LOGIN
SECOND CHANCE
AUTHOR: REINSY
CHAPTER 18
Pagkapasok ni Donghae sa banyo sinuntok niya ang pader. Oo inamin niya nasaktan din siya sa mga pinagsasabi niya kay Jewel. Kinainisan lang niya bakit pilit parin nagsisinungaling si Jewel sa kanya na hindi nito tinulak si Cloe. Naguguluhan si Donghae kong sino ba paniwalaan niya.
"Ahh...hindi ko na alam ang gagawin ko." Sinabunutan niya ang kanyang buhok at nilalasap ang lamig na tubig na lumalabas sa shower.
Samantala naman umalis ng bahay si Jewel nang harap harapan sabihin ni Donghae sa kanya na umalis na siya sa bahay nito. Nagtaka ang matanda na makita si Jewel na nagmamadali lumabas ng bahay. Hindi na niya nagawang magtanong dito.
"Bakit kaya nagmamadali umalis iyon. Siguro nag away ang mag asawa." Aniya
Tapos na maligo si Donghae at paglabas niya ng banyo wala na si Jewel doon. Bumuntong hininga nalang siya. 'Gago ka kasi paghindi bumalik si Jewel at tuluyan kana talaga iwanan baka pagsisihan mo.' Pakiramdam niya bulong ito ng hangin, Kaya parang natauhan siya. Nagmadali siya magbihis at lumabas para magtanong sa kanyang yaya.
"Nanay nakita mo ba si Jewel?" Kanyang tanong
"Oo iho nagmamadali siya lumabas na umiiyak. Bakit nag away ba kayo iho." Stismosang tanong ng matanda
"May bagay lang na hindi kami nagkaintindihan." Kanyang salita
"Kong ano man iyan iho ang problema ninyo. Sana pinakinggan ninyo ang isat isa." Payo sa kanya ng yaya niya
"Sige nay hanapin ko muna si Jewel." Paalam niya sa matanda. Agad lumabas ng condo si Donghae. Habang nag mamaneho siya ng sasakyan tawag siya ng tawag kay Jewel pero hindi ito makontak. Sa subrang inis hinampas niya ang manibela ng kanyang sasakyan.
***
Tumakbo palabas si Jewel ng condo ni Donghae. Hindi niya pinansin ang pagtawag sa kanya ng matanda dahil nabingi na siya sa kakaiyak habang papalabas ng condo. Tinawagan niya si Janna para doon muna siya.
"Hello ma'am Jewel." Sagot ni Janna sa tawag ni Jewel
"J-jana pwede ba diyan muna ako sa apartment mo." Pakiusap niya kay Janna habang umiiyak siya.
"Bakit ma'am ano anyare sa'yo? Nag away ba kayo ni Mr. Lee? Tanong niya
"Mamaya ko na ipaliwanag Janna pag nakarating na ako diyan." Aniya
"Ah sige ma'am mag ingat ka sa pag mamaneho ha..." Pag alala ni Janna kay Jewel baka kasi maaksidento ito. 'Haits ano bayan kawawa naman ang amo kong ito dahil din kay Donghae kaya siya nasaktan. Tapos ngayon dahil naman kay Donghae.' Kausap niya sa cellphone niya na pagkatapos nila mag usap ni Jewel.
***
Hindi alam ni Donghae kong saan niya hanapin si Jewel. Hindi ito pupunta sa Company para magpalipas oras at lalo naman sa bahay nito dahil takot malaman ng yaya nito kong saan siya talaga nagpunta. Maya maya tumunog ang kanyang cellphone. Tiningnan niya Cellphone niya na sa pag akala si Jewel ang tumatawag. Pero malaking pagkadismaya niya ng makita si Cloe ang tumatawag. Agad nito sinagot ang tawag.
"Oh bakit ka napatawag may nangyari ba?" Medyo pag alala niya sa dalaga
"P-pwede kaba pumunta uli dito." Medyo hirap na salita ni Cloe sa linya.
"B-bakit anong anyari sayo..." Kinakabahan siya sa pa utal-utal na sinasabi ni Cloe
"Ah...ang sakit ng ulo ko hindi ko na kaya...huhuhu." Bigla na nawala sa linya si Cloe
"Hello Cloe...Hello..." Wala na sumasagot sa kabilang linya. Kaya ang paghahanap ni Donghae kay Jewel hindi na naituloy. Pinatakbo niya ng mabilis ang sasakyan niya. Nakarating siya ng 25 minuto sa condo ni Cloe. Laking pasalamat niya dahil malapit lang siya sa condo ni Cloe ng tumawag ang ito. Pagdating sa Condo ni Cloe nakita ni Donghae na naka bulagta ito sa sahig.
"Cloe...gising." Tina tapik-tapik niya ang dalaga sa pisngi habang ginigising ito. Pero wala talaga reaksyon na magigising ito. Kaya agad niya binuhat ang dalaga at dinala ito sa hospital. Pagdating sa hospital agad nilagyan oxygen ang dalaga. Dinala sa emergency room si Cloe, nasa labas lang ng emergency room si Donghae nag aantay sa dalaga.
