Home / All / Codename: GAIA / Chapter 01

Share

Chapter 01

Author: Wintermoonie
last update publish date: 2020-08-12 15:40:10

Simple lang ang patakaran sa mundong ito para mabuhay ka: mag-trabaho at huwag lumabag sa batas ng gobierno. Kung tutuusin, naging maayos naman ang pamumuhay ng mga tao kompara sa pamumuhay noon ilang siglo na ang nakararaan.

Ang dating mga de-gulong na kotse ngayon ay naging anti-gravity na at may mga Skyway na ring naipatayo kung saan daraan ang mga ito, karamihan sa mga ito ay pang-pribadong pagmamay-ari.

Ang mga pang-publikong sasakyan at mga delivery truck na lamang ang maaaring manatili sa main road, ilang mga electric at solar-powered motors at bisikleta. Pang-apatan na rin ang mga kalsada, sa gilid ang public transportations kung saan may designated stops ang mga bus. May mga railway stations pa ring napapanatili sa ilalim at ibabaw ng lupa.

Lahat ng mamamayan ay takot ng lumabag sa batas lalo na't nararanasan na nila kung gaano kapayapa ang buhay kung susunod ka sa batas ngunit ang totoo nyan, nasanay na silang sumusunod na lamang bago pang maulit ang masalimoot na kasaysayang tinawag nilang Crimson Earth.

Sol City has been the heart and capital of the country. Naririto ang apat na pinakamatataas na building na kung tawagin ay Cuatro Torres at sa centro nito ay isang plaza na may monumento ng isang magandang babaeng nakasuot ng bulaklaking corona - si Gaia, ang pinaniniwalaang ina ng planetang ito.

Maraming gusali rin ang pumapalibot dito dahil ito ang tinaguriang business district ng syudad. May mga restaurante at cafeteria din naman sa malapit, may shopping districts at may mga public parks rin.

Habang abala ang mga tao sa kani-kanilang usual routines, abala rin naman si Galathea Stellar sa pagse-secure ng mga gamit na dadalhin nya sa Seventh Lab kung saan isang pribadong sasakyang panghimpapawid ang magdadala sa kanya sa kinaroroonan nito.

Isa syang laboratory analyst sa Seventh Lab, kanang kamay ni Doctor Heiforth, at kilala sya sa larangan ng informatics. Sya ang nakagawa ng kauna-unahang geochip noong siya'y labinglimang taong gulang pa lamang at may sampung taon na ring nakalilipas simula noon.

Umakyat sya sa rooftop ng isa sa mga Cuatro Torres, sa Crystal Tower o tinatawag nilang Tower 1 dahil ito ang unang naitayo sa apat na higanteng gusali. Pabilog ang estruktura nito na gawa sa purong cristales at tila isa itong one-way glass mirror kung saan ang mga tao sa loob ng building ay maaaring makita ang mga tao sa labas, ngunit ang mga tao sa labas ay tanging repleksyon lang ang makikita nila. May walumpong palapag ang gusaling ito at sa pinakatuktok ay isang private sky jet ang naghihintay sa kanya kung saan mayroong anim na naka-itim na tuxedong lalaki ang syang nagbabantay sa buong lugar. They were all standing by three on each side.

"Parameters are secured, sky patrols on guard." Saad ng isa rito gamit ang radio-activated headset niya na konektado sa kung sino man ang kausap niya sa kabilang linya.

Nakita ni Galathea ang ilang sky patrols sa kalangitan, sila ang mga pulis panghimpapawid na nakasakay sa two-seater sky jet. She holds one of the most important chemicals of Seventh Lab kaya ganito nila prinoprotektahan ang dalaga at mas lalo pang humigpit ang proteksyon nya dahil hawak nya ang nag-iisang bagay na pinangangalagaan ng laboratoryo, ang GAIA geochip.

"Good morning." Nakangiting saad nito sa kanila. Isang munting pagyuko lamang ang iginawag ng mga gwardya sa kanya habang papunta na ito sa isang private sky jet na pag-aari ng Seventh Lab. Pinagbuksan sya ng pintuan ng gwardyang pinakamalapit sa pintuan.

Umupo si Galathea sa komportableng puting upuan hawak ang maliit na suitcase bago sya pagsaraduhan ng pinto. Umupo sa tabi ng piloto ang isa sa mga gwardya habang ang dalawa naman ay sa likuran nya. Ang natitirang tatlo ay sa isang sky patrol sumakay.

Naging panatag kahit paano ang pakiramdam ni Galathea ng nag-take off na ang sinasakyan nya at nagsisimula na silang tahakin ang skyway patungo sa laboratoryo. Ilang taon ng ganito ang kanyang pamumuhay at sanay na sya.

