LOGINNitong mga nakaraang araw ay pansin ko nang medyo naging tahimik na ang campus dahil na rin siguro sa pagkamatay ng kaisa isahang anak na babae ng mga Fuentes.
"Ash...yung articles mo pala ha....lagay mo nalang sa table ko after mo dyan" nakangiting bati sa akin ni Ria, isa sa mga contributor ng campus journalism club.
"Ahhh sige lagay ko nalang...may class ka na ba??"
"Ahhh oo ehhh philosophy then may test din ako ngayon sa history..."
"Sige...tsaka pala ilang articles pa ba ang kailangan para sa news letter???"
"Ahhh ewan ko ehhh pero inaasahan ng organization na laging mag update doon sa anak ni Mr.Fuentes." paliwanag ni Ria habang inaaayos ang kanyang mga gamit
" Ahh ganon ba sige tatapusin ko nalang muna to..."
"Okie!!!"
Naiwan akong magisa sa room na yon at patuloy lang sa pagsusulat ng article tungkol sa isinagawang tour para sa mga freshman kahapon.Maya maya pa ay nakarinig ako ng tila naguusap sa labas ng room.
"What the!!!Mail!!!anong ginagawa mo dito????"galit na saad ng isang tinig..
"Why???Masama bang mag aral rin dito...." sagot naman ng isa pa.
Dahan dahan akong naglakad papalapit sa pintuan at inilapit ang tainga sa pinto.
"Just go home!!!"tila naiinis na ngunit ma awtoridad nitong sagot sa kausap.
"I don't care kuya....gawin mo kung anong gusto mo at gagawin ko rin yung akin..."
Papakinggan ko pa sana ang susunod na paguusap nila ng makarinig ako ng malakas na kalabog kaya naman minabuti ko na na tingnan ang naguusap sa labas.Pagkalabas ko sa kwartong iyon ay tumambad sa akin ang dalawang lalaki na nag aaway.Nasa madilim na parte sila ng hallway kaya siguro wala rin silang naagaw na atensyon sa iba bukod sa akin na nasa harap na kwarto nito.
"Sabi ko sayo respetuhin mo ko dahil kuya mo ako....g***!!!"galit na galit na bulyaw ng isa sa kausap saka pinaulanan ng kaliwa't kanang suntok.Hindi naman nakapaglaban pa ang kasama marahil dahil
sa lakas at sunod sunod nitong suntok.Kapansin pansin rin ang pagiiba ng ekspresyon sa mukha na dulot ng sakit. Hindi pa naawat ang lalaki at dinambaan pa ito ng isa pang suntok kaya naman napaupo ang lalaki na agad rin namang kinuwelyuhan nito...
"Who the hell are you to talk to me like that ha!!!"sigaw pa nito saka sinuntok ang kapatid sa mukha ng napakalakas.Kitang kita ko ang paglabas ng dugo ng bibig nito kaya naman napasigaw ako ng wala sa oras....
"Stop!!!"
Dali dali akong tumakbo papalapit sa lalaking halos mawala na sa kanyang wisyo at itinulak ang lalaking nasa ibabaw nito...
Hiro Lawrence POV
"Everythings ready na kuya..."sabi ni Lance habang inaayos ko ang necktie ko. Ngayon palang ako papasok dahil ilang araw na delay ang mga papeles ko kaya imbes noong monday ako pumasok ay ngayong Friday palang.Wala naman akong pakialam kung nagkaroon na sila ng diagnostic test.Mas importante na matapos ko ang misyon ko doon.
"Okay thanks... you may go now..." simpleng utos ko kay Lance sabay pasok sa mini wardrobe sa loob ng kwarto ko.
Pababa na ako ng hagdan ng mapansin kong kompleto kami ngayong magkakapatid at lahat sila ay nasa harap na ng hapagkainan.Siguro para sa iba ay magiging espesyal ang araw na to pero ano bang espesyal dito kung lagi ko naman silang nakikita.
"Kuya!!!"sigaw ni Jen nang mapansin ako nito.
