LOGINPaalala: Ang kwentong inyong matutunghayan ay produkto lamang ng malikot na pag-iisip ng may-akda. Ang ano mang pagkakapareho ng mga karakter, lugar o pangyayari sa totoong buhay ay nagkataon lamang at hindi sinasadya. Ang kwentong nakapaloob rito ay kombinasyon ng drama, komedya, katatakutan, at malubhang SPG kaya naman ang pagbabasa nito ay alinsunod sa inyong discretion at ang pagbabasa nito ay at your own risk. Si Amanda, ay isang mapagmahal na anak at maasikasong panganay sa kaniyang dalawang kapatid. Dahil sa kahirapan sa buhay ay napilitan siyang huminto sa pag-aaral at mamasukan bilang isang hostess sa isang bar para matustusan ang pangangailanagan ng kaniyang pamilya. Bagamat iniwan na ng kanilang ama, ay siya na ang tumayong ama ng kanilang tahananan. Subsob sa trabaho kaya naman wala siyang ibang pinagkakaabalahan kundi ang makalikom ng perang panggastos nila sa pang-araw-araw. Kaya naman nagbago ang lahat ng makilala niya si Randy, guwapo at matipunong lalaki. Sa kaniyang angking hitsura ay sino ba naman ang hindi mahuhumaling sa kaniyang nakakaakit na tindig. Bagamat hindi nagkulang sa pagpapaalala sa kaniya ng kaniyang matalik na kaibigan na si Edna, ay nagpursige parin siyang ipaglaban ang kaniyang pagmamahal na nararamdaman para kay Randy. Ngunit, sa pakikipaglaban niyang ito ng kaniyang nararamdaman ay umusbong ang isang misteryo na hindi maarok ng pang-unawa ng sino man. Sa hirap na kinakaharap niya sa kaniyang pamilya, sa kaniyang buhay pag-ibig, at sa panibagong kinakaharap niyang misteryo, makakaya pa ba niya itong kaharapin at malagpasan? Halina't samahan natin ang natatanging kwento ni Amanda sa kaniyang mundo na puno ng kwela, puno ng drama at kababalaghan kasama ang kaniyang matalik na kaibigan na si Edna.
View More“Ah…ah…ahhhh!!!” Malakas na sigaw ng rapist. “Ano’ng nangyari? Naputol ang ari ko? Anong klase kang nilalang? Akala ko ba pumapayag ka? Kasi sabi nila ‘Silence means Yes”? Silence means “NO” na ba ngayon ‘yon? Nagbago na ba?” dagdag na sambit ng rapist habang patuloy sa pagdaloy ng dugo sa kaniyang sugat. Nanghihina na ang rapist dahil sa dami na rin ng dugo na nawala sa kaniya. Kahit nanghihina ay pinilit na tumayo ni Amanda. Labis ang kaniyang pag-iyak dahil sa masaklap na pangyayari sa gabing iyon. Mag-uumaga na rin nun at naglalakad si Amanda. Patuloy parin siya sa paglalakad kahit hindi alam kung saan ang patutunguhan ng kaniyang mga paa. Wala sa sarili at malalim ang iniisip.
So natanggap na nga si Amanda sa trabaho. Nag-eenjoy naman siya kahit papaano. At kahit kaunti lang ang kinikita niya ay nagpapasalamat narin siya dahil mayroon siyang trabaho, may kita para pantustos sa kanilang bahay. Ang hirap talaga maghanap ng trabaho lalo na kapag walang pinag-aralan. Sa panahon ngayon, priority ka pag may natapos ka. Kahit mas nakakapagod ang trabaho sa karenderya ay kinakaya niya, kasi naman kapag hindi siya magtrabaho eh baka wala ng makain ang pamilya niya, lalong lalo na ang kaniyang mga kapatid. Ilang buwan na rin na panay kayod si Amanda. Hindi na sila madalas magkita ni Edna, kasi naman hindi katulad sa b
---..oOo..---kasalukuyan Nabighani si Amanda sa kwento ng kaniyang matalik na kaibigan. Tumaas ang pagtingin niya kay Edna. Sa kabila ng kaniyang naranasan na mga paghihirap ay nakakaya niyang lagpasan ito ng isang matagumpay na ngiti. “Ang galing mo naman fren!” Pagpupuri ni Amanda. “Hindi naman fren, naswertehan ko lang talaga at nakahanap ako ng isang taong nakakaintindi ng aking sitwasyon.”
Hindi man alam ni Edna kung ano ang ibig sabihin ng BPO Industry ay grinab na niya ang opportunity para mag apply, ngayon pa at desperada siyang makahanap ng trabaho. Dahil malaki ang offer at nakakainganyo ang perang suswelduhin, ay napa oo na lamang siya. Bihira na lang kasi siya makahanap ng ganitong opportunidad na sasahod ng ganoon kataas, 20, 000 a month sa educational attainment niyang 1 year lang in college. Syempre, kinkabahan sa interview si Edna. First ime niyang maexperience ang proseso ng hiring ng isang call center company. Lumalakas ang tibok ng kaniyang puso lalo na’t nakikita niyang papalapit na ng papalapit ang