Share

Chapter 44

Author: Hanaemi
last update publish date: 2020-10-31 18:24:55

.44 

Hindi pa rin ako makapaniwalang nandito si Noah ngayon, well, he did say na kukunin niya ako pagkatapos ng klase ko pero akala ko rin ay nagbibiro lamang siya. 

I feel like the entire zoo is inside my stomach because of what's happening right now.

Narinig ko ang sipol ni Tyrone at ramdam ko ang tingin nilang tatlo sa aming dalawa. Gusto ko suntukin si Noah dahil masyado niya akong ginugulat ngayong araw na ito. 

I'm not a good liar and Alexavia can read me like a book.

Tyrone and Aoede are smiling at both of us. Nakikita ko sa kanila na curious sila kung sino si Noah, but I can also see that they're happy for me at mas lalo akong na-guilty. 

Alexavia is observing Noah and me at pakiramdam ko ang kakawala ang puso ko dahil sa kaba.

Pinanlakihan ko ng mata si Noah at tumawa lang siya sa akin at bahagyang bulong sa tenga ko, "Can you relax? You're tense."

Aba, sino ba naman ang hindi mate-tense sa ginagawa niya? Biglaan nalang siyang sumusulpot na walang pasabi at madali rin magbago ang isip niya. Paano kung tinutulungan niya ako ngayon pero bukas hindi na?

Noah and I are still staring at each other na para bang nag-uusap kami gamit ang aming mga mata pero tinatawanan niya lang at saka binaon ang mukha niya sa leeg ko.

"Ano na, Skyla? Hindi mo ba kami ipapakilala? Maglalandian lang kayo sa harap namin? Respeto naman!" pagbibiro ni Alexavia habang nakatingin sa amin at nakasalong-baba. She looks so amused by all of this.

I cleared my throat and forced myself to smile at them, "Guys, this is Noah, my boyfriend."

Noah's chin is still on my shoulder as he replies to my friends, "That's right. I'm Noah Genovesse."

"Cool, I'm Tyrone." Bahagyang ngumiti si Tyrone kay Noah pero he was still friendly.

"Aoede here!" She waves shyly at Noah.

"Alexavia," then she flips her hair and looks at Noah straight to the eyes, "Kailan lang naging kayo nitong kaibigan namin, Noah? Wala kasi siyang nakuwento tungkol sayo."

Kahit kailan talaga ay napaka-prangka ni Alexavia. 

Ito ang isa sa mga dahilan kung bakit ayoko pang ipakilala si Noah sa mga kaibigan ko hanggat hindi pa kami nakakapag-formulate ng kwento kasi mahihirapan akong magsinungaling unless na may balak si Noah?

Noah looks at me hurt, and the sadness in his eyes is evident. Wow, ang galing umakting. "Whoa, really, babe? You didn't tell them about me?"

"I'm sorry, hindi ko kasi alam kung paano sasabihin sa kanila pero ang importante ay nandito ka na at maipapakilala na kita ng maayos." Hinawakan ko ang pisnge ni Noah at saka ako ngumite.

Aoede then coos and says, "Awww, you guys are so cute! Saan kayo nagkakilala?"

I looked at Aoede surprised at her question. Anong isasagot ko sa tanong niya? Hindi ko naman pwedeng sabihin sa coffee shop ko nakilala si Noah kasi kung ganoon ay napakabilis naman ng naging relasyon namin.

I was about to say a random lie when Noah squeezed my waist, "I met her through a friend." A friend? Sino si Detective Michaels?

Napalunok ako bago nagsalita, "Yes, we met through a common friend then eto na kami." I smiled eagerly, sana hindi mukhang pilit.

"Really? Sinong friend?" tanong ni naman ni Tyrone habang sumusubo ng fries.

"Ivo," Noah says smoothly.

Napaawang ang bibig ko sa sinabi niya. Birthday ko ba ngayon? Puro surprises kasi ang mga natatanggap ko ngayong araw. 

Hindi ko alam kung magagalit ako kay Noah o sasakyan ang pagsisinungaling niyang nagkakilala kami dahil kay Ivo.