Tipid na ngiti lang ang sinukli ko sa kanya at wala nang naglakas ng loob na magsalita hanggang sa mag umpisa na kaming kumain. Maya maya pa....
"Kuya Hiro hindi pa rin ba ako pwedeng lumabas ngayon???"
" Just like what dad have told us...you're grounded for two weeks which means next week ka pa makakapasok..."
At hindi nga siya nagsalita pa uli.Maya maya ay napansin ko ang unipormeng suot ni Ismail.
"Why are you wearing that???" Kalmadong tanong ko habang nginunguya ang pagkain.
"What???"Inosente pa nitong tanong
"That!"sagot ko sabay turo ko ng uniform niya...
"Ahhh!!you mean this... actually Im planning to go the same school as Jen na sa kasamaang palad ay school mo na rin" pabalang na sagot nito.
Maaga pa kaya ayokong magaway kami ni Mail kaya minabuti ko nalang na kumalma at ipagpatuloy ang pagkain ko. Hindi ko pa nakasundo si Mail sa kahit na anong bagay at alam kong di siya magpapatalo kaya kahit na anong sasabihin ko ay paniguradong may isasagot siya.
"You're not going anywhere today. You stay here at di ka pwedeng pumasok sa South Yale University. Jen is enough....wag ka nang dumagdag pa!!!" Pautos na sagot ko sabay tayo ko sa hapagkainan
"Finish your breakfast...papasok na ako"
Dumiretso na ako garage at inayos ang ang gamit ko for disguising as a college student.
Pagkapasok na pagkapasok palang namin sa gate ay napansin ko na ang malaking pangalang nakaukit dito.
SOUTH YALE UNIVERSITY
How I miss this place.Last time na nakapasok ako dito ay six years ago noong time na makuha ko ang first mission ko way back when I was 16 years old.
Nang makarating kami sa parking area ng school ay kinuha ko na ang bag ko at umalis na rin ngunit napansin ko ang isang kotse na malapit sa direksyon ko at kilalang kilala ko ang may ari nito---Ismail!!
At di nga ako nagkakamali nang makarating ako school ay narinig ko kaagad ang boses nito na mukhang masayang masaya.
" Yeahh sure mamaya sa mansyon invite ko kayo..." masaya pa nitong saad.
"Sure??? Touch move na ha...."sabi ng isang lalaking nakangisi na nilalaro ang buhok ng babaeng kasama nito.
"Ehh how about kung dumating ang parents mo di ba sila magagalit???"tanong naman ng isa
"Dont worry wala don si Dad and I got your back pagdating ng mga kuya ko."
"Really may mga kuya ka...??" Malanding tanong ng isang babaeng hapit na hapit ang suot na damit.
"Yeah but basta mamaya sa mansyon haha pumunta kayo"
Nag init bigla ang dugo ko.Ito ang dahilan kung bakit laging pumapalpak ang mga misyon ni Ismail.Napakacareless niya.Kaya ayaw ko ring pumasok siya sa school same as mine and Jen dahil maaaring gamitin sila ni Jen laban sa akin.Maaaring gamitin sila laban sa akin kapag nalamang kapatid ko sila.Ayaw ko nang magkaroon ng balakid sa mga plano ko. Everything has a plan and I already have one. At ayokong malihis ako sa mga planong iyon nang dahil lang sa kanila dahil hinding hindi ko susuwayin ang mga planong inihanda namin ni Dad kung mapahamak sila.It only means no body is an exception dahil kahit anong mangyari...plans serves right!!
Hinila ko na si Ismail sa kanila at buong lakas na kinaladkad sa isang madilim hallway sa likod ng cafeteria.Mabuti naman at hindi na rin sya nagprotesta pa.
"What the!!!Mail!!!anong ginagawa mo dito????"galit na tanong ko
"Why???Masama bang mag aral rin dito...." matapang pa na sagot ni Mail.
