"Ate sagutan mo naman 'to!" Pagpupumilit ni Ashley,kapatid ko,na sagutan ang slam book n'ya.Palagi n'ya 'kong pinipilit na magsagot do'n dahil gusto n'ya raw malaman ang pangalan ng crush ko.Inirapan ko na lang s'ya at lumapit kay mama na naghihiwa ng bawang sa kusina. "Ano lulutuin mo,Ma?"tanong ko habang kumukuha ng tubig sa ref. "Adobong Pusit.'Di ba paborito mo 'yun?"masayang tugon nito. Ininom ko muna ang tubig bago sumagot,"Opo,pero sigurado akong si Ashley ang makararami." Natawa si mama at nawala sa konsentrasyon sa paghihiwa kaya't nasagi ng kutsilyo ang kan'yang daliri.Agad akong kumuha ng bulak sa sala at itinapal sa nagdudugong parte.Nanginginig pa ang kamay ko habang ginagawa ko 'yon dahilan upang mas matawa si mama. "Ma naman,mag-ingat ka kase!" "AI,daliri lang 'yan.'Di ko ikakamatay 'yan,"natatawang sabi ni ma
Last Updated : 2020-09-27 Read more