But one thing is for sure; I'm not comfortable with meeting Noah through Ivo. It doesn't sit well with me. Hindi ako nagsalita at pinilit na lamang ang sarili kong ngumite.

"Oh? Interesting," ngise ni Alexavia. May mga kahulugan ang mga tingin niya sa akin pero iniwas ko na lamang ang mga mata ko.

"Ah, wow." simpleng ani ni Aoede. 

Alam kong hindi niya rin alam ang isasagot niya kay Noah. Hindi naitago ni Aoede ang bahagyang pagka-dismaya niya sa sinabi ni Noah.

Noah looks at my face for a bit and turns to Aoede. "Why? Why do you look sad?"

"Ay sorry, ano kasi... Akala namin na si Ivo at Skyla. Their pictures were once published in our University forum and they looked like a couple. I'm sorry about my reaction. Wag ka magalit, please!" Aoede explains, and her voice quivers. Napakapit siya sa braso ni Tyrone.

Noah only smiled at her, "It's fine. I get it, but that's all in the past. The important thing is Skyla, and I are happy."

I don't know if this whole relationship is making sense to them, but I'm praying silently na sana ay hindi na sila masyadong magtanong pa kung paano kami nagkakilala ni Noah at kung paano nagsimula ang relasyon namin kasi hindi ko talaga alam ang sasabihin ko sa kanila.

If Noah can lie smoothly, then I can't. Ganoon ba pag professional assassin kailangan professional liar ka rin?

Akala ko pa ay may dagdag pa sila na tanong pero buti nalang ay wala na.

Tumango si Tyrone sa kanya, "How about her engagement? Have you heard of that?"

Tumango si Alexavia sa sinabi ni Tyrone, "Yeah, anong plano niyo?"

Bumalik naman ang tingin ni Aoede sa akin, "Didn't you leave your home Skyla? Saan ka nakatira ngayon?"

Hindi ko alam kung bakit pero uminit ang pisnge ko, "I'm staying with Noah. May bahay siya malapit dito. Doon muna ako hanggat hindi pa ako nakakahanap ng malilipatan."

Alexavia's eyes grew like saucers, "Oh, wow." She then grins at me, "Kayong dalawa lang doon?"

"Oo," nahihiya kong sabi.

"Aww, look at her blush." Pang-aasar ni Noah sa akin. He then turns to my friends and explains, "Yes, she's staying with me. Skyla and I will meet her Uncle and brother soon. Susubukan namin silang pakiusapan na ikansela ang engagement."

Bilib din ako sa mga pinagsasabi ni Noah. Paano niya ito nasasabi na hindi man lang siya nauutal? He's also looking at my friends with determination and seriousness.

I nodded at him. I have to play this game right. Gagawin ko lahat para hindi matuloy ang engagement namin ni Anthony at kung kinakailangan na magsinungaling din ako sa mga kaibigan ko ay gagawin ko.

If I can't do this right, I'm sure that I won't convince Uncle Bern and Anthony.

If I have to be a good actress, then I will become one.

"We will fight for our relationship." Tinignan ko ang mga kaibigan ko. "I hope you guys will support us." Hinawakan ko ang mga kamay ni Noah at dinala niya ito sa mga labi niya para halikan.

"Of course, Skyla! We have your back. Sabihin niyo lang sa amin ang mga kailangan niyo at susubukan namin tumulong sa abot ng makakaya namin. Right, guys?" Aoede is smiling eagerly to Tyrone and Alexavia.

They both nodded in agreement. Kinuha ni Alexavia ang bakante kong kamay at pinisil ito, "Always, Skyla. Kahit ano pa yan. Tutulungan ka namin."

It feels good to have friends who will support you, but I also feel bad for lying to them. I pray I won't be lying to them forever.

When the University bell rang, Tyrone and Aoede have to go back because they still have classes. Si Alexavia naman ay naiwan kasama namin ni Noah dahil may isang oras pa siya na bakante bago ang susunod na klase niya.

Binuksan ko ang lunch box na binigay sa akin ni Noah kaninang umaga.

"Bacon and eggs?" I asked Noah na nakaupo sa katabi ko.

He grins, "Yes, you asked me to pack it for lunch, remember?"

I nodded, "Bakit may broccoli 'to?" sinimangutan ko si Noah. I can feel Alexavia's eyes on us, watching my exchange with Noah.

