Mag-log in
SECOND CHANCE
AUTHOR: REINSKY
CHAPTER 13
Nagising si Jewel sa tunong ng doorbell, tiningnan niya kong ano oras na.
"Oh my god alas 10 na pala ng umaga. Napasarap ang tulog ko, sino naman kaya itong panay pindot ng doorbell. Naiinis na reklamo ni Jewel.
Bago siya lumabas ng kuwarto tiningnan niya ang binata na mahimbing ang tulog. Naka yakap ito sa kanya habang tulog na tulog. Kaya dahan dahan niya tinanggal ang kamay ng binata na nakapatong sa kanyang tiyan.
Pagbukas niya ng pinto nagulat si Jewel kong sino ang bumisita.
"Pwede ko ba malaman kong sino ka?" Kanyang tanong sa bisita
"Ako si cloe, matalik na kaibigan ni Donghae. Hindi lang matalik na kaibigan meron kami, mas mahigit pa doon." Kanyang mapang uyam na salita sa dalaga. Tiningnan niya mula ulo hanggang baba si Jewel habang nakataas ang kanyang kilay.
"G-ganun ba! pasok ka gisingin ko lang si Donghae na nandito ka." Aniya
"Wag muna siya abalahin sa kanyang pagtulog. Hayaan mo lang matulog siya, tayo nalang dalawa mag kwentuhan para mas makilala kita." Kanyang salita kay Jewel
"S-sige kong yan gusto mo. Kumain kanaba? kung hindi pa dito kana kumain, magluluto lang ako." Kanyang pa anyaya sa bisita
"Talagang tama nga si Donghae na maasikaso ang kanyang katulong. Hindi daw siya nagkamali sa pagkuha sayo." Kanyang pang insulto kay Jewel.
Nabigla si Jewel sa sinabi ni Cloe. Katulong ang sinabi ni Donghae kay Cloe, nasaktan si Jewel sa sinabi ni Donghae na katulong lang siya. Hindi siya nasaktan sa pang'insulto ni Cloe, mas nasaktan siya sa tingin ng binata sa kanya.
"S-sige maiwan na muna kita magluluto na ako." Kanyang paalam kay Cloe. Maluha luhang tumongo si Jewel sa kusina.
"Pwede bang tumulong ako sa pagluluto? para naman pag gising ni Donghae naipagluto ko din siya." Kanyang tanong kay Jewel
"Hindi kumakain ng marami si Donghae pag umaga. Tinapay at kape lang siya. Kaya hindi mo na kaylangan ipagluto siya. Wag kana mag abala kaya ko na ipagluto siya." Palaban na salita ni Jewel kay Cloe
"Alam mo hindi ka mahal ni Donghae ang tingin niya sayo ay hamak na katulong lamang. Hindi mo ba alam ang dinulot mo sa buhay niya." Inis na pahayag ni Cloe kay Jewel
"Hindi mo alam ang nangyari sa'min. Wala kang alam. Nag init ang mukha ni Jewel
"Hindi mo ba alam na ako ang nakasama niya no'ng mga panahon na wala ka. Ako ang nakinig sa lahat ng problema niya. I was his companion for 15 years. Ako palagi ang tinatakbuhan niya tuwing malungkot siya. Kaya huwag mo siya agawan sa'kin dahil kong hindi dahil sa'kin hindi naabot ni Donghae kong sino siya ngayon." Kanyang salita kay Jewel
Nagulat si Jewel sa mga sinabi ni Cloe. Maluha luha pa itong nagsasalita sa kanyang harapan.
"Nakiusap ako sayo Jewel. Paubaya mo na lang siya sa'kin. Mahal na mahal ko siya. Parang awa mo na..." Kanyang pakiusap kay Jewel
"Pasensya kana pero matibay din ang pagmamahal ko kay Donghae. Saka ko siya isuko sayo pag sinabi niya na mas mahal ka niya kaysa sa'kin." Aniya
Naputol ang kanilang pag uusap ng magsalita si Donghae. Nagulat silang dalawa
"K-kanina kapa ba diyan?" Kinakabahan na tanong ni Cloe
"Hindi kararating ko lang, mukhang nagkakasundo na kayo dalawa ah..." Masayang salita ni Donghae
Si Jewel wala lang imik habang nagluluto ito. Naiinis siya sa binata at napaisip din sa sinabi ni Cloe sa kanya
"Oo close na nga kami agad nitong si Jewel. Ang saya pala niya kausap at gusto ko sana dito nalang lagi kumain sa bahay mo." Pagsisinungaling ni Cloe
"Totoo ba iyon sweetie...?" Tanong ni Donghae kay Jewel
'Pa sweetie- sweetie kapa diyan nalalaman. Samantala ang tingin mo nga sa'kin isa lang katulong.' Kanyang pabulong bulong sa sarili
"Hoy sweetie naririnig mo ba ako?" Pagkalabit ni Donghae kay Jewel habang nagluluto ito
"Oo narinig kita! close na close nga kami ni Cloe." Tumingin ito kay Cloe na nakangisi siya.