Lingid sa kanyang kaalaman ay may isang pares ng mga mata ang sumusubaybay sa kanya ng mga sandaling iyon, isang pares ng mga mata na nakatingin sa kanya mula sa loob ng Emerald Tower o ang Tower 3, ang katapat na torre ng kinaroroonan nya kanina. Halos katulad din ito ng Crystal Tower ngunit nobenta porsyento ng gusali ay gawa sa first class emerald.

Nag-vibrate ang isang maliit na teknolohiya sa bulsa nito at mabilis nitong kinuha iyon. "How's everything up there, Lucas?" Tanong ng lalaking nasa kabilang linya pagkapindot pa lamang nya ng green button.

Iginala ni Lucas ang mga mata nya sa paligid bago sumagot. "All clear, Zef." walang ganang sagot nya at tinapos na nito ang pakikipag-usap sa taong nasa kabilang linya bago umalis sa kanyang puesto. Si Cepheus, o mas tinatawag nilang Zef, ang nagsisilbing look-out nila mula sa kanilang base kasama ng isa pa nilang kapanig na si Magnus.

He moved as though he was one with the people at the Emerald Tower. Ni walang naghinala na hindi sya empleyado rito! As soon as the hallways were clear, he swiftly took his way to the emergency back doors and took his exit there.

He was already on the 70th floor when he enterred the lobby area to take the elevator. Wala kasing masyadong inspectors sa palapag na iyon at kung paano nila nalaman ito ay dahil na rin sa mapagkakatiwalaan nyang kaibigan na nagtatrabaho rito bilang isang system analyst na nagbigay rin sa kanya ng isang fake ID sa kanya, si Lyra.

As soon as the elevator opened for him at the 25th floor, he looked at his wristwatch and looked at the deputy desk. Ilang saglit ay aalis ang inspector na naroon upang bumili ng kape sa vendo machine na halos nasa tapat lang ng kanyang mesa. Kinuha ni Lucas ang pagkakataong tumakas ng umalis ang inspector sa kanyang pwesto at dumerecho sa isang grand hall. Sinigurado nyang walang ibang tao ang naroon bago binuksan ang napakalaking bintana at lumabas mula roon.

Paglabas nito ay may isang anti-gravity car na pumarada sa harap nya. It was a silver blue car with windows darkly tinted. Napataas ang kilay nito at napangising sumakay. Automatic naman ang seatbelt na nag-lock para sa kanya.

"Nice ride." Komento nito.

Ngumiti naman si Lyra na nasa driver's seat at isinuot ang kanyang shades. "Wala ka kasing bilib, eh." Sagot nito saka ito nagmaneho paalis ng Emerald Tower. Alas tres na ng hapon at wala ng gaanong tao kaya hindi na rin gaanong traffic

Wala ring gaanong sasakyan sa Skyway kaya madali lang nilang napuntahan ang destinasyon nila na halos kwarenta minutos rin ang layo mula sa Sol City.

Kung titignan mo ang kabuuan ng area ay para na itong disyerto na may isang abandoned factory building na sinasaraduhan ng kinakalawang na gate at kandado. May pinindot na isang button ang babaeng driver mula sa kanyang multifunctional watch at naglaho ang sasakyan.

Napataas muli ang kilay si Lucas. "Invisibility?"

"On probation." Walang ganang sagot ng dalaga. "Hanggang dapit-hapon lang ang epekto dahil hindi pa napeperpekto ni Magnus ang configuration. Si Zef naman, may bagong laruan na namang nahanap!" paliwanag nito na ang tinutukoy ay ang kanilang mga ka-grupo.

Naging mapagmasid ang dalawa sa paligid dahil hindi ordinaryo na may dalawang sibilyan ang namamasyal sa isang abandonadong lugar maliban na lamang kung pagmamay-ari mo ang lupaing ito.

Nakaharap na sila sa pintuang nakakandado. Tinignan ni Lucas ang kasamang babae na tumango lamang sa kanya. "I'll be on the look out." Tanging saad nito at lumuhod ang binata sa lupa upang sulsihan ang kandado. Nilabas nito ang kanyang tecnowatch, isa itong multifunctional watch. Katulad ito ng cellphone ngumit mas magaan. Matagal nyang pinindot ang screen nito bago nagpakita ang isang digital screen sa harapn nya. May lumabas na 'TOOLS', 'REMINDERS' at 'LANGUAGE' doon.

Pinindot nya ang 'TOOLS' saka nagpakita ang tatlong susi sa harapan niya. From the left side, the key is long with a clover hook. The next one is small and chubby, silver in color. At ang pangatlo ay medium sized key, bilog ang ulo nito at may butas sa gitna. He chose the first one, yung susing makaluma kung tawagin ni Magnus.

