumingin sa kanya si Julianna na may nagbabadyang luha sa mga mata. Hinaplos niya ang pisngi nito. "Nagtatampo ka ba kay mama?" Malambing na aniya dito. Nanlaki naman ang mga mata nito. "Sorry ha... Hindi ka kasi agad nakilala ni mama kanina. Ganito ka lang kaliit nung huli kitang makita, " Ipinakita niya dito ang hintuturo at hinla

  • Owning Her (tagalog)    Chapter 21

    - Mael -AYAW niyang sumbatan ito pero hindi na niya mapigil ang sama ng loob niya. Masakit at parang sasabog na siya."Kung nasaktan ka ng mawala ang anak natin mas nasaktan ako. Mas masakit sakin dahil wala akong ibang masisi kung di ang sarili ko. Takot na takot ako, dahil hindi lang ako nawalan ng anak. Nawala din yung isang bagay na pinanghahawakan ko sa'yo." Pasabunot na sinuklay niya ang kamay sa buhok. "Pinagdasal ko yun e, hiniling ko na magkaroon tayo ng anak. Hindi lang dahil gusto kong magka-anak tayo pero dahil alam kong kapag nagka-anak tayo mananatili ka sa tabi ko."Tumawa siya ng mapait. "Alam ko kasi kung gaano mo pinahahalagahan ang pamilya. At magiging pamilya tayo kung magkaka-anak tayo. Umasam ako na kapag nakita mong isa tayong pamilya baka sakali pahalagahan mo din ako... Na mahalin mo rin ako sa kabila ng mga kasalanang ginawa ko sayo." Huminga siya ng malalim para

  • Owning Her (tagalog)    Chapter 20

    Huminto sila sa isang mideterian inspire mansion sa isang exclusive village.Bumukas ang pinto sa tabi niya. Isang naka black tux ang nagbukas ng pinto. Bahagya itong nakayukod habang ang isang kamay ay nasa tyan nito."Welcome home, Madame. " Bati nito sa kanya. Naguguluhang tumingin siya kay Mael."Sa San Ignacio ako uuwi!" Singhal niya dito.Tamad na tinignan siya nito at ni hindi man lang nabahala sa pagsinghal niya dito. "This is your home now, Angela." Malamig na anito.Natawa siya ng mapakla. Nagbibiro ba ito? Bakit kung makaasta ito ay parang ito lang ang may karapatang magdesisyon sa buhay niya? Apat na taon na silang hiwalay, hindi ba man lang nito naisip iyon?Nanatiling blangko ang mukha nitong nakatitig sa kanya.Umiling iling siya. "You can't force me against my will, Mael. Hindi mo hawak ang buhay ko para ikaw ang magdesisyon para sa'kin!"

  • Owning Her (tagalog)    Chapter 19

    Melbourne Airport, AustraliaNapatingin siya sa batang babaeng kumalabit sa kanya. Sa tantya niya ay nasa tatlong-taong gulang na ito.Napakaamo ng mukha nito. Matangos ang ilong at napakaganda ng itim na itim na mata. Mamula mula ang kutis nito na lalong tumingkad dahil sa kulay mais nitong buhok. Para itong manikang gumagalaw.Parang may kumurot sa dibdib niya habang nakatingin dito. Yumuko siya upang makapantay ito."Hello" bati niya dito. Nginitian niya ito na ginantihan din nito ng ngiti. Lubamas tuloy ang bungi nitong ngipin na mas lalong nag pa cute dito."Mama" tawag nito sakanya. Natigilan siya dahil parang may sumuntok sa sikmura niya sa tinawag nito sakanya. Bigla ay parang gusto niyang umiyak. Ilang beses niya bang pinangarap na may tumawag sa kanya ng ganon?"Julianna!"May lumapit na isang babaeng nasa mid thirties na ang idad at naka s

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status