LOGINIn the province of Nueva Ecija,a girl named Apate Ice Fawn whose patience never last a second,started planting rice.During her stay there,she met a man who dreams to be a lawyer and gave justice about the how government treated farmers,a guy with principles,Sancus Axel Finnley.
View MoreBagot kong pinagmamasdan ang buong palayan.Kailangan ko raw itong suyudin kasama na naman ang kalabaw.Akala ko suyod sa ulo ang gagawin ko pero ibang ulo pala ang susuyurin ko,mas malaki."Sisiw na lang 'yan,'Te.Puro ka na muscle,oh."Pinisil-pisil pa ni Tofer ang braso ko habang nakangisi.Mabuti na lang at nabawasan na ang gawain ko,dahil nagpunla na si Lolo Par.Ihahanda ko na lang ang lupa para 'pag lumaki na ang punla ay puwede nang ilipat sa lupa ng sakahan."Kailangan mo 'yan tapusin hanggang bukas para fresh ka sa Monday,yie,"pang-aasar ni Tofer.Mukha namang pinag-sakluban ng langit at lupa ang itsura ni Ira.Pumayag kasi ako sa gusto ni Sax,kapalit ang pag-palit niya kay Steve bilang debator.Papasyal kami simula sa Lunes hanggang Huwebes.Foundation week naman daw kaya't walang klase."AI,mamaya ka na mag day dreaming.Tapusin mo na 'yan!"Natauhan ako sa pagtulak ni Aki.Sinimulan ko na ang pagsusuyod sa lupa kasama ang kaibigan kong kalabaw.Medyo kinakaya ko na
Punong-puno na ng pawis ang mukha ko dahil sa init ng araw.Nakasakay ako ngayon sa hand tractor para pinuhin ang mga lupa.Halos makalahati ko na nga ang buong field, hindi ko na rin ramdam ang pananakit ng katawan ko.Unti-unti na sigurong nasasanay ang sarili ko sa hirap?"Hanggang diyan ka lang sa—Susmaryosep!"Agad tumakbo papalapit sa'kin si Lolo Par at pinatigil ang makina,"Hija,masyado atang malalim ang iniisip mo."Lumagpas na pala ko sa mga mismong palayan kaya't nasira ko ang ibang halaman na nasagasaan ko.Hanggang ngayon kasi gumugulo pa rin sa isip ko ang sinabi ni Tofer.Pan'o mananalo si Steve kung hindi naman siya kasali?Sumali ba siya?Mas maliit ang katawan ni Steve kumpara sa dalawang 'yon.Pa'no nanalo ang ugok na 'yon?!"Magpahinga ka na muna sa kubo,"utos ni Lolo Par at pinababa na ako sa tractor upang siya na ang humalili sa akin.Naabutan kong walang tao sa loob ng kubo kundi si Ira lang.Nakadukdok siya sa pader at nagbibilang."Siyam,s
Lutang ako habang kumakain kami rito sa kubo.Hindi ko na naiintindihan ang sinasabi ni Tofer tungkol sa pangalan ng mga pagkain sa harap ko.Masyadong okupado ang isip ko dahil sa mga nangyari kanina.Sino 'yong Sher?Bakit nandito si Sax?!"Ito laing 'to.Ito naman daing.Ito—""May recitation ba mamaya?"Nag-sandok na ako ng kanin at 'di ko alam kung anong ulam ang kukunin ko.Sabaw muna ang kinuha ko dahil 'di ako pamilyar sa mga ulam nila, puro gulay ta's isda.Lumulutang na ang kanin ko sa sabaw.Nadura ko agad ang sabaw dahil sa sobrang pait nito,"Putang—ano 'yan ihi ng kambing?"Natawa ang mga tao sa kubo at tinapik ng katabi kong matanda ang balikat ko."'Te,zero ka na sa quiz.'Di ka kasi nakikinig,eh.Papaitan 'yan with alibangbang leaves,duh!"Halos kaskasin ko na ang dila ko dahil sa lasang tumambay na rito.Unti-unti akong lumapit sa bintana at marahang nila-laglag ang pagkain ko."Bawal mag-aksaya ng pagkain.Maraming nagugutom,hija,"pa
Wala akong choice dahil nag-iingay na ang mga sasakyan sa likod ko.Umarte pa si Sax na baka raw makuryente siya at masunog.Sa huli,pumasok din siya at walang hiyang humiga sa kama ko."Nakakahiya naman baka gusto mong kumain na rin diyan,"sarkastiko kong uyam.Ang lalaki naman pinamunas na sa sarili niya ang towel ko.Binuksan niya ang ref at kumuha ro'n ng fresh milk at cereal."Gusto mo ikaw na rin magdrive ta's baba na ako.I-self destruct ko na 'to,"pagpapatuloy ko.Walang paki si Sax at kumain lang nang kumain.Napatagal pa kami dahil may aksidente sa unahan.Madilim na ang kalangitan dahil sa malakas na ulan."Sa'n ba kita ibababa?"Lumingon ako at nakitang nakatulog na siya.Hindi ba siya nilalamig?Todo ang aircon nito at basang-basa pa siya.Nag-iba na ako ng ruta dahil baka bukas pa ako at ang isang 'yon na makauwi.Medyo may kalayuan nga lang ang naikotan ko kaya natagalan.Tanging ilaw lang ng sasakyan ko ang nagsisilbing gabay ko sa daan.Mabuti na lang