LOGIN
-kolineeexzNagising ako sa isang mapayapang tulog, ibinukas ko ang aking mga mata at napangiti ng makita ang malawak na bukirin sa harapan ko, ang kulay berde at matingkad na kulay ng mga puno ng halaman, ang napakagandang kulay asul na langit, ang huni ng mga ibon, ang nagtataasang mga bundok at ang simoy ng hangin na para bang sinasabi na mapayapa at maayos ang lugar, pati narin ang pamumuhay ng mga tao."Magandang umaga mahal na binibini, ang inyong umagahan ay nakahain na sa ibaba" bumukas ang pintuan at iniluwal nito ang isang lalaki."Magandang umaga din, sige susunod na po ako" ngumiti ako.Ako si Felicia Fuentes, ang nagiisang anak at tagapagmana ng Hacienda Fuentes. Sa bayang ito ang aking mga magulang ang may pinakamalaking yaman at m