Share

Chapter 6

Author: WhiteMurderer
last update Petsa ng paglalathala: 2020-11-12 16:05:02

Tahimik kong sinusubo ang pagkain na inilagay ni Ethan sa aking plato. Nahuli ako ng dating dahil nakatulog ako sa pagod dulot ng paglalaro namin ni Eliana kanina sa World of Fun.

Ni hindi ako nagising kanina sa pagyugyog ni Sheryl dala ng malalim kong tulog  Akala naman nila'y hindi ako pupunta kaya umalis nalang sila at hinayaan akong makapagpahinga.

"I thought you're not coming ate Lavender. Atsaka, you're in deep sleep. Baka pagalitan mo lang kami kung gigisingin ka namin."

Iyan ang sinabi niya sa akin kanina pagkarating ko. Hindi ko naman magawang magalit o mainis man lang dahil pagod talaga ako.

"Lavender!"

Napakurap naman ako sa sigaw ni Ethan sa akin. Mukhang kanina pa niya ako tinatawag.

"I'm sorry Ethan. I spaced out." I apologetically said.

"Say that to mom. Kanina pa niya kinukuha ang atensyon mo" he said to me calmly.

Bumaling naman ako ng tingin kay Tita Ellie.

"I'm sorry tita. I just remembered something." then I smiled to her.

"It's okay ija. Besides, you look tired and stressed. May pumagod ba sa iyo?" curiosity is visible on her face.

Narinig ko naman ang pag-ubo ni Eliana. Mukhang nabilaukan siya sa mga kinain niya. Agad naman siyang binigyan ng tubig ni Tito Edgar na agad din naman niyang ininom.

"Looks like may suspect na tayo ah?" sabi ni Chris sabay tingin kay Elians na agad naman nag-iwas ng tingin.

"Pinagod ka ba ni Eliana kanina Ven?" sulpot naman ni Ji na kanina pa tahimik.

Magsasalita na sana si Eliana para siguro depensahan ang kanyang sarili ng naunang magsalita si Yang.

"Huwag kang defensive Eliana. Ikaw lang naman ang kasama ni Ven simula kanina diba?" he asked Eliana with pride na parang alam niya talaga na magkasama kaming dalawa.

"And besides, nadulas ka kanina at aksidente mong nasabi na pumunta kayo ni Lavender kanina sa World of Fun." nakangisi namang sabi ni Garven.

Kaya naman pala. I don't have the intension of telling them that we're together but looks like Eliana's preparing for her own grave.

"What's with you guys? Is this an interrogation?" nakasimangot na tanong ni Eliana sa apat na titig na titig sa kanya.

Andréw Louisse Tan, Ethan Guaz, Ji and Yang Lim, Chris Sang and Garven Nivera. Silang anim ay magkakaibigan simula bata pa lang. And yes, sila rin ay naging kaibigan ko nung unang dating ko dito sa Pilipinas. They treat me as their sister at ako lang ang babae sa grupo. Pero minsan ay nakakasama naman namin si Eliana, Sheryl at Gab na nakabantay palagi sa kambal niya. Hindi nga kami nilalapitan ng ibang babae dahil halos silang lahat ay ipinakilala ako bilang girlfriend nila. Ako naman itong supportive at caring na kaibigan, umuoo na lang sa mga request nila. 

Hindi ko nga alam na nandito pala sila ngayon.  Circle of friends huh? Well atleast mas okay na ito para naman ma divert palagi ang atensyon ko dahil marami kami at marami akong makakausap. Napatingin naman ako sa anim na pinagtatawanan pa rin si Eliana. Si Sheryl naman, nagpaka-hero sa bestfriend niya at pinapagalitan na ang anim habang si Gab ay patuloy pa rin sa pagkain at walang pakialam sa nangyayari. Hindi pa rin sila nagbabago.

