Mag-log in
SECOND CHANCE
AUTHOR: REINSKY
CHAPTER 12
Unti-unti nang nagising si Jewel inaantok pa ito. Hinahanap muna niya tamang linaw ng kanyang paningin. Hanggang sa tuluyan na itong dumilat. Nag inat siya pero agad nakaramdam ng pananakit ng katawan.
"Ouch ang sakit ng aking hita at braso." Kanyang reklamo
Sinubukan ni Jewel gumalaw pero bigla ito nagitla ng may maramdamang hapdi mula sa kanyang gitnag hita.
"Shit i'm wearing nothing!" Kanyang salita
Agad niya hinanap ang kanyang mga damit na isa isang tinanggal ni Donghae kagabi... Bigla siya nahiya sa kanyang sarili ng maalala ang naganap kagabi sa kanila ng binata.
"Saan kaya si Donghae, pagkatapos niya makuha ang bandera ko iiwan nalang ako dito wala pasabi manlang." Inis na salita ni Jewel
Saktong Pasuot na sana ng damit ang dalaga ng bigla bumukas ang pinto at inuluwa ang gwapong binata. Pinasadahan siya ng tingin, nahihiya naman ang dalaga sa ginawang pag titig ng binata sa kanya.
" Dapat pala nagbihis na ako agad kanina. Baka isipin ng mokong na ito nilalandi ko siya. Sana hindi magbago ang lahat dahil na kuha muna sa akin ang lahat." Kanyang na isatinig habang nakatitig sa binata
Humakbang ang binata paalapit sa kanya at may dala itong pagkain
"I made a breakfast para sa ating dalawa, alam kong gutom kana at napagod kagabi." Kumindat ito sa dalaga pagtapos nitong sabihin
Hiyang hiya naman si Jewel sa pinagsasabi ng binata. Parang gusto tuloy ng dalaga matunaw sa harapan ni Donghae
"Ahmm...k-kwan gutom na nga ako, saglit lang magbibihis muna ako sa banyo." Kanyang paalam sa binata
"Sige mainam pa nga na magbihis ka muna. Baka kasi pag nakahubad ka na paharap sakin di ko mapigilan at ikaw makain ko ngayong umaga." Natatawang salita ni Donghae
Agad naman nagtungo sa banyo si Jewel para doon magbihis. Saglit lang si Jewel sa banyo, ayaw niya magtagal sa pagbibihis. Dahil sa kadahilanan na pag nagtagal siya sigurado may kalokohan gagawin si Donghae sa kanya. Nilapitan niya si Donghae na nakaupo sa kama.
"I'm sorry for hurting you last night, is it still hurt? Are you...sore? Tanong binata sa kanya
Napayuko nalang si Jewel kasi hindi niya alam kong pano sagutin ang binata. Kong paano niya sabihin na ang sakit naramdaman niya sa kanyang katawan ngayon.
"Me-medydo mahapdi lang...Tara na kain na tayo nagugutom na ako." Pag iwas na sa ibang katanungan ng binata
"Okay" un lang ang sinagot ng binata din sa kanya. Tahimik silang dalawa kumakain ng umagang iyon.
Pagkatapos kumain ni Donghae, nagpaalam ito kay Jewel na don muna siya sa baba at babalik din agad. Pumayag naman si Jewel at pinagpatuloy nalang niya ang pagkain. Tagal bumalik ni Donghae kaya naisipan ni Jewel na bumaba narin total tapos nadin siya kumain. Nakita ni Jewel si Donghae na nakatayo ito sa glass window at may kausap sa telepono nito.
Sige pupuntahan kita diyan, miss you to din. Ito ang naabutan ni Jewel na sinabi ni Donghae sa kausap sa telepono bago nito binaba. Nasaktan si Jewel sa narinig niya na may na miss ang binata. Hindi nalang niya ito inintindi, Pumunta nalang siya sa kusina para hugasan ang pinagkainan nila ng binata.
