Share

Chapter 1

Author: shlyie
last update Petsa ng paglalathala: 2020-09-23 20:55:48

Transferee.

Ano ang pinaka-mahirap 'pag bago'ng lipat ng University? Syempre, ang pakikisama! Kailangan mo'ng sumunod sa batas nila kahit labag sa batas mo bilang tao. Kailangan mo'ng sumang-ayon lagi.

Pero, kay Zhailucille Rylatch or Zhairyl for short? Wala siyang pakealam! Hindi por que bagong lipat ay kailangan lagi'ng siya ang maga-adjust.

'Ayun ang paniniwala niya.'

Samahan natin si Zhairyl sa last year niya bilang high school students. It will taste like hell? Or heaven?

Let's See...

Zhairyl's POV

Aaaaacccckkkkk!! Kinakabahan ako at the same time masaya dahil simula sa araw na 'to, dito na 'ko papasok sa bagong University!

Golden Heart International School known as GHIS

Hindi lang ako mapakali dahil sa kingina'ng uniform na 'to na parang nagti-tipid ng tela ang gumawa. Ang uniform ng girls ay White long-sleeve na blouse, light blue checkered na necktie, dark blue na coat, navy blue na palda-na three to four inches above the knee-, at hanggang tuhod na black socks. Sino ba'ng nagpagawa nito nang makatikim ng kutos!

Pagpasok ko palang kanina ay halatang pinagbu-bulungan na 'ko ng mga students. Mapa-lalaki o babae, pero 'yung iba walang pake!

Kakagaling ko lang sa Registrar Office para makuha ang Registration Paper ko. Ayon sa registration paper ko, Section F daw ako.

Section F ang last section sa fourth year, nandito daw ang mga pasaway na students, mga takaw-gulo at kung ano-ano pa. Kaya siguro ako nasa Section na 'to hehe.

Kung 'di niyo tatanungin, pasaway akong istudyante! Yes po, Opo! Tama kayo ng nabasa, pasaway ako'ng istudyante.

'E ano naman kung babae ako, aber? Bawal ba kaming matuto ng self defense ha? Kaya ako nilipat ng school ng mga Kuyas ko ay para hindi na daw ako makasakit. 'Yung huling school ko kase, muntik na 'kong makapatay ng Tao! Creepy 'daba? Syempre, joki joki lang 'yon. Pasaway lang talaga 'ko.

Malapit na pala 'ko sa room ko, hindi ko napansin nagmo-monologue kase si ako.

Palaisipan ang room namin dahil para ba'ng sinadya ang room namin sa kabilang building. Para ba'ng nilalayo kami sa ibang istudyante, pero syempre, wala na 'kong pake!

Naks, rhyming!

Pagtapat ko sa room namin ay nagkakagulo ang mga istudyante, nice rambol! May mga basura sa paligid ng labas at loob ng room.

Hindi ba uso sa kanila ang word na 'LINIS'?

Kumatok ako para agawin ang atensyon nila na nagawa ko naman. Tumigil ang iba sa pagkakagulo pero ang iba ay sa ibang mundo 'ata ang mga utak.

May lumapit na matangkad na lalaki sa'kin at ngumiti sa'kin. Pansin ko'ng kutis-mayaman 'eto at may ipagmamalaki naman pagdating sa itsura.

"Ikaw ba 'yung transferee?" He asked.

"Hindi ba halata?" Sagot ko sa utak ko pero ayoko naman'g bastos kase ang ganda-ganda ng approach ni Koya.

Tumango ako at ngumiti, "Uh-huh," ang tanging lumabas sa bibig ko. "Dito ba 'yung Section F?" Lakas-loob na tanong ko.

"Nope." Sagot ng biglang sulpot na lalaki sa likod niya.

Katulad sa nauna'ng lalaki, matangkad din 'to, kutis-mayaman at hindi papahuli sa itsura.

"Magsitigil nga kayo!!!" Sigaw niya sa mga nagkaka-gulo sa likod niya dahilan upang tumahimik ang lahat.

May powers!

Magsasalita na sana 'ko nang marinig ko ang peke'ng pag-ubo sa likod. Pagtalikod ko ay nakita ko ang lecturer siguro ng Section F.

Sineniyasan niya 'kong pumasok na, kaya sinunod naman namin. Umupo na ang lahat pero may kaniya-kaniya pa rin'g mundo. Pinaharap ako ni Sir sa lahat.

"Class, quiet!" Pag-agaw ni Sir sa atensyon ng lahat. "May transferee uli tayo ngayon'g taon." Humarap siya sa'kin. "I'm Sir, Bryan Santiago. Adviser ng Section F." Pagpapakilala niya. "Introduce yourself,"

Ngumiti ako at kumaway, "Hi, everyone! I'm Zhailucille Rylatch, you can call me Zhairyl for short! Or Zyl for shorter! I'm from Royal Orlaith International School."