Ethan. The carefree and loving type of guy. Seryoso at medyo nerdy dahil minsa'y nagsusuot ng salamin lalo na sa trabaho. Siya yung tipong kapag seryoso ang usapan, tatahimik lang siya kung hindi naman kailangan ang opinyon niya sa usapin.

Ji. Nakababatang kapatid ni Yang pero isang taon lang ang agwat nilang dalawa. The flirt but serious type of guy. Siya ang nangunguna sa bilang ng mga babaeng nakakasama niya sa isang araw. Pero wala pa rin siyang sineseryoso dahil pinandigan pa rin niya ang pagiging isa sa mga so-called-boyfriends ko.

Yang. Ang clown pero crush ng bayan na tao. Siya ang palaging nagbibigay ng jokes sa grupo na hindi naman nakakatawa. Pero wag yan! Marami ang nagkakagusto sa kanya dahil sa mga jokes na sinasabi niya sa mga babae. Kung flirt ang kapatid niya, siya naman ang matatawag na slut. Siya rin yung napakalakas kumain sa anim. Para namang tumataba. Saan kaya niya nilalagay yung mga kinain niya? Ang galing ng bituka mag space management ah.

Chris. Ang talented sa grupo. Magaling kumanta, sumayaw at magaling rin sa mga instruments. Graduate kasi siya sa isang Music School sa New York at doon na rin ang business niya about music something. Siya yung taong matatakbuhan mo sa panahon ng kalungkutan at kailangan mong mapag-isa. Kakahantahan ka lang niya, solve na! Sa kanya rin ako tumakbo nung mga panahong gusto ko nang sumuko sa buhay. Hay.

Garven. The pa-mysterious na tao. Gusto niyang hulaan muna namin ang mga alam niya bago niya sabihin sa amin. Siya rin iyong best actor sa grupo kaya siya yung palagi naming ginagamit kapag nanghihingi ng pahintulot sa mga magulang bago lumabas o gumala.

And Andrew. Ang taong di ko maintindihan. Hindi ko alam ang tunay niyang anggulo. Yung tipong minsan square siya tapos bigla nalang magiging circle then magiging rectangle. Paiba-iba ang pinapakita niya at doon ako nahihirapang pakisamahan siya. Ayaw niyang wala siyang alam sa isang bagay at wala siyang pakialam kung killjoy man ang turing sa kanya ng grupo. Papanindigan niya kung ano ang alam niyang tama at magpapakababa kung alam niyang mali naman siya. Pero hindi naman siya katulad ng ibang tao na palaging nakasimangot ang mukha na parang seryosong-seryoso. Nakikipagbiruan rin naman siya sa amin at mailap siya sa mga babae kaya wala akong nakikita na umaaligid sa kanya.

"Saan mo na naman ba ginamit ang card ko Eliana?" rinig kong tanong ni Ethan sa kapatid niya.

Napatingin naman ako sa kanila ng tahimik dahil mukhang seryoso na ang pinag-uusapan ni Eliana at Ethan.

"Kuya naman eh. Maliit lang naman yung kinuha ko eh." mahinahon na pagkakasabi ni Eliana.

"Maliit? Eliana you should know how to value even a single cent." may diin na sabi ng kuya niya.

"Ku-" but Ethan cut her off.

"You know what? Let's talk about this later. Ayokong masira ang gabing ito dahil sa atin kaya kumain ka na." he said.

Tumango na lang si Eliana kay Ethan na ngayon ay nakangiti na sa kanya. Ganyan naman silang magkakapatid. May maling ginawa si Eliana na agad namang pinapagalitan ni Ethan. And after that? Wala na. Back to sister and brother relationship na sila. Sweet.

"I am really sorry ate Lavender. I never thought you would get tired that much." Eliana said to me ng palihim para hindi na bumalik ang topic sa kanya.

"It's okay Eliana. You ask for permission and pumayag ako. Walang may kasalanan okay?" then I smiled.

Nakangiting wika ko sa kanya. Hindi na siya nakasagot ng biglang nagsalita si Tito Edgar.

