LOGINSi Karlo Antonio Robles ay isang taon nang naghahanap ng trabaho pero tila mailap sa kanya ang mga ito hanggang sa isang taong mula sa nakaraan ang muli niyang makikita. Paano nito mababago ang kanyang katayuan ngayon at ang kanyang pananaw sa buhay? Marami siyang matututunan tungkol sa buhay, pagkakaibigan, at pagmamahal dahil sa mga hindi inaasahang kaganapan.
View MoreIsang panibagong araw na naman at hindi na rin ako umalis ng bahay.Nagpaload na lang ako sa aking phone at napagdesisyunang subukan ko naman ngayon na mag apply ng trabaho online dahil mas mabilis nga naman kaysa sa isa isa mong pupuntahan ang mga may job hiring.“Oh anak, hindi ka ba aalis ngayon?” tanong ni Nanay na para bang nasanay nang halos araw araw akong umaalis ng bahay. “Hindi po, nay. Online na lang po muna ako maghahanap ng trabaho ngayon,” sagot ko naman.Unti unti ko namang iniinom ang mainit na kapeng tinimpla ko habang patuloy pa rin ako sa pagbabakasakali na may mahahanap akong trabaho na tatanggap sa akin. Hindi ko rin alam kung bakit tumagal nang ganito ang paghahanap ko ng trabaho. Hindi ko na mabilang ang mga kumpanya ang napuntahan ko at mga trabahong kalinya ng tinapos kong Industrial Technology. May ilan na akala ko ay makakapasok na ako pero hindi pa pala. May mga napag applyan naman ako na inin
Hanggang sa bahay pagkauwi ko ay iniisip ko ang mga pangyayari kanina. Hindi ko alam ang dapat kong maramdaman. Tila ba magkakasamang emosyon ang nadarama ko na minsan ay napapangiti pa ako dahil sa wakas ay naibigay ko na sa kanya ang tula..“Bukas, kailangan sabihin ko sa kanya sa personal,” sambit ko sa sarili.Kinabahan pa rin ako dahil sadyang mahirap sabihin ang totoong nararamdaman mo nang personal pero mas mabuti na rin na sa akin na manggaling. Nagpahinga na ako at saglit munang tinanggal sa aking isipan ang mga maaaring kaganapan bukas.Kinabukasan ay pumasok ako sa unibersidad na may ngiti sa aking mga labi. Kahit na hindi ko talaga alam kung paano ko sasabihin kay Jessie ay pinilit kong huwag kaisipin iyon subalit hindi ako nagtagumpay dahil talagang hindi maalis sa isip ko ang pag amin na gagawin ko sa kanya at dahil ayaw ko naman na may iba pang makakarinig. Dapat ay pinagplanuhan kong mabuti pero wala na a
Nang mawala si Gianne, natutunan kong maging malakas para sa aking sarili. Kinailangan kong maging matatag para hindi na ako masyadong masaktan na pakiramdam ko ay walang natira sa akin kapag naiiwan ako ng mga taong pinapahalagahan ko. Akala ko malakas na ako. Akala ko kaya ko na ang sarili ko hanggang sa nagcollege ako. “Karlo, mga kaklase ko ito nung high school,” sabi ng naging kakwentuhan ko sa unang araw ng klase habang ipinakikilala ang mga kaklase niya. “Hello, Gusto mo ng pancake?” tanong ng isa sa kanila.Dalawa lang silang babae sa tropa at ang lima ay mga lalaki na. Akala ko ay jowa sila ng dalawa sa mga lalaki.“Ay, salamat na lang nakakahiya naman, baka pati magalit boyfriend mo,” sabi ko.Tumawa lang sila at hindi ko naintindihan kung bakit.“Ano ka ba, wala pa akong boyfriend,” sabi niya.“So, magkakaibigan lang kayong lahat?” tanong ko.“Oo naman. Halika nga rito at sumama ka na sa tropa.
Maaga akong nagising ngunit hindi dahil sa mag aapply ulit ako. Maaga akong gumising para tumulong naman kay nanay sa mga gawaing bahay. Tamang tama, Sabado ngayon, maya maya ay darating na rin siguro si Ji, pagkakataon na rin ito para makapagbonding kaming tatlo. Mga ilang oras na rin akong naglilinis ng bahay nang dumating si Jireh.“Kuyaaaa, naandito ka ngayon,” masaya niyang bati sa akin “Oo. Pahinga muna ako ngayon. Oh, bakit ngayon ka lang?” tanong ko. “Kase doon na kami pinag almusal sa bahay ng kaibigan ko. Si nanay pala nasaan?” “Nasa kusina,” tugon ko. Agad nagtungo si Ji sa kusina at pagkatapos ay nagtungo sa kanyang silid upang magbihis. Pagkalabas niya ay agad siyang umupo sa aming sala. “Kuya, luto tayo,” panghihimok niya sa akin. “Sige, ano naman lulutuin natin?” tanong ko naman sa kanya. “Sin