Home / All / Daffodil Kingdom / DIDEKASYON

Share

DIDEKASYON

Author: Mimonta
last update publish date: 2020-10-29 09:14:08
Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • Daffodil Kingdom    DIDEKASYON

    Nagpapasalamat ako sa Panginoong Diyos na nagbigay sa akin ng kakayahan na makagawa at makapaglathala ng isang kuwento. Ito ay inaalay ko sa aking mga magulang at mga kapatid na mga naging una kong mambabasa na sumuporta sa akin at nagbigay ng lakas ng loob upang ipagpatuloy at tapusin ang kuwentong ito. Gayundin para sa aking munting anghel at sa kaisa- isang lalaking kumumpleto ng aking buhay.Bakit ba "fairytale"?Dahil ang "fairytale" ay hindi lang naman pambata. Ito ay nagpapaalala din sa ating totoo na may "forever".Dahil sa "fairytale",ang lahat ng bagay ay pupwedeng mangyari, walang imposible! At iyon lamang mga tao na naniniwala sa "fairytale" at sa "magic" ang totoong naniniwala sa "forever". Writer: Mimonta

  • Daffodil Kingdom   KABANATA 53: PAGTATAPAT NG PAG-IBIG ( COMPLETED)

    Samantala nakikipagkwentuhan naman si Paul Jay kay Jordan. Nagtatawanan ang mga ito."Oo. Ganoon nga ang nangyari kung kaya Paul Jay ang aking pangalan. Hindi ko alam na noong panahong iyon ay naroon ka din pala at ikaw pa ang pasaway na naghulog sa kanila Marylane at Lady Elia sa balon.""Oo tama ka. Isang nakaraang nais ko mang kalimutan ay pipiliin ko paring itago sapagkat doon nagbago ang aking buhay." Wika ni Jordan."At doon mo nakilala si Marylane,hindi ba?" Dugtong pa ni Paul Jay.Hindi siya nakaimik.Muling nagsalita si Paul Jay."Iniibig mo siya tama ba ako? Lalaki din ako kaya batid ko ang mga tingin mo sa kaniya. At nakikita ko din kay Marylane na espesyal ka sa kaniya.""Sa tingin mo ba? Walang halong biro?""Oo. Kaya kung ako sa iyo ay umamin ka na sa kaniya. Dahil kung hindi mo gagawin ay ako ang gagawa."Tumingin sa

  • Daffodil Kingdom   KABANATA 52: PAGKATALO NI MONDEVITA

    Tumakbo sila patungo sa nag-iisang silid na hindi pa nila napupuntahan. Ito ay ang silid ng prinsipe. Sa labas nito ay nakakita si Jordan ng dalawang istatwang bato na pamilyar sa kaniya. Hinawakan niya ito."Ina." Wika niya.At pagkatapos ay lumapit din siya sa isa pang istatwa."Ama.""Kung ganoon ay sila ang iyong mga magulang." Wika ni Marylane.Muling nagbalik sa alaala ni Jordan ang lahat na mga pangyayari noong bata pa siya.Isang gabi habang nakahiga siya sa higaan ay pumasok sa kaniyang silid ang kaniyang inang reyna."Handa na bang matulog ang aking mahal na anak?"Bumangon siya at umupo."Hindi pa po ako inaantok,ina.""Ang mga bata ay nararapat matulog ng maaga upang lumaki ng malakas. Wika nito habang hinihimas ang kaniyang ulo at pagkatapos ay tumabi sa kaniya ang kaniyang ina.Mayamaya ay bumukas ang pinto at pumasok ang hari."Magm

  • Daffodil Kingdom   KABANATA 51: ANG HULING LABAN

    Lumitaw si Mondevita."Sinasabi ko na nga ba at gagawa kayo ng iba pang paraan upang makapasok sa aking palasyo.""Hindi ito sa iyo palasyo Mondevita. Naririto ako ngayon upang bawiin ang aking palasyo mula sa iyo!" Matigas na wika ni Jordan."Oohw,tunay ngang napakatapang mo mahal na prinsipe. Ikinagagalak kong narito ka na,hayaan mong bigyan kita ng isang pagsalubong."Wika ni Mondevita at pagkatapos ay itinaas ang kaniyang tungkod at bumulong sa hangin.Nagkaroon ng hanging ubod ng lakas.Agad na inilipad ng hangin si Joyous at Luminous."Marylane!" Sigaw ng mga ito."Luminous, Joyous!" Sigaw ni Marylane at sinubukang iligtas ang dalawa. Subalit dahil sa sobrang lakas ng hangin ay muntik na din siyang liparin nito papalayo. Inabot ni Jordan ang kaniyang kamay."Humawak kang mabuti." Wika nito.Maslalo pang lumakas ang hangin at inilipad silang l

  • Daffodil Kingdom   KABANATA 50: ANG ENGKANTADONG AHAS

    Kinaumagahan ay nakipagkita si Linah kay Jordan."Ano ang iyong kailangan sa akin? Bakit mo ako nais na makausap?" Bungad na tanong ni Jordan.Humakbang papalapit sa kaniya si Linah at hinawakan ang kaniyang kamay. Agad niyang kinuha ang kaniyang kamay mula sa pagkakahawak nito."Bakit ba kay ilap mo sa akin? Ngunit pagdating kay Marylane ay kay lambing mo?"Napaatras si Jordan."Ano ba ang iyong pinagsasabi?""Iniibig kita Jordan. Noong una tayong magkita nang ako ay iligtas mo mula sa kabayo ay nahulog na ang aking loob sa iyo. At ngayong muli tayong nagkasama ay maslalo pa akong nahuhulog sa iyo ngunit hindi ko iyon maamin sapagkat ramdam kong si Marylane ang iyong iniibig."Nagulat siya sa inamin nito."Kaya ka ba nagsinungaling? Sinabi mong ikaw ang nag-alaga sa akin ng gabing ako ay nilagnat.""Oo sapagkat nais kong mapansin mo din ako. Subal

  • Daffodil Kingdom   KABANATA 49: FAIRYDOT

    Dumating ang lambanang nakausap ni Lady Elia."Lady Elia, may dala akong mensahe para sa inyo mula sa mahal na reyna ng Fairydot." Wika nito."Magpatuloy ka lambana.""Nais ng reyna na magtungo kayo ngayon sa kaharian ng Fairydot.""Sa Fairydot?" Pagtataka niya."Ganoon nga." Tugon nito."Kung gayon ay gagawin namin. Maraming salamat sa iyong tulong lambana." Dugtong pa niya.Itinaas niya ang kaniyang baston at nagliwanag ito. Bumukas ang lagusan patungo sa Fairydot at pumasok sila dito."Kung pupwede naman pala natin itong gawin,bakit hindi natin ito agad ginawa noon pa upang makarating tayo agad sa palasyo?" Tanong ni Jordan."Sapagkat walang lagusan patungo sa kagubatan ng Makabani. Katulad ng sinabi ko sa inyo noon pa ay ginamitan ni Mondevita ng kaniyang itim na salamangka ang buong kagubatan. Kaya kahit subukan pa nating magtu

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status