"By the way, Lavender, thank you for accepting my suggestion about Eliana's birthday." Tito Edgar said to me.

"You're welcome tito. Hindi na naman po kayo iba sa akin." and that's true.

"So, you're staying here permanently?" kampante niyang sabi sabay tingin kay Andrew.

Nabigla ako sa tanong ni tito. I am not expecting this to come. Hindi ko naman kasi naisip na mag-stay dito.

Napatingin naman ako sa mga taong nasa hapagkainan. Lahat sila ay nakatitig sa akin na parang naghihintay sa isasagot ko. Well, except Gab and Sheryl na alam talaga ang sagot sa tanong ni tito. And Andrew, na patuloy pa rin sa pagkain na parang walang pakialam sa isasagot ko.

Nagbuntong hininga ako bago nagsalita.

"No tito. I'll be here until Eliana's birthday and after that, I'll leave." I said without looking at Andréw.

Nanlumo naman sila sa sinabi ko. Pero iyon ang totoo! Aalis ako dahil may tao pang nangangailangan sa akin.

"Bakit hindi mo kayang magtagal sa Pilipinas Lavender?" tanong naman ni tita Ellie sa akin.

"I have something more important priorities in Europe tita so kailangan kong magpabalik-balik o kung pwede nga lang ay mag stay na talaga doon."

Tumango na lang si tita Ellie sa naisagot ko. Wala naman akong mapagpipilian dahil nandoon ang pamilya ko, si Van.

"But you will still visit us here Ven, right?" tanong naman ni Ji.

"Of course. I loved to." tapos ngumiti ako sa kanya.

"Next week will be Eliana's birthday and after nun ay aalis ka na. Why don't we have a sleep over here?" suhestyon naman ni Chris.

"No, I'm not in." sagot ni Eliana.

"Me too." sunod naman na sagot ni Sheryl.

"Also me." walang buhay na sabi ni Gab. Mukhang alam ko na kung bakit wala ang tatlong ito.

"And why is that Sheryl?" striktong tanong ko kay Sheryl na ngayon ay nakayuko na sa mesa habang si Gab ay nakatingin lang sa akin.

"Eliana and I already planned about having our sleep over at the mansion. Nasabihan ko na rin si Yaya Maring kaya nahanda na niya lahat. And Gab will be with us dahil isasama ko siya at hindi rin naman siya tatanggi."

Napabaling naman ang tingin ko kay Eliana na nakatingin lamang sa kanyang plato na wala ng laman na pagkain.

"Eliana?"

"Look ate Lavender. I thought na you will be with the boys kasi namimiss ka na nila kaya hindi ka na namin isinali sa sarili naming sleep over."

Napaisip naman ako sa sinabi Eliana. Mabuti na rin ng makapagpaalam ako ng maayos sa anim na ito. Wala namang malisya kung kasama nila ako dahil kahit noon pa man ay ganun na kami. And my goodness! Hindi na kami teenagers para mag inarte. We're in mid 30's so bakit pa namin iisipin ang sasabihin ng ibang tao. Honestly speaking, matanda na kami.

Nagbuntong hininga ako bago ulit nagsalita kina Sheryl at Eliana na nagpa aliwalas sa mga mukha nila.

"Fine, you will be staying there but make sure that before you leave, everything is completely arranged and back to normal. Huwag niyong mautus-utusan si Ma Donna doon dahil kayo talaga ang papalinisin ko sa mansion sa isang taon."

Natawa naman ang lahat sa pagbabantang sinabi ko sa tatlo.

"Aye aye captain." sagot naman ng dalawa sa akin.

'"Take good care of them Gab. Huwag mo silang pababayaan." I warned him.

"You know that I will ate. Don't worry." he assured that to me.

Pagkatapos nun ay ipinagpatuloy na lang namin ang naudlot na pagkain dahil sa mga napag-usapan.