Damn, nakalimutan ko nga palang sabihin kay Noah na hindi ako kumakain ng broccoli pero pag sinabi ko naman sa harap ni Alexavia ay baka magtaka siya.

Noah is my boyfriend. Fake boyfriend. But aren't boyfriends know the most mundane things about their girlfriends' likes and dislikes? 

"Skyla doesn't like broccoli," Alexavia says and grinning at us. 

Ayan na naman yung mga makahulugan niyang mga ngite. Hindi ko alam kung simpleng pang-aasar lang ito o baka naman alam niya na nag-sisinungaling lang kami ni Noah.

Noah turns to smile at Alexavia and says, "I know. We had dinner once with my friends. Pinilit niyang kainin yung broccoli pasta kasi ayaw niya maging bastos."

Napaawang ang bibig ko sa sinabi niya. I didn't know he noticed that night. Rylee and Eli are great cooks, hands down sadyang ayoko lang sa broccoli pero pinilit ko pa rin kainin iyong inihanda nila kasi alam kong pinaghirapan nila iyon.

Alam naman pala ni Noah na ayoko sa broccoli pero bakit niya nilagyan? Inaasar ba ako nito?

But I'd feel bad if hindi ko rin naman ito kakainin. Noah prepared this lunch for me kahit nilagyan niya ito ng broccoli para asarin ako it only feels right to eat it. Ayoko rin naman magsayang ng pagkain.

"I'll eat it. Thanks for preparing this for me." I turned to Noah and smile.

"Iba na talaga pag nagmamahal, ano? Nagbabago?" Alexavia's tone is teasing pero hindi ko nalang ako nagreply at nag-focus nalang ako sa pagkain.

She then turns to Noah, "Wala ka na bang ibang kapatid na lalake na kasing gwapo at ka-edad ko lang?" Pumupungay pa ang kanyang mga mata.

Noah laughs and shakes his head at her, "I'm sorry, but my brother is already married. I do have a friend who is single though."

Bigla naman nabuhayan si Alexavia nang marinig niya na may kaibigan si Noah. I rolled my eyes at them. Knowing Alexavia, she probably won't be serious about it. Minsan ay gusto niya lang magkaroon ng boyfriend for the sake of having one.

Her eyes brightened then she frowned at Noah. "Totoo? Baka scam yan! Gwapo ba?"

"I'm sure you will like him. Teka ilang taon ka na ba? He's a bit old."

"Ano ka ba! Okay lang yan. Kahit 20 years pa ang tanda niyan sa akin ay papatusin ko yan basta ba't wala siyang extra baggage. Ayoko ng drama!" Alexavia declares, proudly.

Humalakhak si Noah saka kinuha ang smartphone niya. He scrolled through his pictures at bahagya akong sumilip habang ngumunguya. Huminto siya sa isang larawan ng lalake na masyadong pamilyar sa akin at ng makita ko kung sino ito ay halos mabilaukan ako.

Agad kong kinuha ang bottled water at saka uminom. Ipinakita naman ni Noah ang picture mula sa smartphone niya. "Here." He says, hinarap niya ang larawan kay Alexavia.

Kung kanina ay nakangite pa siya at mukhang excited ay ngayon naman ay hindi na maipinta ang mukha ni Alexavia.

"Really, Noah? Detective Michaels?" She's scowling at Noah.

Noah is entirely oblivious. He doesn't understand what's happening. If I remember correctly, ayaw ni Alexavia si Detective Michaels ngunit hindi ko rin alam kung bakit.

"What? What's wrong with him? He's single and one of the eligible bachelors in the country."

Pinakita ni Noah sa akin ang picture ni Detective Michaels. He's not wearing his uniform at naka-casual clothes lang. 

He's wearing a V-neck shirt and khaki pants. His arms are crossed against his chest while smiling at the camera. Medyo messy pa ang buhok niya pero style ata yun kasi gwapo pa rin siya tignan.

Detective Michaels is indeed attractive. Tinignan ko si Alexavia, "Why do you not like him?" I asked. 

I'm honestly curious as well. Hindi maganda ang naging encounter ni Detective Michaels at Alexavia isang beses noong kinausap ako ni Detective.