"Just go home!!!"tila naiinis na ngunit ma awtoridad kong utos
"I dont care kuya....gawin mo kung anong gusto mo at gagawin ko rin yung akin..."
"Wag kang bastos!!!"sigaw ko at hindi ko na napigilan ang sarili kong suntukin sya
"Sabi ko sayo respetuhin mo ko dahil kuya mo ako....g***!!!"
"Who the hell are you to talk to me like that ha!!!"
At sunod sunod ko pa siyang pinagsasapak habang kinukwelyuhan siya.Lahat na ata ng frustration ko ay naibuhos ko na kaya napalakas ang suntok ko sa kanya nung huli.Tumalsik ang dugo niya mula sa bibig niya at balak ko pa sanang sapakin sya ngunit bigla kong narinig ang malakas na sigaw ng isang babae.
"Stop!!!"
Dali dali syang tumakbo sa direksyon ni Mail at tinulungan itong makatayo at itinulak ako palayo rito.
"Nasisiraan ka na ba ng ulo....!!!"galit na saad nito sa akin
"Ayos ka lang???"nagaalalang tanong nitong kay Mail.
Napako ang paningin ko sa babae habang pilit na binubuhat ang kapatid ko na parang mawawalan na sa ulirat.
"Ano????tulungan mo ko..."sabi nito sakin ngunit sa halip na tulungan ay umalis ako sa harap nila na parang walang alam. Sanay naman na akong makita si Ismail na duguan dahil sa aming tatlo ay siya ang pinaka mahina sa tuwing nagtretraining kami.Hindi ko na sya nilingon pa dahil alam ko namang malayo yun sa bituka. Mas nakita ko na rin siyang ganyan minsan pa nga ehh mas malala pa.
Ashley Rhein's POV
"Yes po maam.." sagot ko kay Ms.Heena,ang campus nurse.
"O sige kailangan niya lang magpahinga ako nang bahala sa kanya..."
"Thank you po maam"
Matapos kong madala sa clinic ang lalaking iyon ay dumiretso muna ako sa club room namin kung saan ako kanina bago ko makita ang lalaking iyon.Di ako makapaniwala na may nagbubugbugan na magkapatid at ang masama pa parang wala lang ito sa kanya.Di ko naman mahuhusgahan yung lalaking yun pero kasi kapatid niya parin yon ehhh.
Pumasok na rin ako sa class ko bago pa ako malate at nakasalubong ko sa daan si France.
"Eyy sabi ni Ms.Heena galing ka daw sa clinic...???? Bakit???"tanong ni France habang naglalakad kami sa hallway
" ahh may hinatid lang ako kanina may nagsuntukan kasi ehhh"
"Ahhh by the way yung website natin na hack pala kaya may ganong klase ng article..." seryosong sabi ni France
"Ehhh sino nagsabi??"
"Si sir Arnold...hinanap niya kasi kung sino yun kaya lang ang nakaregistered ehh unknown talaga....yung codename niya wala rin siya sa members... mukhang mahirap daw alamin kung sino yun"
"Ehh ano daw gagawin???"
"Ayun... aalamin then kakausapin...then wala na... as if naman na may magagawa siya ehhh siya rin naman ang nagturong manghack sa mga students ehhh....and for sure maiinis yung si sir.....naapakan kaya ego niya...akalain mo siya i mean an expert ehh nahihirapan...aysss "
Natatawa nalang kami ni France.Kunsabagay si sir Arnold kasi ang prof namin about hacking at siya rin ang head admin ng website namin then the fact na may nanghack sa website nang si namin napapansin...its very ironic.
"France!!there you are..." salubong na bati ni Kylie, isa sa mga kaibigan ni France na mahilig sa fashion
"May sale kahapon ha...yung bag na gustong gusto mo..." masayang sabi nito saka isinabit ang braso na braso rin ni France.
" Wehhh...sayang di ko nakita ehhh..."
"Dont worry ofcourse I buy it for you na..." sabay abot ng isang sling bag na may pink pockets pero halatang mahal ang mga materyales na ginamit dito.
