Mag-log inChapter Three:UNANG ARAW ni Tori sa trabaho bilang personal assistant ni Jude. Kasalukuyan siyang nasa kusina at naglilinis ng mga uling sa 5 kaldero. Natapos na niyang linisin ang 3 at meron pang dalawa. Nagkamali siya ng isipin na magiging maayos ang pagstay niya sa bahay ng idolo dahil hindi lahat ng tao sa loob ng bahay na 'yon ay pinaramdam na welcome siya dahil harap-harapan na ipinapadarama sa kaniya ni Adrian na kabaligtaran n'un ang nararamdaman nito sa pag-stay niya. Nagtataka na nga siya dahil ang pagiging PA ni Jude ang inapply-an niya at hindi ang pagiging house servant.Halos kaliwa't kanan ang utos nito kay Tori. Hindi naman siya makapagreklamo dahil unang-una ay unang araw niya pa lang at pangalawa hindi niya kayang suwayin ito dahil natatakot siya sa katarayan nito. Kanina pa siya paikot-ikot sa loob ng bahay. Kada minutong lumilipas ay siya ang tin
Chapter 2"GATHER EVERYONE!" masiglang sigaw ng baklang kasama ni Tori. Hanggang ngayon ay hindi pa rin niya alam ang pangalan nito dahil hindi naman siya nito kinausap at gaya ng gusto nito ay sinundan niya ito hanggang sa makapasok sa isang silid malapit sa conference room na pinagmeeting-an nila ng boss niya. It was an empty room fillled with glass walls at may makintab na sahig.Napansin niya ang apat na tao na naroon sa loob. Isang babae at tatlong lalaki na busy sa mga kaniya-kaniyang ginagawa."Magkakaroon tayo ng panibagong kasamahan…” pag-aanunsiyo ng kasama kapagkuwan ay turo sa kaniya. Binitawan niya ang dalang mabigat na maleta saka binigyan ng ngiti ang magiging bago niyang mga kasamahan."Hello ako nga pala si Victoria Nervaez but you can call me Tori,” pa
Chapter 1"A MAN WITH A BROKEN PROMISE. A Solo Artist from DREAMEDIA AGENCY had call off his wedding to his fiancée with the fact that he was caught cheating with an actress from the other network…”Napabuntong hininga si Victoria nang makita ang litrato ng lalaking matagal na niyang hinahanggaan sa dyaryong hawak.Jude Sandejo.Nasa front page na naman kasi ito ng isang dyaryo at unfortunately ay dahil na naman sa isang masamang balita. Kung iisipin ay hindi naman iyon bago sa mundo ng showbiz. Kapag sikat ka gagawan ka ng bagay na ikakasira mo either para pasikatin ka pa o pabagsakin ngunit hindi niya mapigilan ang mainis dahil lagi na lang nasa peryodiko ang kaniyang idolo at kung ano-anong paninira ang ibinabato ng mga