I remember hearing Alexavia call him 'gago' pero nagkunyari ako na hindi ko siya narinig.

She shrugged her shoulders at binaling ang mga tingin niya sa kanyang notebook. "No reason. I just don't like him."

Nagkatinginan kami ni Noah, but he only smiled at me na para bang may alam siya na hindi ko alam. Tatanungin ko nalang siya mamaya pag wala na si Alexavia.

Mabilis rin na lumipas ang oras at kinailangan na ni Alexavia pumasok sa mga klase niya. "I'll go ahead, love birds. It was nice to meet you, Noah."

"Pleasure's mine." Noah winked at her, and we watch her leave the cafetaria bago ko hampasin si Noah ng lunch box. "Ouch! Anong problema mo?"

I scowled at him, "We need to talk, Noah. Kailangan pagplanuhan nating dalawa ito. We might have convinced my friends, but we're not sure if the same thing will happen to my Uncle and Anthony."

He raised his hands in surrender, "Okay, I'm sorry for surprising you, but it went well. Right, babe?" Noah smirks at me.

I glared at him, "Don't call me that. Wala na ang mga kaibigan ko." Nilagay ko sa bag ang lunchbox at saka tumayo palabas ng cafeteria.

Noah followed me and walked by my side saka kinuha ang mga kamay ko. Our hands are interlocked. Gusto ko sanang tanggalin ito pero humigpit ang hawak niya sa kamay ko at ngumite lamang.

Napatingin ako sa paligid at nakitang may ilang mga estudyante na nakatingin sa aming dalawa at sa kamay namin na magkahawak ngayon.

Right. Kahit wala na kami sa harap ng mga kaibigan ko ay kailangan pa rin namin umakting. The entire student body is watching us as we walk towards the exit.

Hindi lang pala kay Uncle Bern, Anthony, at sa mga kaibigan ko dapat ako magsinungaling kasama na rin dito ang mga estudyante ng Welston at ang buong bansa.

Nang makarating kami sa parking lot ay magkahawak pa rin kami ng kamay ni Noah pero siya rin ang unang bumitiw para buksan ang pinto ng sasakyan niya.

I entered after him, "Sa susunod pwede bang sabihan mo naman ako para hindi ako nagugulat at nauutal?" Sinuot ko at seatbealt. "Paano nalang kung nabisto tayong dalawa?" dagdag ko pa habang tinatali ang buhok ko ngayon.

Noah chuckles, "Stop overthinking. We didn't get caught, and we won't ever get caught."

"Yet, Noah. We didn't get caught yet." I frowned at him. Well, there's no point crying over spilled milk. "Give me your phone." sabay lahad ko ng kamay ko sa kanya.

"Why?" Pero nakangite pa rin siya sa akin. Masyado ata siyang masaya ngayong araw na ito? Ano kayang nangyari.

"Ilalagay ko number ko at kukunin ko na rin ang number mo, so that you can just text me if ever you will show up randomly."

He grins at me bago kinuha ang smartphone mula sa bulsa niya. Nilagay niya to sa palad ko. He licks his lower lip and then he says, "Sigurado ka bang number ko ang kailangan mo? May nudes kasi ako diyan. Baka iyon ang habol mo?"

I grimaced at him. "Hindi ako interesado, Noah." usal ko sa kanya habang nilalagay ang number ko sa smartphone niya.

Noah laughs, and I can't help but notice how free and pure it sounded. Hindi ako makapaniwala na isa siyang assassin. The sound tickles my ears in a right way, and his laughter is contagious—Nakakainis man siya ay hindi ko mapigilang ngumite.

Matapos ko malagay ang number ko at makopya ang number niya ay agad kong binalik ang smartphone niya. "Sigurado ka bang hindi ka interesado? I can give you peek." He waved his phone on me, and I rolled my eyes at him.

"Hindi nga. Kahit kailan ay hindi ako magiging interesado."

Noah gives me a half-smile and then drives out of the University. Hindi naman masyadong malayo ang coffee shop kaya hindi rin kami natagalan. Ito ang unang beses na makikita ko ulit si Leah. Sana ay hindi siya masyadong nahirapan noong wala ako.

