Mag-log inLouis Dela Llana: He used to be a faithful boyfriend. Pero nagbago ang lahat ng iyon nang iwan at saktan siya ng unang babaeng minahal niya ng totoo, si Rhiza. Iyon ang dahilan kung bakit biglang nawala sa bokabularyo niya ang salitang 'faithful'.
view more"ANOka ba naman Louis, daig mo pa ang ikakasal sa ginagawa mong iyan!" puna sa kaniya ni Pauline.Nasa loob na sila noon ng auditorium kung saan gaganapin ang ball at wala parin si Jade."Malapit ng mag-umpisa ang program wala parin siya. Kanina ko pa siya tinatawagan pero hindi naman niya sinasagot ang mga calls ko" nag-aalala niyang paliwanag saka muling nagdayal sa kaniyang telepono para tawagan ang dalaga."Oh hayan na pala si Jade eh!" si Rhea na sa may entrance ng auditorium nakatingin.Agad na lumipad ang mga mata ni Louis sa narinig para lang matulala sa kaniyang nakita.Jade stands in the crowd with her simple yet sophisticated and elegant red dress.Lalong lumutang ang angkin nitong kaputian dahil sa kulay ng suot nitong bestida. Lalo na ang magagandang binti ng dalaga.Hindi niya magawang alisin ang pagkakatitig sa mukha nito nang makalapit ito sa kanila. Ang itim na itim nitong buhok ay simpleng nakalugay l
"JADE."Nakita niyang nakatayo sa may pintuan mismo ng waiting room si Cindy. Nangunot ang noo niya nang mapunang hindi ito naka-uniform.Mabilis na bumangon ang matinding galit sa dibdib niya sa pagkakakita dito. Anong ginagawa ng babaing ito dito? Aawayin nanaman siya? Nang mula sa likuran ni Cindy ay lumitaw si Louis agad na napanatag kalooban niya."May sasabihin yata si Cindy sayo" sabi ni Louis saka ito lumapit sa kaniya.Tiningnan niya ang binata at nang ngitian siya nito parang nakita niya sa mga mata nito ang sinabi nito sa kaniya noong mapasukan siya nito sa CR noong isang araw."Tahan na, I'm here. Wala ng pwedeng manakit sayo."Noon nabuhay sa dibdib niya ang lakas ng loob na salubungin ng tingin ng kaharap."What?""I-I just want to say sorry sa lahat ng nagawa ko, personally. Alam ko masyado akong naging salbahe sayo, at hindi biro ang ginawa ko lately." simula ni Cindy.Hindi siya kumibo k
"JADEare you there?!"Iyon ang narinig niyang sigaw mula sa labas."Louis?""Jade!" tawag muli nito."Louis tulungan mo ako!" noon muling umagos ang mga luha niya.Ilang sandali, narinig na niyang tumunog ang knob ng pinto. Dahil doon ay malakas niyang kinalampag ang pintuan ng cubicle."Louis nandito ako!!!!" humahagulhol niyang tawag sa binata.Hindi nagtagal at nagbukas narin ang cubicle. Agad siyang sumubsob sa dibdib ni Louis at doon umiyak ng umiyak. Narinig pa niya ang sunod-sunod na pagmumura ng binata nang makita nito ang ayos niya."Sino ang gumawa nito sayo? Sabihin mo, at ipinapangako kong gagawin ko ang lahat ng makakaya ko mawala lang siya dito sa SJU!"Maging siya ay kinilabutan sa takot nang marinig ang panganib sa tinig ng binata.Hindi niya makuhang magsalita. Masyado siyang pagod at kasama pa doon ang matinding awa na nararamdaman niya para sa sarili.Kulang limang oras siyang
"THEREyou are, I missed you" nagulat pa siya nang marinig ang pamilyar na tinig na iyon.Malamig ang hangin sa quadrangle pero mabilis siyang nakaramdam ng alinsangan sa simpleng pagtatama lang ng mga mata nila ni Louis. Ang mga palad niya ay pirming pinagpawisan nang maupo ito sa bakanteng part ng concrete bench na kinauupuan niya."Sina Pauline at Rhea?" tanong nito saka ipinatong sa ibabaw ng mesang bato ang dala nitong paperbag.Sinulyapan niya si Louis pero sandali lang, pagkatapos ay ibinalik niya ang atensyon sa binabasa.Nahahati sa hinanakit at tuwa ang nararamdaman niya nang mga sandaling iyon. Tuwa dahil na-missed niya ito ng husto matapos ang ilang araw nilang hindi pagkikita at ngayon ito pa ang sumadya sa kanya kaya niya ito nakita. Hinanakit dahil sa reyalidad na may nobya na ito.Gusto niya itong itaboy pero hindi niya magawa. Wala siyang lakas ng loob na gawin iyon dahil tiyak na magtatanong ito, magtataka. At kap