"Tapos kana pala kumain, pasensiya kong hindi ako nakabalik sa kwarto may kausap kasi ako sa telepono." Pahayag ni Donghae
Halata nga ei, saka miss mo na nga kausap mo. Pabulong na salita ni Jewel buti medyo malayo si Donvhae kaya hindi nito narinig ang sinasabi ng dalaga.
"Nagtatampo kaba kong di ako nakabalik sa kwarto? Nabusog kaba sa niluto ko? katanungan ni Donghae sa dalaga
"Bakit naman ako magtatampo sa'yo, saka salamat sa pagkain na niluto mo." Sagot ni Jewel pero ang totoo medyo nasaktan siya sa narinig niya kanina. Baka ang kausap nito ang special friend niya na si Cloe.
"Pasensya kana kong simple lang niluto ko ha." Salita ni Donghae
"Ok lang masarap naman ei...saka pala may tumawag kahapon dito at hinahanap ka." Kanyang salita kay donghae
"Sino naghahanap sa'kin?" Tanong ni Donghae
"Cloe daw ang pangalan niya, siya daw ang special friend mo." Pagdidi'in ni Jewel sa salitang special friend
"Ah... si Cloe oo kaibigan ko siya na matalik. Siya ang kasa kasama ko noong panahon nasa kalungkutan ako. Kaya mahalaga na kaibigan ko siya." Kanyang pahayag kay Jewel
Nasaktan si Jewel sa salitang narinig mula sa binata na mahalagang kaibigan niya si cloe. Paano nalang siya kong ito talaga ang mahal ng binata at siya pampawi lang sa kalungkotan nito habang nandito sa pilipinas.
"Hindi naman siguro ka paglalaruan ni Donghae." pahayag ng utak ni Jewel. "Tatapon kana ni Donghae dahil dumating na ang mahalaga daw sa kanya. Sabat naman ng kabilang utak ni Jewel. Piniling nalang ni Jewel ang kanyang ulo kasi kong ano-ano naisip ng kanyang utak.
"Pwede ko ba siya makilala, baka magkasundo kami. Para makilala ko ang taong mahalaga sa'yo." Aniya
"Sure, magkakasundo kayo dalawa sigurado kasi mabait iyon." masayang salita ni Donghae
"Sige, dalhin mo siya dito para makilala ko." Salita ni Jewel
"Oo pag nagkita kami yayain ko siya pumunta dito para magkakilala na kayong dalawa." Masayag pahayag niya kay Jewel
Nagpaalam si Donghae kay Jewel na aakyat muna ito at maliligo dahil meron daw ito pupuntahan na tao. Tumango lang si Jewel bilang pag sang'ayon sa binata.
---
Cloe Pov
Masayang masaya si cloe sa wakas nasa pilipinas na siya. Matagal din hinantay niya na makapunta rito. Dapat noon pa siya nasa pilipinas kasama si Donghae, pero hindi ito natuloy dahil nagkasakit ang kanyang daddy. Gustuhin man niya noon sumama sa binata hindi maari dahil mahalaga ang kanyang daddy. May taning narin kasi ang buhay nito kaya kaylangan nasa tabi daw siya ng kanyang ama. Kaya mag isa nalang umuwe ang binata sa pilipinas.