Bago ako bumaba ng sasakyan ay tinignan ko si Noah, "Are you going to pick me up later too? O may gagawin ka?"

Noah glances at watch bago ako tignan, "I'll text you."

"Okay, see you later." ani ko saka bumaba ng sasakyan.

Hinintay ko munang makaalis ang sasakyan ni Noah bago ako pumasok. Dumaan ako sa back door dahil doon naman talaga ang entrance ng mga empleyado.

Habang naglalakad ako papunta sa entrance ay biglang bumukas ang pinto. Leah is wearing her uniform habang may dalang basahan at Lysol.

I grinned, "Hello, Leah!" masigla kong bati sa kanya.

Leah turns her head to me. Bigla siyang tumakbo palapit sa akin at niyakap ako ng mahigpit. "Hala, Skyla! I miss you talaga grabe. Akala ko hindi ka na babalik kasi ikakasal ka na."

I tried my best not to frown at the mention of my upcoming, "I miss you too! Sorry kung matagal akong hindi nakapasok marami kasi akong inaasikaso eh."

Bumitiw siya sa pagkakayakap sa akin saka ako tinignan mula ulo hanggang paa, "Wow, iba! Nawala ka lang ng halos tatlong linggo ay mas naging glowing ka! Yung totoo, nadiligan ka ba?" sabay halakhak ni Leah.

My forehead furrowed not understanding what she meant by 'nadiligan'. "Anong ibig mong sa--"

"Ay naku! Iba talaga pag mayaman." Mas lalo siyang natawa. "Buti nalang at bumalik ka! Ang hirap noong wala ka. Wala ako masyado makausap."

"Sorry talaga. Hayaan mo babawi ako sayo. Ililibre kita sa sahod!" ani ko sa kanya.

"Oh? Walang bawian yan ah!"

"Oo naman." ngite ko sa kanya. "Ano kamusta naman yung shop? Marami bang customers?"

"Okay naman. Same old. Same old."

At sabay kaming pumasok papunta sa locker. I was gone for almost three weeks pero pakiramdam ko ay halos matagal na panahon akong nawala.

Need ko ata ng course refresher sa paggawa ulit ng kape kasi pakiramdam ko ay nakalimutan ko na lahat ng mga natutunan ko simula nang magtrabaho ako dito.

Maybe I can ask Leah to have it with me because she's more patient kesa doon sa trainer namin.

"Ay! Skyla, may naghahanap pala sa iyo. Ang gwapo grabe!" Nilingon ko si Leah na nasa pinto ng locker room at ako naman ay inaayos ang mga gamit ko.

Napakunot ang noo ko. Is it Anthony? Nasabi ko kay Uncle Bern one-time na nagtra-trabaho na ako at nang mga panahon na iyon ay alam kong nasa loob pa ng katawan ko ang microchip tracker. Marahil sinabihan ni Uncle si Anthony na magpunta dito.

Hindi na ako magtataka pa kung si Anthont nga ang tinutukoy ni Leah. "Alam mo bang lagi siyang nandito at naghihintay sayo?"

Yeah, sounds like Anthony Sergio.

What is he doing here, then? Is he here to drag me back to Uncle Bern's mansion? Or is here to apologize nang gabing nag-dinner kami kasama si Uncle Bern at Alexavia.

"Nandiyan pa ba yung naghahanap sa akin?" I asked. 

Please, say no. Please.

"Oo, nandiyan siya! Kanina pang umaga. Grabe, ang tatag niya nga eh." ani ni Leah na mangha na mangha.

Gustuhin ko mang iwasan si Anthony ay alam kung hindi pwede. Alam ko sa sarili ko na hindi ko siya pwedeng iwasan habang buhay. Isa siya sa mga suliranin na kailangan kong harapin.

Perhaps, this is an opportunity for us to talk. Maybe I can convince him not to agree with the marriage baka kasi tinatakot lang siya ni Uncle Bern at dahil malaki ang utang na loob niya rito ay kaya siya pumayag.

Anthony will surely understand me. I'm sure of it. Kailangan ko lang siya makausap ng masinsinan.

