Mag-log inDavin Suarez- one of the Varsity player/Soccer team captain- received a love letter from the girl who named herself as Kaimie. While Vin was reading the love letter's entry, Kaimie slowly caught his attention. But "Kaimie" wasn't the sender's real name. Who is she? Would Vin meet the real Kaimie and know who she really is? -Love Letter-
view morePagkaalis na pagkaalis nila Ellie at Ken ay naglakad na ako, balak ko kasing pumunta sa classroom nila Keiima para kausapin sya pero nakakailang hakbang pa lang ako nang mulu akong napahinto.Hindi ko nga pala alam kung saan ang classroom nya. Hindi ko alam kung anong grade at section nya, pano ko sya hahanapin nito? Kaasar naman.Saan ko nga ba sya pwede mahana—ah tama sa library! Baka naroon sya tutal break time naman.Naglakad ako papunta sa library. Pagkarating ko ay dumeretsyo agad ako sa loob at nilibot ang paningin ko pero hindi ko sya makita. Sinubukan kong maghanap pero hindi ko talaga sya mahanap sa kahit saan.At dahil na rin sa nakakaramdam na ako ng gutom ay mamaya ko na lang sya hahanapin at kakausapin. Tama! Kakain muna ako sa ngayon."H-Hi Davin." Bati ng isa sa tatlong babaeng nasa
———Entry 13: Pagtila ng Nararamdaman(poetry entry)Nakatitig sa iyong larawanKasabay ng luhang pumapatakTila ba kailan lang nang ika'y hangaanAt sa isip ko maitatakAlam mo bang sa mga nagustuhanIba ka sa kanilang lahat?Dahil para sayo napatunayanNa kaya kong gawin kahit ang hindi dapatIlang beses kong sinubukanAng mga bagay nang iyong mapansinIlang beses kang inaabanganAng iyong mata baka mapatinginAng saya'y di maipaliwanagPag nakikita ka ng malapitanTila nagkakaroon ng liwanagAng kahit anong kadilimanAlam mo ba naSayo lang ako nagkakaganito?Kahit pa alam ko naImposibleng maging tayoAaminin kong mahal na kitaIba to sa una kong nadamaTutol man si tadhanaAy di ko t
"Kuya gising na! Kuyaaa! Kuya uyy, gising na!" Naalimpungatan ako dahil sa pag-alog ng balikat ko ni Dain. "Kuyaaaa! Kuya! Kuya! Kuya!" Paulit ulit na tawag nito dahilan para maupo ako habang kinukusot ng bahagya ang mata ko."Ano ba yun?" Bahagyang inaantok na tanong ko saka nag-inat ng kamay."Ma-l-late ka na sa training nyo pag hindi ka pa bumangon!" Nakabusangot na sabi nito na para bang inis na inis dahil matagal bago ako magising."Training...?" Ilang minuto akong natahimik at napaisip bago pumasok sa isip ko kung ano ang pinaparating ng kapatid ko. "Ay hala lagot na!" Nagmadali akong pumasok sa Cr dala ang towel ko at agad na naligo.Nang makabalik ako sa room ko ay kinuha ko ang cellphone ko para i-check at 5 missed call na mula kay coach. Lagot na talaga ako nito! Nagmadali akong magbihis at tumakbo pababa kahit hindi ko pa nasusuot ng naayos ang sapatos ko."Ma, alis na po ako ah!" Halos sigaw ko bago tumakbo palabas. Pagkarating ko sa ma
"Ang papa mo anak..." Pag uumpisa ni Mama pagkatapos ng ilang minutong pag-iyak. Medyo kalmado na sya ngayon kumpara kanina.Ilang minuto akong naghintay ng susunod na sasabihin ni mama pero di na sya muling nagsalita. Tahimik lang sya na para bang nag-iisip ng subrang lalim."Mama... Bakit hindi nyo ulit subukang magmahal ng iba? Ilang taon na ring wala si papa at bata pa po kayo. Subukan nyo ulit maging masaya. Hindi yung isisisi nyo sa sarili mo ang nangyari" Pangungumbinsi ko kay mama nang bigla syang kumalas mula sa pagkakayakap.Nang tingnan ko sya ay hindi ko mabasa at maintindihan ang ekspresyon na pinapakita nya.Ayokong ikulong ni mama ang sarili nya sa lungkot habang dala ang responsibilidad samin ni Dain. Gusto kong sumaya ulit si mama at handa ko syang suportahan sa kahit na ano. Hindi na din naman kami bata para lagi pang isipin ni mama."Hindi yun ganun anak." Hindi ko makua ang nais iparating ni mama. Ano bang ibig nyang sabi





