Nakasakay ako ngayon sa motor ko papuntang headquarters. Kapag weekend kasi doon ako tumatambay at siyempre training na rin. Ayoko naman kasi sa bahay dahil mag-isa lang ako. Atleast sa headquarters alam kong at home ako. Family na kasi ang turingan namin doon. Pero siyempre may exemption at si Randyll 'yon. Di joke lang. By the way, siya pala ang nakatukang magbantay kay William ngayon. Di naman talaga ako galit sa kanya. Naiinis lang ako kasi tuwing nakikita ko ang mukha niya nababanas ako. Di ko nga rin alam kung bakit. Parang ewan lang ako ano? Naiinis ako sa kanya pero di ko alam kung bakit. Basta 'yon na 'yon. By the way, ang harap ng head quarters namin ay isang restaurant na pagmamay-ari ng boss ko. Ang HVN Restaurant. Siya si Edward Monte Verde, ang may-ari ng Heaven. Meron siyang anak at si Randyll 'yon.Pagpasok ko sa restaurant ay nakita ko ang ibang agent na kumakain. Tumango lang ako sa kanila at ganoon din sila sa 'kin
Last Updated : 2020-11-14 Read more