Agad ding umalis sina Eliana kasama si Sheryl at Gab matapos ang salo-salo namin.

Nandito kami ngayon sa salas at nanonood ng NBA play-offs. Wala na si Gab, Sheryl at Eliana kaya walang maingay na gustong ilipat ang channel ng tv.

Kasalukuyan akong naka indian sit sa carpeted floor habang kumakain ng popcorn. Kahit hindi naman ako natutuwa sa pinapanood ay hindi ko nalang pinahalata dahil mukhang enjoy na enjoy ang anim.

"Guys! May joke ako, dali makinig kayo!" sigaw na naman ni Yang.

"Ano ba Yang! Kanina ka pa nagjo-joke at hindi pa kami natutuwa. Siguro kung nakakamatay lang ang joke, matagal ka ng namatay!" saway ni Garven sa kanya.

"Ang killjoy mo Garven. Inggit ka lang kasi mas gwapo ako sa iyo noh?" pang-aasar niya dito.

"Hoy ikaw'ng pinaghalong lahi walangYang ka! Mas gwapo ang lahi ko kesa sa'yo. Ikaw siguro ang crush ng bayan pero ako ang crush ng buong mundo. Hulaan mo kung saan ko nakuha yung line na yan?" feeling ko iingay na talaga kami ng tuluyan dito.

"Kay Ethan dahil sinabihan niya rin si Yang ng ganyan." sabat naman ni Ji na nakapokus pa rin ang tingin tv.

"Argh! Ba't mo sinabi Ji? Hindi naman kasi yun dapat sabihin eh." at iritado na talaga siya.

"Nagpahula ka tapos kapag nahulaan naman ay magagalit ka. Meron ka ba?" sulpot naman ni Chris na naglalakad galing sa kusina para siguro kumuha ng ice cream.

Lumapit siya sa akin at ibinigay ang isang cup ng ice cream na hawak-hawak niya.

"For you Ven. Huwag mo na lang pansinin yang lima, hindi pa rin kasi nagbabago." natawa naman ako sa sinabi niya.

"So you've changed?" tanong ko.

"Uhh medyo?" naguguluhan niyang sagot sa tanong ko.

"See, sabihin na nating kayong anim ang hindi pa rin nagbabago. Kaibigan mo sila kaya dapat damayan mo sila." sabi ko sabay subo ng ice cream na binigay niya.

"HOY CHRIS SANG! HUWAG KA NGANG MAGMALINIS DIYAN. DINUDUMIHAN MO YUNG UTAK NI VEN EH!"

Natawa naman ang lahat sa sigaw ni Ethan na kanina ay tahimik lang na nagmamasid sa apat. Agad naman akong tumingin kay Yang na natahimik na dahil hindi pinansin ang joke niya.

"Yang!" tawag ko sa kanya.

"Bakit? Sasabihin mo rin bang ayaw mo sa joke ko?" matamlay niyang sagot sa akin.

"Halika dito dali!" sigaw ko.

"Mas masakit yung malapitan kong maririnig."

"Hindi naman kasi kita lalaitin sa jokes mo. I wanna hear it."

Agad naman siyang lumapit sa akin sabay subo niya ng ice cream gamit ang kutsarang ginamit ko.

"Are you really sure na gusto mong marinig ang joke ko Ven?"

"Yes, may problema ba dun?"

"Baka kasi mamatay ka na sa kakatawa."

Hindi yung huling sinabi ni Yang ang napansin ko kundi yung limang tao sa likod na nakanganga sa pag-uusap namin ni Yang. Ano na naman ang problema nila? Binubully ba talaga nila si Yang dahil sa mga jokes nito? Argh! Ang gulo.

"Ano na Ven, makikinig ka ba?"

"Yes, gusto kong malaman yang joke mo."

Agad naman siyang lumapit sa tenga ko at may ibinulong. WHAT?! Seryoso?!

Hindi ako makapaniwala sa ibinulong ni Yang na joke. Or kung joke ba talaga kung maituturing iyon. 

