LOGINOne"Eto po," abot ko sa mug kay Manang Lucia.Ngumiti siya at inamoy niya ang kapeng ginawa ko. "Ang bango. Paniguradong masarap din ito," puri n'ya sakin.Tumawa ako. "Manang, napakabolera mo," iling iling ko.Umiling din sya. "Totoo! O s'ya, dadalhin ko na ito sa opisina ni Sir Tenor."Tumango ako at tipid na ngumiti kay Manang ngunit kumunot ang noo nito at hindi gumalaw. Parang may iniisip."Gusto mo bang ikaw na lang ang magbigay nito sa kanya? Tutal ay ikaw naman ang gumawa ng kape." suwestiyon ng ginang. Bahagya pa itong nag-aalinlangan.Umiling na ako agad. Gusto ko pero alam kong hindi pwede. "Hindi na, Manang. Aalis na din kasi ako e." palusot ko at totohanin ko na lang.Aalis na lang din ako. Tutal tapos naman na ako sa pagtulong sa gawaing bahay rito.
Beginning"Good morning, Ma'am!" Nginitian ko si Glena at binati na rin pabalik. Saglit kong nilibot ang mata ko sa buong coffee house at naispatan ko kaagad ang ilang mga customer duon na nagkakape. May ilan rin sa counter para sa order."Hey," Sinalubong ako ni Shan at nginisian. Siya ang manager ng coffee house at s'ya ang pinagkakatiwalaan ko habang wala ako para asikasuhin ito.Ngumisi ako pabalik. May minuwestra s'ya sa akin na isang babae na palagay ko'y bata pa lang o siguro'y nasa disi-otso ang edad. Nakasuot ito ng uniporme ng pangwaitress."Si Anna. Bagong salta. Ngayon ang unang araw n'ya dito. Nasabi ko noong nakaraan na naghiring tayo diba?" pakilala ni Shan sa bagong empleyado.Tumango ako at naiwan ang mata sa babaeng ngiting ngiti sa akin. "G-good morning po!" bati n'