Prologue;Amira's point of viewPagod na pagod na ako't tagaktak na rin ang pawis ko,kanina pa ako naglalakad ni hindi pa man lang ako nag papahinga.Mula nang pagbaba ko ng bus e hindi pa ako nagpapahinga o kumain man lang. Sayang din naman kasi yung oras na iuupo ko lang,kailangan ko na makahanap ng trabaho at matutuluyan ngayon dahil may pasok na ako next week.Galing pa ako ng probinsya,lumuwas lang ako rito sa Manila dahil nakakuha ako ng Scholarship sa isang sikat na School dito. Si Kuya na lang ang naiwan sa bahay namin sa probinsya,ayaw niya namang sumama dahil wala rin lang daw kami matutuluyan at isa pa may sentimental value yung barong-barong namin. Mga ala-ala nina Nanay at Tatay,yun ang sabi ni kuya Asher.Ako nga pala si Asia Friday Philippines. Asia dahil nasa Asia kami,Friday dahil biyernes ako ipinanganak at Philippines dahil sa Pilipinas kami nakatira—joke.Just kiddin'
Last Updated : 2020-09-13 Read more