"Oh bakit hindi natawa si Lavender?" pigil tawang tanong ni Ethan kay Yang.

"Malay ko. Siguro dahil may epekto pa rin?"

Agad ko namang binato ang throw pillow kay Yang.

"Asshole!"

"You're welcome Ven." sabi niya sabay flying kiss pa sa akin.

Argh! I really hate it when I am confused and unsolved. What have you done Yang Lim. St*pid asshole!

Patuloy na basahin ang aklat na ito nang libre
I-scan ang code upang i-download ang App

Pinakabagong kabanata

  • My Wife Is A Former Prostitute   Chapter 7

    Hindi pa rin nila tinitigilan si Yang hanggang sa sabihin niya kung ano ang binitawan niyang salita sa akin."Sabihin mo na Yang kung mahal mo pa ang buhay mo! Sige ka! Ipapakuha kita kay dad at

  • My Wife Is A Former Prostitute   Chapter 6

    Tahimik kong sinusubo ang pagkain na inilagay ni Ethan sa aking plato. Nahuli ako ng dating dahil nakatulog ako sa pagod dulot ng paglalaro namin ni Eliana kanina sa World of Fun.Ni hindi ako nagising kanina sa pagyugyog ni Sheryl dala ng malalim kong tulog Akala naman nila'y hindi ako pupunta kaya umalis nalang sila at hinayaan akong makapagpahinga.

  • My Wife Is A Former Prostitute   Chapter 5

    Nang matapos kaming magsukat ni Eliana, napagpasyahan niyang bilhin pa rin lahat ng mga pinili niya. Tumutol ako sa simula pero sa huli ay talo ako sa kanya. Hindi naman siya nag-alala dahil nakuha niya daw ang card ni Ethan at yun ang ginamit niyang pambayad kanina. Magkapatid nga sila.Lumabas na kami ni Eliana sa boutique dala-dala ang napakaraming paper bags na naglalaman ng aming mga kasuotan.

  • My Wife Is A Former Prostitute   Chapter 4

    Matapos ang insidente sa meeting ay dumeretso ako pabalik sa hotel. Hindi na ako nag-abala pang tanungin si Sheryl tungkol sa naging takbo ng meeting niya sa isang investor. At hindi na rin ako nakakain pag-uwi kagabi. Pagod, sakit, pagkadismaya at halo-halong emosyon ang aking naramdaman ngayon.Kahapon pa nangyari ang lahat pero sariwa pa rin sa akin ang natamo kong sugat dahil sa pangyayari. Sugat na akala ko'y naghilom na sa mahabang panahong pagpapahinga ngunit nang makita ko siya kahapon, naramdaman ko ang pagbukas ng tahi s

  • My Wife Is A Former Prostitute   Chapter 3

    Ilang beses na akong napabuntong-hininga habang nag da-drive sa sasakyan patungo sa cafe. Hindi ko alam kung bakit ako na space-out ngayon. Kung dahil ba ito sa pagkikita namin ni Ethan or dahil lang sa stress.Hindi ko namalayan na narating ko na pala ang cafe na sinasabi ni Gab. Cosca la pa Cita Cafe.

  • My Wife Is A Former Prostitute   Chapter 2

    Nagising ako sa sinag ng araw na tumatama sa aking balat na nanggagaling sa bintana. Tumingin naman ako sa bedside table at alas diyes na pala ng umaga.Maybe I should have my brunch na sa oras na ito. Tumayo ako at isinara na ang kurtinang malayang sumasayaw dahil sa musika ng hangin. Lumapit naman ako sa communication system at agad na pinindot ang kwarto ni Sheryl.

Higit pang Kabanata
Galugarin at basahin ang magagandang nobela
Libreng basahin ang magagandang nobela sa GoodNovel app. I-download ang mga librong gusto mo at basahin kahit saan at anumang oras.
Libreng basahin ang mga aklat sa app
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status