"O.M.G.!!!!!!Kylie!!!!! Bakit ba ang sweet mo.....thank you " nagsisigaw sa tuwang saad ni France saka niyakap si Kylie.
Napailing nalang ako dahil sa ginagawang yon ni France.Kahit kailan kasi ay ganoon talaga ang reaksyon niya sa tuwing nakaktanggap siya ng regalo lalo na kung unexpected like every time na walang celebration kasi every birthday niya o kaya naman holiday celebration ay nageexpect siya lagi ng gifts which is never naman syang nadisappoint..
Mayamaya pa ay dumating na rin ang first prof namin
"Okay guys listen up....we have a new student...please come in.."
Naging curious ang ilan lalo na ang mga kababaihan na umaasang lalaki ang transfery pero nakakapagtakang mas pinili niya ang class B kaysa na class A.
Class B kasi kami dahil nandito ang mga kaibigan ni France pero di din naman nagkakalayo ang standards sa dalawang class siguro mas nauuna lang alphabetically ang class A kaysa sa ClassB syempre...pero bukod don sinasabi rin kasing weird section ang class B kasi iba ibang klase ng tao ang nandito unlike sa class A na more on competetiveness
Well Im not in the position to know that right now di ba so why bother???
"Introduce yourself mister"
"Hiro Lawrence Wolford"
Napatigil ako sa pagsusulat ng article ko nang marinig ko ang familiar na boses na bumalot sa apat na sulok ng classroom namin. Unti unti kong inangat ang paningin ko at di ko pa masyadong nakikita ang kabuuan ng mukha niya pero napansin ko na agad ang walang ekspresyon na mukha nito habang nakatingin sa akin.
This can't be happening....I know this guy and there's no way na magiging classmate ko siya....
And that's his name....Hiro Lawrence Wolford...that name suits him though. A very predictable yet a unique one....
A/N:(Sana magustuhan niyo po) Thank you sa pagbabasa please tell me your thoughts about this story......
Thankiesss..❤❤❤
Ashley Rhein's POVIts been 3 days ago after that incident I mean yung nangyari sa eskinita and nakakapagtaka lang kasi hanggang ngayon ay wala pang nababalita tungkol dun. Kahit ang club namin ay wala rin namang pinapagawang article para sa newsletter.Ganoon din sa website,ni isa ay walang nakapagsulat ng kahit isang article na siyang pinagtataka ko.Karamihan kasi sa mga article writer sa website ay mga alumni ng school at successful professionals na sa ngayon.Di ko lang alam kung alam ni Rhia but I doubt kung alam niya.Pero dahil sa ayaw ko na ngang maalala ang nangyari na yun hindi ko na rin sinabi pa sa iba.Baka masabihan pa ako nina France na baliw na kasi imposibleng hindi macover ng website ang ganto kalaking insidente.Pero ngayon kinakain pa rin talaga ako ng curiousity....well totoo nga ata ang kasabihang "curiosity kills the cat" well sariling motto yan ni Kuya.Speaking of Kuya....magkikita pala kami ma
Ashley Rhein's POV"Then this will be your end..." sabi ng lalaking nasa harap ko sabay niya ibinaon sa hita ko ang hawak niyang kutsilyo.Nagkalat ang dugo sa parteng iyon at kahit na nahihirapang tumayo ay pinilit kong makaalis sa lugar na iyon habang kinakaladkad ang sariling paa.Ramdam na ramdam ko ang sapra ng lupa habang ang malilit na bato ay pilit na pumapasok sa bawat sugat ko. Maging ang mga hibla ng kahoy sa gubat na ito ay sumisiksik sa sugat na siyang mas nagpapasakit sa bawat hila ko.Wala akong laban sa kung ano pa ang plano sa akin ng lalaking nasa harap ko pero gusto kong subukang tumakas.Ngunit bago pa man ako makaalis sa lugar na iyon isang nakakapangilabot na tawa ang narinig ko mula rito."Hahahahahah sa tingin mo makakaalis ka dito nang ganyan ang kalagayan mo....kung di mo sana nakita ang nangyari nang gabing yun di sana wala ka rito at masayang nakikipagusap sa mga kaibigan mo."