Naglakad ako palabas ng locker room habang nakasunod si Leah sa akin. "Anong table niya?" tanong ko pero nanginginig ang buong katawan ko.

Hindi ko alam kung dahil ba ito sa takot o kaba.

"Table two, Skyla." She says, at nang makarating kami sa dining area ay agad kong ginala ang mata ko roon. 

I saw a guy sitting habang nakatingin siya sa labas. Hindi ko masyadong maaninag ang mukha nito.

His back is against us, but it looks familiar. Alam kong matipuno ang katawan ni Anthony pero there's something different about this one.

Humakbang ako palapit sa kanya pero natigil din ako ng marinig ang mga sumunod na salita ni Leah.

"Sino ba ang lalakeng iyan, Skyla? Alam kong hindi siya ang mapapangasawa mo kasi hindi iyon ang nakita kong lalake sa newspaper."

As if time slowed down, he turned his head to face us. He looks surprised to see me, but then his lips stretch into a smile, but it didn't reach his dark eyes.

His eyes were lit of sadness, relief, and happiness at the same time. I watched him as he stood and walked towards me, unsure of his steps.

Gusto kong tumakbo pero hindi ko magawa. He got me locked with his piercing eyes, and I feel out of breath kahit hindi naman ako tumakbo.

He's wearing an all-black suit na bagay na bagay sa kanya. He licks his lower lip before smiling shyly at me, and all the butterflies went on a rampage inside my stomach.

He's so handsome, it's unfair. I miss him. I miss him so much.

"Ivo," I breathe. Still can't believe he is here. Akala ko si Anthony ang tinutukoy ni Leah na naghihintay sa akin pero siya pala.

He reaches for my hand and squeezes it. Oh, how I missed his touch. I missed the way he says my name too. 

"Skyla, baby. Let's talk, please."   

 =================

   C O N T A C T 

   hanaemiwp 

     facebook  ∘  twitter  ∘  instagram 

  @liefdesverdriet 

 wattpad 

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • My Lover is the Son of a Mafia Leader (Filipino)   Chapter 45

    I can feel Ivo's eyes on me while I am at the counter. Hindi ko maiwasan mailang sa mga titig niya sa akin ngayon.Hindi kami nakapag-usap kanina dahil nasa shift ako ngayon. I told him that I'd talk to him after my shift, and he insisted on waiting.

  • My Lover is the Son of a Mafia Leader (Filipino)   Chapter 44

    .44Hindi pa rin ako makapaniwalang nandito si Noah ngayon, well, he did say na kukunin niya ako pagkatapos ng klase ko pero akala ko rin ay nagbibiro lamang siya.

  • My Lover is the Son of a Mafia Leader (Filipino)   Chapter 43

    "Here," Noah hands me a small container without looking at me. It smells amazing. I arched my eyebrow at him, questioning, kahit alam ko na kung anong laman nito. "What? You asked me to pack it for lunch."I grinned, "Yeah, thank you. Wala naman siguro itong lason o kaya gayuma?" Pagbibiro ko sa kanya. Nilagay ko sa bag ang lunch box na binigay niya.

  • My Lover is the Son of a Mafia Leader (Filipino)   Chapter 42

    There's an uncomfortable silence inside the car. Kanina ko pa napapansin ang mga nakaw na tingin sa akin ni Rylee. I know she wanted to ask me if I'm okay, but I honestly do not know what to tell her.What the hell is my Uncle thinking?I have almost forgotten about the whole engag

  • My Lover is the Son of a Mafia Leader (Filipino)   Chapter 41

    Sa sobrang busog ko ay mas gusto ko nalang matulog buong hapon to skip my self-defense lessons with Noah, but I doubt it will happen.Eli and Rylee's cooking is superb. Halos hindi na ako umalis sa lamesa kanina."Ano pang hinihig-higa mo dyan?" Napatingin ako kay Noah na nakatayo sa dulo.

  • My Lover is the Son of a Mafia Leader (Filipino)   Chapter 40

    "What the hell, Noah?!" I exclaimed at him. He continued to grin at me, "You could have hit me?!" dagdag ko pa. Plano ata ako patayin ng lalakeng 'to eh."But I didn't, did I? You managed to avoid it," he says, Noah walks towards me.

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status