LOGINEriz Ocampo is just an average simple beauty with an average simple life and this lady is eager to fulfill two things: To be the Rank One in their school and to be rich in the future. She will do everything para laging siya ang manguna. But what if she meets Marco Reese De Jesus, a guy who seems so care-free of everything. Will she go for it or will she just ignore her heartbeat?
View MoreAgad-agad kong binuksan 'yung page ng BIU para makita kung totoo ba 'yung chinat sa'kin ni Marco.Nag-send na lang ako ng like para alam niyang nabasa ko na 'yung message niya sa'kin. Dapat nga hindi ko na siya re-replyan kaso naisip ko na parang ang rude ko naman kung hindi ako magre-respond.Infairness, totoo nga 'yung chinat niya sa'kin pero sa May 9 pa naman naka-schedule 'yung enrollment for HUMSS students.Iche-check ko na rin sana kung kailan naman 'yung schedule nina Nich and Jae kaso may nag-pop na chat head.Si Marco.8:04 P.M.Marco: Grabeng reply naman yan HAHAHAHAHAHAHA I like you too :)Putakte? Bakit ba ang landi sa'kin ng lalaking 'to? Tsaka bakit puro may tawa 'yung chat niya? Parang gago.Sineen ko na lang 'yung message niya tapos binaba na 'yung phone; kailangan ko na kasing magbasa-basa ng notes d
Lagot talaga ako kay mama. Iihi lang naman kasi 'yung sinabi ko, hindi magdadala ng lalaki.Patawarin mo ako mama!Pagkasabi ni Marco na isasakay niya ako, pumayag na rin ako agad kasi alam kong nagtagal na ako masyado sa labas at baka hinahanap na ako nina mama at hindi dahil sa gusto ko pa siyang makasama.May kinuha lang siya saglit sa loob ng kotse ng papa niya kaya naghintay pa ako ng mga ilang segundo. +++++"Wait, may kukunin lang ako sa kotse. Masyado akong nag-focus sayo kanina, 'yan tuloy nalimutan ko." Medyo tumawa pa siya tapos pumunta na sa loob ng kotse.Nakita kong isang stuffed toy na color yellow 'yung kinuha niya sa loob."Ano 'yan?" Tanong ko sa kanya.'Wag niyang sabihing sa kanya 'yun?
"Nak, padating na papa mo sa trabaho. Magpalit ka na." Utos sa'kin ni mama.Tumayo na lang ako sa upuan tapos dumiretsyo na sa kwarto para maghanap ng damit sa cabinet.Kumuha na lang ako ng isang plain black shirt tsaka tokong, inipit ko 'yung buhok ko ng ponytail tapos nilinis ng wiper 'yung salaming suot ko.Ngayon kami pupunta sa Fon De Leon para pumunta sa burol ng kaibigan ni papa. Isang beses pa lang akong nakakapunta doon kasi hindi naman ako mahilig sa mga gala-gala, ang natatandaan ko lang ay sumakay kami non ng isang jeep tapos isang tricycle.Napailing ako ng mga tatlong beses kasi naalala ko na naman si Marco, pagkasabi kasi ni papa kagabi na doon kami pupunta chineck ko agad 'yung facebook niya para i-confirm kung doon ba 'yung school niya, ayun kasi 'yung natatandaan ko nung ini-stalk ko siya dati. Tama nga ako."Eriz! Bilisan mo na diyan! Nandito na papa mo oh, kakain lang
Hindi ako makatulog kahit na sobrang pagod na 'yung katawan ko. Buti pa sina mama at papa halatang ang sarap ng tulog, rinig na rinig ko talaga 'yung salit-salitan nilang hilik dito sa pwesto ko.Gabi na kasi kami nakauwi galing sa moving up ceremony kaya wala na masyadong nagawa sa loob ng bahay, nagpalit lang ng mga damit tapos dumiretsyo na sa higaan.Hindi talaga mawala sa isip ko 'yung ngiti ni Marco sa'kin bago ako tumingin sa camera.Ganto ba 'yung kilig? Ganto ba 'yun?!Gusto ko sanang umikot-ikot dito sa kama katulad nang mga napapanood ko sa movies kapag namomroblema 'yung babae about sa isang guy kaso nga lang baka maalog 'yung buong kama tapos magising sina mama sa baba.Dahan-dahan akong bumaba sa double-deck namin para kunin 'yung phone ko sa may sala, magche-check na lang muna ako ng social media habang 'di pa ako dinadalaw ng antok.Dahan-dahan ako