Hiro Lawrence POV""So whats the plan kuya???"Sigurado akong may hindi titigil ang awtoridad sa pagtuklas ng katotohanan sa naganap na patayan sa ilalim ng tulay."Isa sa malaking pagkakamali ay ang hinayaan natin si Mail sa misyong yun" matigas na pagkakasabi ko."Pero kuya hindi rin naman alam ni Mail na may bigla nalang kakalat na article tungkol dun""Yun na nga ehhh masyado kasi siyang padalos dalos sa ginagawa niya..."Napansin kong may sasabihin sana si Lance ngunit mas pinili nalang nitong manahimik."Kahit kailan talaga napakatigas ng ulo ng taong yun....ginagawa niyang biro ang lahat ng bagay at ngayong sumabit ang isa sa mga misyon niya kailangan pa nating gawan ng paraan para malusutan..." malamig ngunit madiin na sambit ko na ikinatahimik ng kwartong iyon..."So you're saying kasalanan ko pa ang paglabas
Ashley Rhein's POV France and Kylie sat across mine and I know there's something much to talk about na naman.And I doubt kung mananahimik sila lalo na si France habang hindi ko pa rin sinasabi ang tungkol sa nangyari kagabi. "So tell us now....what happen last night Ash??? Ba't bigla ka nalang nawala...???"seryosong tanong ni France"I thought it was a sleepover but it turns out may bigla nalang uuwi in the middle of the night..." sabi naman ni Kylie habang tinitinggan ang mga kuko niya sa kamay..."Ok...let me explain ""Ofcourse you really need to explain Ash!!!" galit na sagot ni France sabay kalampag niya sa table niya sa harap ko.Nagulat ang lahat at napatahimik."Something's came up last night so I really need to go home...""Why is that hindi mo manlang sinabi sa kin...""Cause its already 12:00 and I
Abala ako sa pagtingin ng mga bagong armas na dinala dito sa Lisanda Base nito lang nakaraang araw. May mga bagong Shotguns. ...Handguns. ...Pump-Action Firearms. ...Semi-Automatic,Firearms..Bolt-Action,Firearms. ...Break-Action,Firearms. ...Muzzle-Loading Firearms at iba pa."Hiro, kamusta na ang bago mong mission? Any improvements?"taas kilay na tanong ni Vin sakin, ang kanang kamay ni Dad.I look at him full of amazement.I can't believe this.How can he still lives right now even if I kill him a thousand times at my imagination.Napangisi ako."I don't think its necessary to report MY confidential mission to anyone aside from my dad....especially to you..." nakangising tugon ko sa kanya at inemphasize ang word na "MY""Well Im just curious about this mission...One time nakita ko ang dad mong may kausap sa phone and I th
Ashley Rhein's POVNandito na kami sa cafeteria at mukhang zombie akong naglalakad papunta sa table namin ni France.Hindi ko kasi maalis sa isip ko yung lalaking yun ehhh...ang weird ng awra niya grabe. And unfortunately nasa likod ko siya...as in.... lumipat kasi si France sa tabi ni Kylie na nasa kabilang row ehh dapat nasa likod ko siya...tapos yun pumunta siya dun kanina kasi nga dahil dun sa bag tapos di na siya nakabalik ayun tuloy ang weird sa feeling ko kasi parang everytime na gagalaw ako ehhh laging may nakatingin.Ang tahimik niya rin at every time na tatanungin siya ng prof ehh lagi siyang may sagot, not in the bad way pero ang smooth lang...ang casual.Pero ang cool din ng personality niya kasi ang cold niya kaya medyo mysterious din siya. Mahilig kasi akong magbasa at siya yung tipo ng character na cold pero ewan nakakatakot din yung presensiya niya ehhh...."What do you think Ash???"tanong ni France na nakapagbalik s