"Nakakainis ka talaga, kagabi pa ako tawag ng tawag sa'yo. Ikaw sana ang gusto ko magsundo sa'kin kaso di kanaman makontak. Dahil may kasalanan ka pumunta ka dito sa hotel na tinutuluyan ko." Pagtatampo na salita ni Cloe kay Donghae
"Sorry kong hindi manlang kita nasundo kagabi." hinging pasensya ng kanyang kausap
"Ano ba meron kagabi at di ka makontak ha?" Tanong ni Cloe
"Nagkasiyahan kami ng mga kasamahan ko kaya di ko narinig na may tumatawag sa telepono ko." Paliwanag nito uli
"Balita ko may bago ka ginawa na kanta, para na naman ba yan sa babae na tangi mong minamahal? nagsisilos na ako ha!" Salita ni Cloe
"Alam mo naman pinagdaanan ko sa amerika, kaya laking pasalamat ko dahil nandiyan ka noong panahon lugmok ako sa kalungkutan." Aniya kay Cloe
Nakilala niya si Donghae sa amerika. Magkapitbahay sila, lagi niya nakikita ito sa may bakod ng tita nito na umiiyak na nakatingala sa langit. Kaya ang ginawa niya noon nilapitan niya ito at makipag kaibigan. Hindi siya pinagpapansin ng binata noong una, pero kalaunan pinansin din siya dahil kinulit niya itong kinulit at niyaya mamasyal. Doon na nga nagsimula ang kanilang pagkaibigan ni Donghae. Tuwang tuwa si Donghae sa kakulitan niya noon kaya ang tawag sa kanya ng binata Baby kasi para siyang baby. Ganun din siya sa binata tawag din niya baby. Alam niya kapatid lang ang turing ng binata sa kanya. Pero hindi siya nawawalan ng pag'asa na darating ang panahon mahalin din siya ng binata. Kaya gagawin ni Cloe ang lahat para maisip ng binata siya ang nararapat sa pagmamahal nito.
"Oo na, mas masaya ka kong kalimutan muna siya. May mahigit pa na babae na handa ka mahalin at di ka sasaktan. Kaysa naman umaasa ka sa babae na'yan."
"Nahanap ko na siya, gusto nga kita ipakilala sa kanya. tiyak magkasundo kayong dalawa." Pahayag ng kausap niya
"Ano nakita mo na siya?" Gulat na tanong niya sa binata
"Mahabang kwento, kaya masaya ako ngayon kasi tadhana uki naglapit sa'min." Masayang kwento ng kausap niya
Hindi maari na nakita na niya ang babae na'yon. Mahal kita kaya ayaw ko mapunta ka sa kanya. Ako itong nagpuno ng kalungkutan mo noon tapos ngayon bigla siya susulpot para agawin ka sa'kin. Inis na iniisip ni Cloe
"S-sige walang problema. Antayin kita dito ha?miss you..." kanyang salita sa binata
"Sige pupunta ako diyan, i miss you to." Sagot niya kay cloe
"Ok bye." i hung up the phone
---
Tapos na maligo si Donghae. Si Jewel naman nanunuod ng tv ng makita ito ni Donghae.
"Sweetie i need to go now, tatawagan nalang kita mamaya." Pag paalam sa kanya ng binata
"Okay, mag iingat ka saka siguruduhin mong tatawag ka talaga." Pagtatampo na salita niya kay donghae
"Promise." Nagtaas pa ito ng kamay na tutupad siya sa pangako na tatawagan ang dalaga. Tinungo nilang dalawa ang gahari'an ng sasakyan ni Donghae. Hinatid ni Jewel ang binata sa labas, ang binata naman humalik muna sa dalaga bago ito sumakay sa kanyang kotse. Kuma kaway si Jewel dito habang papaalis ang binata.
ITUTULOY
SECOND CHANCEAUTHOR: REINSKYCHAPTER 12Unti-unti nang nagising si Jewel inaantok pa ito. Hinahanap muna niya tamang linaw ng kanyang paningin. Hanggang sa tuluyan na itong dumilat. Nag inat siya pero agad nakaramdam ng pananakit ng katawan."Ouch ang sakit ng aking hita at braso." Kanyang reklamoSinubukan ni Jewel gumalaw pero bigla ito nagitla ng may maramdamang hapdi mula sa kanyang gitnag hita."Shit i'm wearing nothing!" Kanyang salitaAgad niya hinanap ang kanyang mga damit na isa isang tinanggal ni Donghae kagabi... Bigla siya nahiya sa kanyang sarili ng maalala ang naganap kagabi sa kanila ng binata.