Si Cloe naman nag seselos sa agtawag ni Donghae kay Jewel na sweetie. Saka pag lalambing nito kay Jewel. 'Hindi pwede ganyan kayo ka sweet na dalawa. Sige lang maglambingan lang kayo. Dahil darating din na ako ang papalit sa pwesto mo sa puso ni Donghae.' Kanyang nasaisip lamang. Matalim siya nakatitig sa dalawa
"Bakit ka parang na galit agad sa'kin, nagtatanong lang naman ako ah..." Gulat na tanong ni Donghae kay Jewel.
Agad naman pumagitna si Cloe. Hinila niya si Donghae para makaupo ito at doon niya pinaupo sa kanyang tabi.
"Umupo kana hayaan na natin si Jewel sa niluluto niya." Paglalambing nito kay Donghae. Nakita naman ni Jewel ang ginawa ni Cloe
"Ang landi ha...parang tuko kong makakapit sa braso ni Donghae." Bulong ulo ni Jewel sa kanyang sarili
Hindi narinig ni Cloe ang sinasabi ni Jewel. Dahil nagki kwentuhan si Cloe at Donghae.
"Buti naisipan mong pumunta dito ngayon sa bahay ko." Masayang tanong ni Donghae kay Cloe
"Diba sinabi mo nga na gusto mo magka kilala kami ng babae na ginawa mong katulong dito sa bahay mo. Aniya kay Donghae
"Cloe..." Inis na salita niya sa dalaga
Padabog naman nilapag ni Jewel ang kanyang niluto. Nagulat naman ang dalawa sa ginawa nito.
"Pwede ba tama na yang pag kwentuhan ninyong dalawa. Nagugutom na ako kaya kumain na tayo." Inis niyang salita sa dalawa
Habang kumakain sila si Donghae panay ang titig niya kay Jewel. Alam ni Donghae na naiinis ito sa sinabi ni Cloe kanina. Mamaya nalang niya kausapin si Jewel pag nakaalis na si Cloe
"Pwede ba dito nalang ako kumain araw-araw. Kasi ang lungkot sa bahay ko dahil mag isa lang ako lagi kumakain." Aniya
"Sige walang problema welcome ka dito sa bahay." Kanyang salita sa dalaga at ngumiti siya dito
"Ang sarap talaga nitong tinapay..." Habang pinuputol ni Jewel ng bread knife ang tinapay nanggigil ito habang pinuputol niya.
Nagtagumpay si Cloe dahil napikon niya si Jewel. 'Malapit ko na mapaghiwalay kayong dalawa. Sige lang mapikon at mainis ka.' Nakagesi pa ito habang nakatitig sa tinapay na pinanggigilan ni Jewel putol putulin
"Sige baby alis na ako, salamat sa almusal Jewel ha. Bukas babalik ako rito uli." Kanyang pag papaalam
"Ha aalis kana agad, saglit lang kayo nag isip ni Jewel." Salita ni Donghae
"Bukas naman babalik ako rito para lalo pa kami magkakilala ni Jewel." Kanyang salita kay Donghae
"Oo maganda nga yan naisip mo na araw-araw ka pumasyal dito sa bahay. Dahil minsan lagi mag isa lang si Jewel dito pag umaalis ako. Kaya maganda talaga na lagi may kausap itong sweetie ko." Sabay kindat niya kay Jewel.
Umirap lang si Jewel kay Donghae. Kala ng binata close na close sila talaga ni Cloe. Hindi niya alam malditang ugali meron ang kaibigan nito.
Nag paalam na si Cloe na aalis, Tumango lang si Jewel rito. Hinatid ni Donghae si Cloe sa labas. Maya maya bumalik na si Donghae. Si Jewel naman bigla niligpit ang pinagkainan niya dahil naiinis siya.
"Oh bakit mo niligpit, tais kanaba kumain?" Pagtataka ng binata
"Oo tapos na ako, at subrang nabusog talaga ako ngayon." Madiin niyang salita sa binata
"Sorry kong ganun magsalita si Cloe. Prangka kasi na babae iyon. Siya kasi kasama ko ng 15 years sa amerika. Kaya ganun nalang ito magsalita sa'yo. Ayaw lang nito na masaktan uli ako." Kanyang hinging pag unawa sa dalaga
"Ok lang, naintindihan ko." Kanyang walang kabuhay buhay na salita sa binata
Napailing nalang si Donghae. Iniisip nito na nagsisilos lang si Jewel kay Cloe. Kaibigan lang ang tingin niya kay Cloe kaya wala dapat ito ipangamba.
ITUTULOY
SECOND CHANCEAUTHOR: REINSKYCHAPTER 13Nagising si Jewel sa tunong ng doorbell, tiningnan niya kong ano oras na."Oh my god alas 10 na pala ng umaga. Napasarap ang tulog ko, sino naman kaya itong panay pindot ng doorbell. Naiinis na reklamo ni Jewel.Bago siya lumabas ng kuwarto tiningnan niya ang binata na mahimbing ang tulog. Naka yakap ito sa kanya habang tulog na tulog. Kaya dahan dahan niya tinanggal ang kamay ng binata na nakapatong sa kanyang tiyan.Pagbukas niya ng pinto nagulat si Jewel kong sino ang bumisita."Pwede ko ba malaman kong sino ka?" Kanyang tanong sa bisita