FAZER LOGIN
Mahimbing ng natutulog si Hanson sa kanyang kwarto, subalit unti-unti siya naalimpungatan nangmaramdaman niyang tila may dumaloy sa kanyang katawan.Napakalamig.Hanggang three lang naman ang electric fan pero bakit pakiramdam niya'y parang naka-aircon siya?Marahan siyang dumilat. Una niyang napansin ang isang butil ng liwanag na padaan-daan malapit sa kanyang mukha. Agad nagdikit ang kilay niya sa pagtataka. "Alitaptap?"Asul ang kulay nito, kakaiba kumpara sa ibang alitaptap. Gayunman, walang halaga kay Hanson ang kakatwang ganda ng kulay ng alitaptap. Istorbo lang ito sa pagtulog niya.Walang gana siyang tumindig mula sa pagkakahiga. Sinundan ang alitaptap. Iniangat ang kanyang kaliwang kamay upang bugawin ito palabas ng kwarto. Ngunit agad siya napatigil ng tila may napansin siyang kakaiba.Kaagad namilog ang kanyang mga mata. "Teka,” Sabi