Mag-log inChapter 2 Forbidden AbilityNagawa kong makasabay sa mga training ng kapwa ko apprentice under the supervision of Master Kyunara, he was an eccentric from the country of Japan. Isa siya sa mga nagtayo ng institusyon at sosyedad na ito na kung saan ay malaking tulong sa amin.Ang fortress ay mayroong malawak na espasyo na kung saan binubuo ng iba't ibang manufactures. Gaya ng institusyon, kung saan kami nag-eensayo ngayon. Ang institusyon ay hindi gaya ng mga nasa normal na paaralan na mayroong iba't ibang baitan. Ang pinagkaiba ng institusyon dito ay pinagsama-sama ang lahat sa isang malawak na parang upang doo'y sabay-sabay na hasain.Nakahanay kaming lahat at pare-pareho ng kasuotan. According to the history, noong hindi pa masagana at kulang pa sa capability na gumawa ng mga fabric apparels ay mga telang balabal ang gamit noon ng mga sinaunang nandito. Hanggang sa umunlad ng umunlad at
Chapter 1Runaway"Umuwi ka na namang lasing, Armando! Por Diyos, por santo! Wala ka bang ibang alam na gawin bukod sa paglaklak ng pesteng alak na 'yan! Ha! Kung sana'y naghanap ka na lang ng trabaho upang magkaroon ka naman ng silbi sa pamamahay na ito!"Alas otso y medya na ng gabi, kauuwi na naman siguro ni papa. Nagtakip ako ng tainga ko dahil sa labis na kalungkutan. Hindi ko malaman kung bakit nagkaganito na siya, hindi naman siya ganoon dati. Ipinatong ko ang aking ulo sa dalawa kong tuhod at niyakap ko ang mga ito.Mabuti siyang ama at hindi kailanman nagkulang sa amin nina mama at nang bunso kong kapatid, subalit simula noong lumipat kami rito sa syudad ay unti-unti na siyang nilalamon ng kasakiman. Sarili na lamang niya ang iniisip niya, natanggal siya sa trabaho na hindi ko alam kung ano ang dahilan.Hindi na niya kami sinusustentuhan lalo
Òütvyîng MåyhèmBy: knowahSa luma at bagong tipan, naitala na noon pa man na ang witchcraft at wizardry ay gawaing daemonic o satanic. Ito ang nagpapalakas sa puwersa ng kadiliman at sa dakilang manghihimagsik na nakaupo sa trono ng kailaliman na si Murk. Ang walang habas, mabagsik, at mapanlinlang na taga-supil sa dakong kailaliman.Ang puwersang nagpapalakas kay Murk ay ang kabaliktarang naidudulot kay Lucid, ang dakilang tagapagligtas.Sa kabutihang palad, nasa lumang kasulatan ay naitala ang mga tagapagtanggol ng pananampalataya. The defender of the faith. Mga apostoles na hinirang ng dakilang tagapagligtas sa mundong ibabaw upang mamahayag, magturo at magtanggol ng mga inuusig at nalilinlang sa kapangyarihan ng dakilang manghihimagsik at ng kanyang mga habas na tagasunod.Naitala sa bagong tipan ang pagkatalo ng dakilang tagapagligtas ganoon din ang mga apostoles