***
Nakarating naman si Jewel sa apartment ni Janna. Agad siya sinalubong ni Janna, yumakap naman siya dito at napahagulgul sa balikat ni Janna.
"Shh...tahan na ma'am...Pasok muna tayo baka pagtinginan tayo ng tao dito nakakahiya." Pabirong salita ni Janna
Pinaupo muna ni Janna si Jewel at sinabihan niya ito na ikukuha lang niya siya ng maiinum. Babalik agad siya. Si Jewel naman tuloy-tuloy parin ang agos ng kanyang luha. Maya-Maya bumalik na si Janna may dala itong isang baso na juice.
"Ma'am inumin mo muna itong juice alam ko tuyo na lalamunan mo ka iiyak." Inabot niya ang juice kay Jewel at agad naman ito kinuha ni Jewel dahil uhaw na uhaw na nga siya.
"Ano ba nangyari bakit ka iyak ng iyak." Pagtatanong niya sa kanyang amo
"Pumunta si Cloe sa bahay nakiusap sa'kin na payagan ko si Donghae samahan siya magpagamot sa amerika. At ipaubaya ko na daw si Donghae sa kanya. Syempre hindi ako pumayag dahil ayaw ko mawala sakin si Donghae." Pagpaliwanag niya kay Jann
"Bakit siya magpapagamot may sakit ba ang Cloe na'yon." Tanong niya kay Jewel na may pagtataka
"Oo Janna meron sakit si Cloe. Brain cancer ang sakit niya nasa stage 3 na. Kaylangan daw ito agapan habang di pa napupunta sa stage 4." Aniya
"Kong ganun ginagamit niya ang sakit niya para ibigay mo si papa Donghae. Aba! Ang kapal naman ng mukha ng babae na'yon." Naka pameywang pa si Janna paharap kay Jewel habang sinasabi niya ito.
"Parang ganun na nga. Sakim ba ako sa lagay na'yon Janna kong hindi ko binigay ang gusto niya?" Tanong niya kay Janna
"Alam mo ma'am hindi kasakiman ang tawag doon. Ayaw mo lang mawala ang taong mahal na mahal mo. Sa maiksing salita, iniingatan mo lang ang mahalagang bagay at ayaw mo ito ibigay dahil baka hindi na'to ibabalik sayo." Payo niya kay Jewel at hinawakan niya ang kamay ng kanyang amo para maliwanagan ito.
Napaisip naman si Jewel tama nga si Janna. kaya siya hindi pumayag sa hinihiling ni Cloe sumama si Donghae sa amerika dahil baka tuluyan na mawala si Donghae sa kanya. Pero sa nangyari sa kanila ngayon ng binata parang tuluyan na itong nawala sa kanya.
"Oo nga pala bakit naman kayo nag away ni papa Donghae?" Tanong niya kay Jewel
"Lumuhod si Cloe sakin para magmamakaawa na payagan ko sumama si Donghae sa amerika. Saktong akma ko sana siya itatayo bigla nalang siya nagpatumba. Nagulat ako na nakatayo pala si Donghae sa may pinto, at nakita niya ang mga maling pangyayari sa pagitan namin ni Cloe. Aniya
"Inisip niya siguro na tinulak mo si Cloe. Siguro yon ang dahilan na nagalit siya sayo. Tama ba ako?" Tinaasan niya kilay si Cloe para kumpirmahin kong totoo hinala niya
"Oo tama ka...akala niya tinulak ko si Cloe. Tiningnan niya ako masama at nasaktan ako sa bagay na yoon. Kahit anong pagpapaliwanag ko sa kanya ayaw niya ako paniwalaan." Napayuko siya at naluha na naman.
"Sapakin ko talaga yang Donghae na'yan pagnakita ko. Mababaw ang pagmamahal niya sayo ma'am, kasi kong mahal na mahal ka noon dapat pakinggan niya ang paliwanag mo." Nanggigil si Janna sa ginawa ni Donghae at Cloe sa amo niya.
Napatawa naman si Jewel sa mga inaakto ni Janna. Pasalamat siya dahil napadpad si Janna sa kumpanya niya. Napakabait ng dalaga sa kanya at ganun din siya kaya tinuring niya ito matalik na kaibigan at kababatang kapatid.
"Ano na ngayon ang plano ninyo ma'am? Babalik kapaba doon sa lugar ni Donghae.? Aniya kay Jewel
"Oo Janna babalik ako doon kukunin ko gamit ko. Magpapaalam ako sa kanya bago ako aalis. Pag pinigilan niya pag alis ko at hihingi siya sorry tatanggapin ko Janna. Mahal ko ei... Kaya patatawarin ko.
"Ikaw bahala ma'am basta andito lang kami ni nanay emy." Salita niya kay Jewel at niyakap nito ang amo.