[How to pronounce her name: Zaylusil Rilatch / Zayril / Zil]

Wala man'lang silang naging reaction, bored lang silang tumingin sa'kin. 'Yung iba, may pa-head-to-toe-look pa sabay ngingisi.

"Chicks pre,"

"Maputi ang legs,"

"Matangkad,"

"At sexy."

Pagbu-bulungan nila na halata'ng pinaparinig naman.

"Class President, may tanong ka ba?" Tanong ni Ser Bryan pero walang sumagot.

Absent siguro.

Bigla'ng tumayo 'yung lalaki'ng nag-'Nope.' kanina. Napangiwi nalang ako, Class President 'yan? Kaya pala hindi umuunlad ang Pilipinas.

Naka-ngisi lang siya sa'kin, "Last sex mo?" He asked. Nagtawanan naman ang mga ungas.

"Rheiven!!" Galit na sigaw ni Sir.

"A decent question, please." Singit ko.

Napa-ooohhhh ang lahat.

Ano'ng nakaka-ooohhhh do'n?

"I'm asking you a decent question." sagot naman niya.

"Oh, really?" I tsked. Nakapa-meywang ako. "Kung desente na para sa'yo 'yun, ano pa kaya 'yung hindi?" Mataray kong tanong.

"Okay. A real decent question." Nag-cross siya ng braso. "Kailan mo balak lumipat?" Seryoso niyang tanong.

"Bakit naman ako lilipat?" Balik na tanong ko.

"Dahil hindi ka namin gusto, dito."

"Don't worry, the feeling is mutual." Sagot ko naman.

"Okay.. okay.. Ms. Zhairyl, you can seat now." Si sir.

Umupo nalang siya sa upuan niya at naghanap na rin ako ng mauupuan. Inirapan ko muna siya bago ako umupo.

Mga more or less twenty students lang siguro kami. Ang nakakapagtaka, tatlo lang kami'ng babae and the rest lalaki na.

'Anmeron?'

Sa banda'ng unahan ako umupo, medyo mala-lapit sa mga babae kong classmate. Para'ng hindi naman magkakakilala 'yung dalawang babae, parehong mga walang-kibo. Ang mga boys naman ay nasa likod lahat.

Nakakatakot sila'ng tingnan, 'yung tipong isang tingin mo lang, alam mo nang mga takaw-gulo at basag-ulo pero sabi nga daw nila, 'Don't jugde a book by its cover.'. Muka rin naman silang mayayaman, kase 'yung iba mapuputi tapos matatangkad pa.

~*~

●•°~《Thanks for reading!》~°•●

Don't forget to...

➡ Vote!

➡ Comment!

and

➡ Share!

- @shlyie

-*-

Don't expect too much, please. You'll be disaapointed!

Patuloy na basahin ang aklat na ito nang libre
I-scan ang code upang i-download ang App

Pinakabagong kabanata

  • ROSE AMONG THE THORNS   Chapter 1

    Transferee.Ano ang pinaka-mahirap 'pag bago'ng lipat ng University? Syempre, ang pakikisama! Kailangan mo'ng sumunod sa batas nila kahit labag sa batas mo bilang tao. Kailangan mo'ng sumang-ayon lagi.Pero, kay Zhailucille Rylatch or Zhairyl for short? Wala siyang pakealam! Hindi por que bagong lipat ay kailangan lagi'ng siya ang maga-adjust.'Ayun ang paniniwala niya.'Samahan natin si Zhairyl sa last year niya bilang high school students. It will taste like hell? Or heaven?Let's See...Zhairyl's POVAaaaacccckkkkk!! Kinakabahan ako at the same time masaya dahil simula sa araw na 'to, dito na 'ko papasok sa bagong University!Golden Heart International School known as GHISHindi lang

  • ROSE AMONG THE THORNS   ROSE AMONG THE THORNS

    All the characters in this story have no existence whatsoever outside the imagination of the author, and have no relation to anyone having the same name or names. They are not even distantly inspired by an individual known or unknown to the author, and all the incidents are merely invention..This is a WORK OF FICTION. Names, Characters, Places and Events are FICTITIOUS, unless otherwise stated. Any, resemblance to real person, living or dead, or actual event is purely COINCIDENTIALAuthor's Note: GRAMMATICAL ERRORS AHEAD!!

Higit pang Kabanata
Galugarin at basahin ang magagandang nobela
Libreng basahin ang magagandang nobela sa GoodNovel app. I-download ang mga librong gusto mo at basahin kahit saan at anumang oras.
Libreng basahin ang mga aklat sa app
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status