LOGINWorld of fantasy. Kairi was born with a harsh life, harsh reality, it's so hard to be her. But she doesn't know that she has a part, a big part in the world that she went. And in that world, she found a wonderful, happy, and best life.
View MoreZIAN'S POVNaglalakad ako ngayon, hindi ko alam ang pupuntahan ko. Kasi naman e, bakit ko sinabi ang nararamdaman ko kay Kairi. Tangina kasing selos, hindi ko na dapat iyon pinairal pa. "Napakatanga mo naman, Zian." bulong ko sa sarili ko. Napatigil ako sa paglalakad ng makita ko ang nasa harapan ko. Isang dagat na kumikinang at asul na asul. Akala ko ako lang ang narito, pero nakita ko sa di kalayuan si Clyde. Nakatingin sa may dagat. Nilapitan ko siya at tumingin din sa dagat. "I just want to say na kasalanan mo kung bakit kayo napahamak ni Kairi." "Alam ko, pero lagi naman talaga siya mapapahamak pag andito siya." nakuyom ko ang kamao ko nang marinig ko ang sinabi niya at agad na hinablot ang damit niya sa may leeg. "Bakit ka ba ganyan? Wala ka talagang pakialam kay Kairi, noh!" habang inis ko siyang tinignan. "Ilang be
KAIRI'S POVIminulat ko ang aking mata. Napatingin ako sa paligid. Nasaan ako? Nakita ko si Avriella sa tabi ko. Agad ko siyang tinanong. "A-asan ako, Avri?"Napatingin siya sa 'kin. "Mabuti naman at gising ka na. Andito ka ngayon sa bahay ko."Mabilis akong bumangon at tinanong nang may naalala ako. "Avri, si Clyde! Nasaksak siya! Kamusta na siya?"Tinignan niya ako ng may pag-aalala. "Huwag ka munang gumalaw-galaw, Kairi. Si Clyde, ayos na siya, mabuti at napagaling mo siya agad." Jusko! Mabuti naman at ayos na siya. Humiga ulit ako. "Nga pala, Avri, ilang araw na akong walang malay?"Bumuntong hininga siya. "Dalawang araw, Kairi. Talagang naubos ang enerhiya mo sa nangyari, bago mo lang kasi itong gamitin kaya agad kang nahimatay nang matagal. Kaya dapat magpahinga ka lang, bukas makalawa ay babalik din an
ICEANDRA'S POV"Bakit mo ba ako tinuturuan?" tanong ni Zi. Kanina ko pa siya ineensayo ngunit puro tanong nalang ang ginagawa niya. "Sumunod ka nalang." maotoridad na sabi ko. "Eh paano mo ako matuturuan niyan, machete ang akin, sayo naman ay pana." reklamo niya. Oo nga no?Hinipan ko ang kamay ko, nawala ang palaso ko at naging machete. "Oh heto na." sabi ko saka siya nginisian at itinutok sa kanya ang macheteng hawak ko.Umiling siya. "Seryoso ka talaga?" sabi niya. Tumango ako at tinignan siya ng matalim. Sinubukan ko siyang atakehin pero nasalag niya ang machete ko gamit ang kanya. Magaling! Sabi ko sa isip ko. "M-masyado ka namang s-seryoso." sabi niya. Ngunit hindi ko iyon pinansin, bagkus ay inatake ko siya sa may binti niya nang hin
KAIRI'S POV"Kairi!" nilapitan kaagad ako ni Zi sa ginawang pag-atake sa akin ni Clyde. "Okay ka lang?""A-ayos lang ako, Zi."Sinamaan niya ng tingin si Clyde. "Pare naman kasi, alam mo namang hindi pa masyadong malakas si Kairi, inatake mo na agad ng lakas mo." "Gusto niyang palabasin ang kakayahan niya kaya dapat ilabas ko na ang pinakalakas ko." seryosong sabi ni Clyde. Kaya dapat Kairi, sa lalong madaling panahon dapat alam mo ng gamitin at ilabas ang kakayahan mo. Dahil makakatulong 'yan sa 'yo pag may tumangka sa 'yong pumatay. "Ang kakayahan ni Kairi ay nanggagaling sa bracelet niya." dumating si Iceandra, hinipan niya ang kanyang kamay at lumabas ang kanyang palaso at tinignan si Zi. "Huwag mo nga silang guluhin, Zian, halika rito tututuan kita.""Ehh""Anong ehh ehh ka d'yan? Gusto mong tamaan kita ng pana?"