***
Lumabas na ang doctor sa emergency room. Agad niya nilapitan si Donghae, sakto naman dumating si Dongwa. Tinawagan ito ni Donghae at pinaalam na nasa hospital si Cloe.
"who is the patient's guardian?" Tanong ng doctor sa kanilang dalawa
"we are her friends doc." Sagot agad ni Donghae sa doctor
"You two follow my office." Agad naglakad ang doctor pagkasabi sa kanilang dalawa. Sumunod naman si Donghae at Dongwa sa opisina ng doctor.
"Umupo muna kayong dalawa." Pag alok ng doctor sa kanilang kapatid
"Doc, ano po balita kay Cloe?" Agad na tanong ni Dongwa dahil subra siya nag alala.
"Alam na siguro ninyo na meron siyang cancer?" Palipat lipat tingin ng doctor sa kanilang dalawa habang nagtatanong
"Opo alam na namin. Sa katunayan pinababalik siya ng doctor niya sa amerika para sa agaran na operasyon." Paliwanag ni Donghae sa doctor
"Yes tama na bumalik siya sa amerika para mag pa opera. Masyado na kumakalat ang dugo sa utak niya. Hanggat hindi pa ito pumupunta sa stage 4 kaylangan niya agapan ito." Salita ng doctor
"Mga kaylan po siya doc pwede bumayahe?" Tanong ni Dongwa
"Hinamatay lang siya sa sakit ng ulo. Tinurukan na namin siya ng gamot. Kaya pwede na siya bumayahe habang hindi pa mahina ang katawan niya. Kong maari sana bukas agad lumipad na kayo patungo amerika. kasi ang bilis kumalat ng dugo sa utak niya." Pag alala na pag papaliwanag ng doctor
"H-ha? bukas agad doc?" Gulat na salita ni Donghae. Inaalala niya si Jewel hindi pa niya ito nakausap.
"Oo iho hindi natin pwede patagalin ang pag alis niya. Kaylangan sa lalong madaling panahon ma operahan na siya." Doctor
"S-sige po doc salamat po." Tumayo na silang dalawa at bago sila umalis sa opisina ng doctor kinamayan muna nila ito bilang pagpasalamat.
Pinuntahan nila si Cloe sa silid na pinagdalhan dito. Gising na ito at napangiti ito dahil nakita niya silang dalawa na magkapatid.
"Kamusta na pakiramdam mo?" Tanong ni Dongwa
"Okay na ako, nawala na ang sakit ng ulo ko. Kanina kasi parang mabibiyak sa sakit ang ulo ko." Aniya sa dalawa
"May sasabihin kami sayo ni Donghae." Ani ni Dongwa kay Cloe
"A-ano iyon." Kinakabahan si Cloe
"Sabi ng doctor kaylangan mo na pumunta ng amerika bukas. para maagapan ang pagkalat ng dugo sa ulo mo. Dahil kong papatagalin pa ito baka mauwe sa stage 4 at maari mo ito ikamatay." Salita ni Donghae. At malungkot ito habang pinapaliwanag niya kay Cloe.
Pinalapit ni Cloe si Donghae kahit mas malapit si Dongwa sa kanya. Agad hinawakan ni Cloe ang kamay ni Donghae. Nakita naman ito ni Dongwa medyo labis siya nasaktan sa ginawa ni Cloe na paghawak sa kamay ng kanyang kapatid.
"Pakiusap Donghae gusto ko ikaw ang sumama sakin sa amerika. Hindi ako aalis pag hindi ikaw kasama ko doon habang inooperahan ako." Maluha niyang pakiusap kay Donghae
Dahil sa narinig na pakiusap ni Cloe Kay Donghae lumabas si Dongwa na galit. "Ahh...bakit Cloe mas gusto mo si Donghae makasama kaysa sa'kin. Hindi ka mahal ni Donghae, ako ito oh...na nag mamahal sa'yo bakit hindi mo ito nakikita." Sigaw niya sa parking lot ng hospital at hinampas ang dalawang palad sa harap ng sasakyan niya habang napaiyak ito.
ITUTULOY
SECOND CHANCEAUTHOR: REINSYCHAPTER 18Pagkapasok ni Donghae sa banyo sinuntok niya ang pader. Oo inamin niya nasaktan din siya sa mga pinagsasabi niya kay Jewel. Kinainisan lang niya bakit pilit parin nagsisinungaling si Jewel sa kanya na hindi nito tinulak si Cloe. Naguguluhan si Donghae kong sino ba paniwalaan niya."Ahh...hindi ko na alam ang gagawin ko." Sinabunutan niya ang kanyang buhok at nilalasap ang lamig na tubig na lumalabas sa shower.Samantala naman umalis ng bahay si Jewel nang harap harapan sabihin ni Donghae sa kanya na umalis na siya sa bahay nito. Nagtaka ang matanda na makita si Jewel na nagmamadali lumabas ng bahay. Hindi na niya nagawang magtanong dito."Bakit kaya nagmamadali umalis iyon. Siguro nag