He clicked on it and in three seconds, nasa harapan na nya ang susi. Kinuha niya iyon at sya namang pagkawala ng digital screen sa harapan nya.

Unti-unti nitong in-unlock ang padlock saka tinanggal ang naglalakihan at kinakalawang na rehas na nakabalot dito. He was unchaining the gate when his friend patted his shoulder. Napatingala sya kay Lyra na nakasuot ng isang digitalized binoculars. Tinanggal nya ito at nagsimula syang tumulong sa pagtatanggal ng rehas nito.

"Metropols!" naaalarmang sambit nito at maging si Lucas ay nagmadali na ring buksan ang gate. Ilang minuto pa ay naririnig na nila ang sirena ng metropolice, o mga land-based police officers.

Wala silang access badge para manatili sa abandonadong lugar na ito. Kapag nahuli sila, maaari silang makulong ng tatlong taon sa Oblivion, isang galactic prison malapit sa Whirlpool Galaxy. May mga napapabalitang ang mga nakukulong doon ay tila nawawalan ng katinuan.

"T-They're coming!" bulalas ni Lyra at nanginginig ang mga kamay na tinatanggal ang kadenang nakapulupot sa gate.

Papalapit na ng papalapit ang sasakyan ng mga metropolice ng nakaramdam sila ng pagyanig ng lupa. Naramdaman nilang pareho ang unti-unti nilang paglubog hanggang sa tuluyan silang nilamon nito.

Halos mawalan na sila ng boses habang dumadausdus sila sa malaking tubo. Unti-unti nilang nasilayan ang liwanag at naramdaman ang sariling bumagsak sa malaking foam.

Nakatayo sa harapan nila ang isang binatang kulay itim ang buhok, walang ekspresyon ang mukha, nagtanggal ng nakasubong lollipop at sinabing, "success!"

Kunot noong tumayo si Lucas habang nanatiling nakaupo naman si Lyra. "Success?" ulit nito.

Itinuro ni Cepheus, o Zef, ang pinagmulan nila. "Emergency entrance." bored nitong sagot at tinalikuran na ang dalawa.

Narito sila ngayon sa kanilang underground base kung saan sila namamalagi. Punong-puno ng ilang teknolohiya ang lugar na iyon, ang mga pintuan ay awtomatikong bumubukas-sara sa pamamagitan ng sensor.

Tumunog ang tecnowatch ni Cepheus ng mga sandaling iyon na tila ba may tumatawag. Napatayo ito at napatingin sa gawi ni Lucas bago sinagot iyon. "Magnus!"

Cepheus set it on handsfree mode so both Lyra and Lucas could hear him too. Magnus was panting and basing from his surroundings, he is running in the woods.

"Magnus, ano'ng nangyayari?" halos sigaw ni Lucas dahil sa pag-aalala.

"Na...hanap...ko..." hingal na sambit nito. "A-ang Seventh Lab!"

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • Codename: GAIA   Chapter 01

    Simple lang ang patakaran sa mundong ito para mabuhay ka: mag-trabaho at huwag lumabag sa batas ng gobierno. Kung tutuusin, naging maayos naman ang pamumuhay ng mga tao kompara sa pamumuhay noon ilang siglo na ang nakararaan.Ang dating mga de-gulong na kotse ngayon ay naging anti-gravity na at may mga Skyway na ring naipatayo kung saan daraan ang mga ito, karamihan sa mga ito ay pang-pribadong pagmamay-ari.Ang mga pang-publikong sasakyan at mga delivery truck na lamang ang maaaring manatili sa main road, ilang mga electric at solar-powered motors at bisikleta. Pang-apatan na rin ang mga kalsada, sa gilid ang public transportations kung saan may designated stops ang mga bus. May mga railway stations pa ring napapanatili sa ilalim at ibabaw ng lupa.Lahat ng mamamayan ay takot ng lumabag sa batas lalo na't nararanasan na nila kung gaano kapayapa ang buhay kung susunod ka sa batas ngunit ang

  • Codename: GAIA   Synopsis

    Action-themed with futuristic settings.Narration in both Tagalog and English.This book is a work of fiction. Any similarities to real people, living or dead, is purely coincidental. All characters and events in this work are figments of the author's imagination.──⊹⊱✫⊰⊹──SYNOPSIS:──⊹⊱✫⊰⊹──Generation 08X, Intergalactic Era.Sa panahong ito, tanging ang hangin na lamang ang natitirang libre at natural sa mundong ibabaw.Ang mga dating naglalakihang punong-kahoy ay napalitan na ng mga nagtataasang gusali. The ocean have become the bed of many different science laboratories.Masasabi mo ring napakaunlad na ng mundo dahil

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status