"Anak"Magsisimula na sana akong magbasa ng susunod na page nang biglang pumasok si Mama kaya naitago ko ito agad sa likod ko."Bakit po, Ma?" Tanong ko habang pinipilit na hindi mautal."Anong araw na ba ngayon, 'nak?" Hayst si Mama, akala ko kung ano na. Buti at di nya ako naabutang nagbabasa. Kung hindi, magtatanong lang sya ng magtatanong.Gustong-gusto nya pa namang ipakilala ko daw ang girlfriend ko na alam nya daw na tinatago ko lang sa kanya. Eh wala nga akong ganun, hayst!"September 2 na po, Mama." Sagot ko habang bahagyang napapakamot ng ulo."Malapit na palang magpasko." parang lutang na pagkakausap nya sa sarili. "Nga pala, pinabibigay ni Ellie. Hindi na sya pumasok kasi nagmamadali raw sya." Muling baling nya sakin saka binigay ang isang notebook na kulay pink."Ah, sige po." kinuha ko sa kamay ni mama yung notebook na galing kay Ellie. Ito yung hinihiram ko sa kanya dahil tinatamad akong magkopya kanina."Bumaba
Last Updated : 2020-10-03 Read more