LOGINLove? Walang meaning sa akin 'yan. Love? Wala akong paki diyan. Love? Wala sa vocabulary ko 'yan. Love? Mamatay na 'yan. Kahit kailan, hindi ako tatamaan ng love na 'yan. Mga pangungusap na naging motto ko na. Pero bakit ngayon? Iba na? Because now, I know that Love conquered me!
View MoreNaglalakad ako ngayon sa hallway ng school pero bakit pinagtitinginan ako ng mga tao? Oo alam kong maganda ako pero hindi naman 'yong tipong tititigan talaga ako. *chismosa group 1"siya nga yan""oo nga siya. Ang swerte naman niya.""anong masuwerte jan? Nilandi niya lang kamo."Ako ba pinag-uusapan ng mga 'to? *chismosa group 2"ang landi naman. Sana all. Di kasi ako katulad niyang malandi! " halatang pinapadinig sakin eh. Di ko alam kung iniinsulto ba niya ako o pinupuri. "tama ka girl, tara na at baka mahawaan pa tayo." aba't ang kapal din ng mukha ng isang 'to. Hahawaan ko siya? Huh! Lumayo talaga dapat siya dahil pinagdadamot ko kagandahan ko no.Deretso lang ako sa paglalakad.*chismosa group 3"oy siya yon diba? Yong nasa picture?" picture? Anong pictu
"S-so anong pag-uusapan natin? " nauutal niyang tanong. Napatawa ako dahil sa pagkautal niya. Para siyang batang may maling ginawa at takot mapagalitan. Tiningnan niya ako ng anong-nakakatawa-look."grabe! Natakot ka na ba sakin?" natatawa kong tanong sa kanya. "ha? Hindi ah! " tanggi niya saka tumingin ng deretso sa kalsada. Di raw siya takot sa 'kin. Tingnan natin. Tumigil na ako sa pagtawa at sineryuso ang mukha ko. Linapit ko ang mukha ko sa kanya at siya naman ay umatras. "a-anong balak mong gawin? " halata ang garalgal sa boses niya. "sabi mo hindi ka takot" nakatingin lang ako sa kanya ng seryuso at mas lalo ko pang inilapit ang mukha ko sa kanya hanggang sa ang bibig ko ay malapit na sa tenga niya. Saka ako bumulong. "sa oras na ipagkalat mo kung anong trabaho ko, walang paligoy-ligoy... Tssssk... " suminyas pa ako
Nandito ako ngayon sa loob ng classroom namin. Mag-isa at nakapangalumbaba. Nawalan na ako ng gana kumain dahil sa bwesit na William na 'yon kaya dito na lang ako dumiretso. Lagot talaga ako kay boss kapag nalaman niya na nabigo kami. "hay... " napabuntong hininga nalang ako. Dahil inaantok din ako ay umub-ob ako sa desk ko para makaidlip saglit. Mayamaya pa ay naramdan kong dumating na ang iba ko pang mga kaklase ngunit patuloy pa rin akong nakaub-ob. Aayos nalang ako ng upo kapag may teacher na. Naramdaman kong may umupo sa upuan sa tabi ko. Siguradong si singkit yon. "Syra, tulog ka ba? " sabi ko na nga ba si singkit. Kunsabagay upuan naman niya talaga 'yon. Di ko siya sinagot bahala siya sa buhay niya. "may binili akong sandwich para sa'yo oh. Di kasi kita nakita sa cafeteria kaya baka kako di ka naglunch. " may pag-aalala niyang tanong. Ngunit di ko p
Napahinto ako sa sinabi niya.Ano daw? Tama ba narinig ko? Manliligaw daw? Siya? Pinagloloko ba ako ng isang to?Lumingon ako sa kanya at binigyan siya ng anong-pinagsasabi-mo-look."totoo nga. Gusto kitang ligawan. Di ako nagbibiro." may pataastaas pa siya ng kamay na parang nangangako." naku singkit wag mo ko pinagloloko. Dalawang beses palang tayo nagkikita. Kahapon at ngayon. Tingin mo maniniwala ako sayo?" tinaasan ko siya ng kilay at pinagpatuloy na ang paglalakad.Sumunod naman siya sa 'kin."sige dahil di ka naniniwala ngayon, papaniwalain nalang kita sa susunod na mga araw na magkasama tayo. " ngiting ngiti niyang sagot.Tiningnan ko siya ng parang di makapaniwala. Papaniwalain niya ako? Huh! Good luck nalang sa kanya. Kung alam lang niya na hindi ako naniniwala sa tinatawag nilang pag-ibig. Sa dami nang mga taong nakiki